Page 12

148 1 3
                                    

Hindi pwede. Hindi ako in love. Ang labo naman tapos ang bilis pa? Hindi ko pa nga siya kilalang mabuti. 

Mas lalo atang nabother si Penny sa napagusapan nila ni Jasmin. Pero may point kasi ito, at yung point ang hirap siyang tanggapin. Ayaw niyang isiping na may nararamdaman nga talaga siya aside from awkwardness kay Ian. Parang mas favorabe pa sa kanyang isiping sexually frustrated nga siya kesa in love dito. 

Hay. This too shall pass.

Nasabi niya sa sariling iiwasan na talaga niya ito pagkatapos ng groupwrok.

And speaking of groupwork, kailangan niya pa lang itanong kung sino ang makakapagdala ng camera o video camera bukas.

Send to: S3Grp

     guys, di pla ntn npgusapn kung cno magddla ng cam. cno pwd? pls reply asap. -- Penny

Akala niya wala ng magrereply dahil mag aalos dose na pero nagbeep maya maya ang cellphone niya.

Frm: Ian S. 

    I have a videocam here the apt. no need to worry.

Sabi ko nga. Mayaman e -__-

Send to: Ian S. 

     OK. tnx.

Itatabi na sana niya ang cellphone niya ng mag beep ulit at name na naman ni Ian ang nagappear sa screen. 

Ugh. what now?

Frm: Ian S.

    Bakit nga pala gising ka pa?

Ayaw na sana niyang magreply pero hindi niya napigilan e. Haha

Send to: Ian S.

    im working.

Frm: Ian S. 

    Oh. ok. See you tmr then. Gnight Pen  

Hindi na siya nagreply at parang naguiguilty siya, pero pinigilan niyang maguilty totally sa pagsusuplada dito dahil alam niyang kailangan yun para hindi nito maisip na okay lang sa kanya pag umaasta itong sweet. Sana rin maramdaman nitong hindi siya willing makipagfriends.     

Kinabukasan mga thirty minutes bago ang napagusapan nilang meeting time tinext niya si Ian para magtanong ng directions papunta sa apartment nito. Pero ang sabi nito sabay na lang sila dahil nasa campus pa naman daw ito.

Sinabi niya dito na sa Vega Mall malapit sa gate na lang sila magkita. Hindi naman talaga Mall as in parang SM ang Vega, building lang na may mga shops at ilang fast food.

"Hi Pen, tara?" yaya agad nito sa kanya pagsulpot sa likod niya. Ugh, nakatalikod kasi siya kaya di niya nakitang papalapit ito. Di tuloy siya nakapaghanda sa presence nito -_- 

"Uh, di na ba natin sila hihintayin?"

"Wag na. Haha. sayang oras pwede naman silang dumerecho na lang dun."

Nga naman. Hindi naman pwedeng mauna siya dahil apartment nito yun di ba? Kaya syempre sabay sila. Oh well. Humugot na lang siya ng malalim na hininga at sumama na dito.

Wala silang imikan habang naglalakad na mejo ikinapagtaka ni Penny. Usually nga kasi nangungulit or mejo madaldal ito di ba? pero ngayon...ang weird.

Pumasok sila sa isang compound na mukang sosyalin. May disenteng gate kasi tapos may guard pa. Then yung hilera ng mga apartment halatang malaki saka mahal. 

Penny's ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon