I'm all set!
Alam mo sa kabila ng lahat thankful pa rin ako sa maliliit na bagay na kahit papano nagpapagaan ng pakiramdam ko. Tulad nitong computer shop, kahit mabagal ang internet, mainit, maingay ang paligid at mabaho ang katabi ko. May paraan pa rin para makapag post ako.
Naisanla ko na si Toshi. Sinwerte pa ako na umabot ng 5K ang price. Tapos may naitabi pa akong pera kaya may pang-tuition na ako at sobra pa.
Excited na ako. Makakalayo na ulit ako sa magulong bahay namin at makakabalik sa trabaho. Alam ko parang ang samang pakinggan na kating kati na akong umalis. Mahal ko si Nanay at ang mga kapatid ko pero di ko naman maiiwasang mapagod.
Si ate na dapat tumutulong kay nanay bigla na lang nag MIA. Daming pangako ang napako, mukang nahiya nga ang pako sa sobrang dami. Nakakdisappoint, pero sanayan na lang din. Tapos makikita ko na lang sa facebook na kung saan saan na sila nagtour ng Asawa niyang Canadian. Sarap ng life niya.
Si kuya naman nagasawa kaagad pagka-graduate. Galing nila noh? Ngayon tuloy ako ang superhero ng bahay. Palakpak naman diyan.
Tapos si Nanay naman sobrang bait umabot na ata sa katangahan. Mantakin mong yung ipinadala ni Kuya ipinautang niya? Bait noh? Tapos sa'kin tatakbo dahil hindi nagbayad yung "friend" niya.
Pero anong magagawa ko? Hindi naman ako ang panganay. Anak at kapatid lang nila ako. Anong sasabihin ko? Na mali sila? Wag na, hindi naman maitatama ng sasabihin ko ang mga mali nila. Magaaral na lang ako ng mabuti at magtatrabaho para may pera.
Babalik na ako ng Los Baños bukas para maasikaso ang Registration at Enrollment. Saka para makaumpisa na ulit ako sa trabaho, sayang din yung 1 week na pwede kong i full-time.
Pero wag kang magalala, Sa Acads, Trabaho at Sa Blog ko lang uubusin ang oras ko.
Pagkatapos maipost ay naglog off na siya sa Blogger. Ang labo no? Bakit blogger pa din kung may Tumblr na? Ayaw kasi niya ng masyadong mainstream. Masyado siyang Privacy junkie.
"Pakanu pang kalwat?" tanong niya sa nagbabantay sa shop kung gaano pa katagal.
"18 minutes pa ganda"
Naisipan niyang ubusin na lang ang time bago umuwi. Nagcheck na lang siya ng twitter na hindi naman niya madalas mauupdate. Nagopen rin siya ng facebook at tiningnan kung gaano kasaya ang Summer ng mga "friends" niya.
Nagso-scroll siya sa newsfeed nang biglang may mag chat sa kanya.
"Hi ate, taga saan ka po?"
Nakita niyang nagpop sa chat box. Tiningnan niya kung kanino galing at napakunot-noo nang hindi niya nakilala kung sino.
Why are we friends?
Naisip niya. Hindi niya kasi kilala iyon. Hindi na rin niya inisip kung paano sila naging friends dahil wala namang sense, iuunfriend na lang niya mamaya.
Nang hindi siya magreply nag pop na naman ang isang message.
"ano pong number mo?"
Nairita na siya. Bakit ang daming ganun? Napakadesperadong makipaglandian? Ugh. Nagoff na lang siya sa chat at hinintay maubos ang natitirang time bago siya umalis.
****
"Nandito na po ako Nay" sabi ni Penny pagkauwi niya.
"Sige anak, kumain ka na rin. May pagkain pa sa kusina"
"Sige po" sigaw niya bago siya nagtuloy sa kwarto para kumuha ng twalya.
Nakakuha na siya ng damit nang mapansin niyang bukas ang bag niya sa tabi ng aparador. Nilapitan niya ito at chineck ang laman ng wallet niya.
Hay. Let it go Penny, Move on.
Sabi niya sa sarili pagkatapos humugot ng malalim na hininga. Wala na naman ang limang daan niya. Buti na lang iyon lang ang laman ng wallet niya. Lumabas na siya at lumapit sa nanay niyang tumatagay sa kusina.
"Nay, luluwas na ho ako pabalik ng elbi bukas" paunang sabi niya habang nakikiramdam kung nakuha ba nito ang mensahe niya.
"O siya magiingat ka ha? Magaral ka ng mabuti" tumango na lang siya pero hindi itinago ang disappointment.
"Pasensya ka na anak ha? wala akong maiaabot sa'yo. At saka hiniram ko nga rin pala yung limang daan sa pitaka mo. Nanghiram kasi si Janet e, ibabalik din daw bukas"
"Sige po. Gawan ko na lang po ng paraan ang pamasahe ko" nakita niyang ngumiti ito sa kanya bago siya tumuloy sa banyo.
Ineexpect na niya iyon kaya ready na siya. Pero kahit ineexpext na niya, di niya pa rin maiwasang madisappoint. At malamang alam din naman ng nanay niya na may paraan siyang magagawa. Bumuntong hininga na lang ulit siya.
Matatapos din lahat ng ito.
BINABASA MO ANG
Penny's List
RomanceWala sa priorities ni Penny ang lovelife. Pero pano kung alukin siya ng "Perfect Deal" ng estrangherong naka hot stuff niya? Oh my. Paano na ang listahan niya?