Page 4

176 2 1
                                    

I am so stupid!

Sa totoo lang may hindi pa ako nasasabi sayo. I've done something stupid almost a month ago. 

Pasensya na kung hindi ko agad nakwento. Pakiramdam ko kasi masyadong sensitive yung topic para sa unprotected space tulad nito. Pero ito na nga, isheshare ko na.

I've had a casual sex with a stranger. OHMYGOD it sounds so bad. :( I mean it was a one night stand. I was drunk but I guess not that drunk to not know what's happenning. You know what I mean? 

And you know what's worse? I didn't even know his name.

I know. I know. Sabi ko I will never indulge to something like that. Alam mo naman hindi ako fan ng pre-marital sex although I never really cared if almost everyone do it. 

Sa tingin ko kasi useless naman na gumamit pa ng ibang tao para sa intimate moments kung may self service naman di ba?

oh my god I think something really has happened to me. Akalain mong maiisip ko yung ganitong kamunduhan? to the extent na dinidiscuss ko pa sayo? Sht.

Pero hindi pa yan lahat e. Dapat magsisi ako. Dapat madepress ako dahil sobrang laking kagagahan ang nagawa ko. Pero bakiiiiit? BAKIT HINDI KO MAGAWANG PAGSISIHAN ANG NANGYARI? I mean I should wish so hard it never happened. But I am not! Worse is, I'm even glad it did happen. 

My soul's probably burning in hell while I'm typing this. Or not. Exaggerated lang ako. Hay.

Okay. I just have a question,

Is it bad not to feel bad about something bad? :(

* * * *

Pagkatapos mag computer sa shop dumerecho si Penny sa Jambori Cafè kung saan siya nag papart-time job. Kakausapin muna niya ang manager niya na medyo malayong kamag anak ni Jasmin para itanong kung pwede ba siyang mag full time kahit isang linggo lang. Next week pa naman kasi ang simula ng klase, sayang din yung suswelduhin niya ng buo. 

Hay.

Bumuntong hininga na naman siya. Hobby na ata talaga niya ang pag buntong hininga. Bakit kasi ganun palagi ang pakiramdam niya? Nakakajirits. 

"Hi Penn. Kumusta? " bati sa kanya ni Gerard, ang technically, boss niya.

"Ayos naman GD. Payag ka ba? Sa umaga dun ako sa grocery tapos pag gabi dito ako. Alam mo na, kailangan maraming racket." sabi niya dito na sinundan ng mahinang tawa.

"Oo naman. Ikaw pa! Alam mo namang malakas ka sa'kin. Tamang tama nga, may party ang JES mamayang gabi dito. I need an extra hand. " 

Nabuhayan siya ng loob sa sinabi nito. Kapag may org kasi na nagheheld ng party don, may mga tip at libreng booz. Sosyal di ba? Saka kailangan din ata niyang mag loosen up dahil nadedepress na naman siya. Idagdag pa ang paguusap nila ni Jasmin Kanina. 

Umuwi siyang masaya. Bawi na niya ang limang daan dahil isang linggo rin siyang raraket sa grocery na pagmamay ari din nila Gerard. 5k kasi a month ang sweldo ng full time na empleyado doon, pero dahil sa gabi lang siya 3k lang. Ayos na din, pang kain na niya iyon sa isang buwan. 

Pagdating niya sa apartment wala si Jas, kaya naisipan niyang matulog na lang muna. 

Gumising siya ng 3pm at nagsimula ng magayos. Kailangan kasi niyang pumunta na sa bar bago mag 5. Alas syete kadalasang naguumpisa ang mga party. 

Naging abala na siya pagdating sa bar. Ayos din yon, gusto niya ngang napapagod at nagiging busy para wala na siyang lakas magisip pa. Nang pumatak ang alas syete nagsimula ng magdatingan ang mga myembro ng JES, tapos dumami na ang tao at bandang alas otso dumating na ang dalawang host kaya nagsimula na.

Natoka siya sa cocktail drinks kasama si Bernard kaya sa counter siya pumwesto. 

"One dry margarita c--" naputol ang kanyang sasabihin at parang nakakita ng multo nang may mapansin siyang pamilyar na bulto sa may VIP lounge. 

Kumurap kurap siya at umaasang namamalik mata na lang siya. Pero nang hindi pa rin nawala ang multo, nagmamadali siyang pumunta sa likod at hinila si Jing. 

"Jing, sub mo muna ako! dali ihing ihi na ko" sabi niya dito sabay takbo papunta sa CR.

Naghilamos kaagad siya pagpasok sa CR. Hindi siya makapaniwala. Isang malaking joke ata ang nangyayari sa buhay niya. Anong nangyayari? Bakit kung kelan pursigido siyang maging smooth, normal at uncomlicated ang mga bagay bagay saka naman siya tinamaan ng lintik! 

Breathe, Penny. Breath. 

Tinampal tampal niya ang pisngi niya at nag inhale exhale. Wala siyang pakealam kahit muka na siyang tanga sa banyo. Kailangan niyang maghunusdili!

It's not real Penny. Go out there and do you job.

Humugot siya ng malalim na hininga bago lumabas. 

Pakiramdam niya nabunutan siya ng tubo sa leeg nang hindi na niya makita ang lalaki sa pwesto nito.

I told you. It's not real.

Bumalik na siya sa pwesto niya at nagmix na ulit ng mga inumin. Pilit niyang inignora ang mga naiisip niya. Hay. Hindi niya inaakalang makikita pa niya muli ang gwapong pakealamero. 

"Do you serve sweet lips? " 

Nanigas ang likod niya at napatigil sa pagsasalin ng alak ng marinig ang pamilyar na tinig. 

Sht Sht Sht.

Isipin mo na lang joke lang ulit yan! Sabi niya sa sarili at pilit pinabalik ang composure niya.

Nilingon niya ang lalaki at pinilit mag Poker Face.

"I'm sorry sir, But I'm not familiar with that drink" sabi niya dito sa patag na tinig. She congratulated herself for not stammering. Hooray!

Ngumisi lang ang lalaki at tumawa ng mahina. Hindi niya alam ang gagawin kaya napatanga lang siya saglit hanggang sa mapansin niyang bumaba ang tingin nito sa kanyang dibdib.

UGH! Perv!

Nanggigigil na siya pero inisip niyang customer pa rin ito at hindi niya pwedeng singhalan.

"Penny. Hm, nice name. It suits the line 'A penny for my thoughts'" sabi nito na nakapagpatigil sa flow of thoughts niya.

May tagname nga pala silang suot kaya nakatingin ito sa dibdib niya.

"Sorry sir, can I get you something else? " hindi ito sumagot at tinitigan lang siya ng mataman.

"Have we met Penny? "

Penny's ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon