Page 6

168 1 0
                                    

Nakatunganga na naman si Penny at lumilipad ang isip. Lunes na, bukas may klase na at mag pe-prerog pa siya sa 7am class ng SOSC 3. Nananadya ata ang pagkakataon dahil yun na lang ang pwede sa sched niya 'Exploring Gender and Sexuality' pa ang course title. Tss.

Isang linggo na mula ng makita niya ang gwapong pakealamero at lalo niyang nasiguro na dayo lang yun. Kaya keber na, forget and carry on and peg niya dapat. 

Mula nun back to normal na naman ang buhay niya. Well, it's as normal as it can be. Uuwing pagod. Gigising. Gagawin ang dapat gawin. Yay, ganun lang. Parang robot na may program. 

At akala niya okay na siya ng ganun. Pero bakit mula ng gabi ng kagagahan niya parang may kulang na sa araw araw na routine niya? Hay. 

Paguwi niya bandang alas dos bagsak agad siya sa kama. Ayaw na niyang magsayang kahit minuto lang ng 4 hours na pwede niya pang itulog. Nakakainis naman kasi, alas syete na lang ang pwedeng isingit sa schedule niya. 

Hindi naman niya pwedeng i-give up na lang dahil gusto niyang kunin na ang subject para sulit ang isang sem. Sinabi na lang niya sa isip niyang kaya niya. Tuwing Tuesday lang naman siya kailangang bumangon ng maaga. 10am na ang sunod na pinakamaaga niyang klase. 

Nagising siya ng 6:30 at nagmamadali nang kumilos. Isa't kalahating oras lang naman ang subject na yon kaya mamaya na lang siya mag aagahan. 

Pagdating niya sa lecture hall hinanap niya kaagad ang Studen Assistant para itanong kung pwede pang mag prerog sa section na sinabi niya. Natuwa naman siya ng sabihin nitong pwede pa at magpapirma lang siya sa prof mamaya. 

Nakaupo sa siya sa bandang likod ng mapamura siya ng mahina.

ugh. not again.

Napako ang tingin niya nang mamukaan niya ang lalaking pumasok sa pinto. Nakita niyang lumapit rin ito sa SA. Then suddenly, lumingin ito at nahuli siyang nakatingin dito.

omg omg. look away Penny!

Parang napaso siyang nagbawi agad ng tingin at yumuko. Sana sana hindi siya nito nakilala kundi lintik na talaga. 

Bakit ba naman kasi hindi na lang ito maglaho ng tuluyan sa buhay niya? Kung kelan nageeffort na siyang kalimutan ito sulpot naman ng sulpot. GANUN BA TALAGA?!

Nang subukan niyang tingnan ulit ito, nakita niyang nakatingin ito sa kanya. humaaaaygaaad talaga. 

Hindi na ulit siya nagattemp tingnan ito at sinubukang magfocus sa projector sa unahan.

"Excuse me miss, is this seat taken? " napapitlag siya at kinabahan nang marinig niya ang boses nito pero hindi siya nagangat ng tingin. Dinampot niya ang bag niya at ipapatong sana sa bakanteng upuan.

"Sorry, naka sav--- No, it's not" sabay pa nilang sabi ng babaeng katabi ng bakanteng upuan. Nakuha pa nitong magpa-cute sa lalaki!

Ugh!

Wala na siyang nagawa nang umupo na ang lalaki pero sinubukan niyang luminga linga sa paligid at naghahanap ng bakanteng upuan at muli siyang napaungol nang mabigo sa paghahanap. 

Oh please, fvck me.

"Oh yes, I will" 8) napatingin siya dito ng nakaawang ang bibig. Pahiyang pahiya ang pakiramdam niya nang marealize niyang nasabi niya talaga ang nasa isip niya.

Penny naman! Akala ko ba matalino ka? Anyare?

Sa sobrang pagkapahiya nagbawi agad siya ng tingin at di na sumagot. Maya maya ay naramdaman niyang umusod ito palapit lalo sa kanya at bumulong.

"Hi Penny" 

Diyos ko po. 

Nagtayuan ata lahat ng balahibo niya sa katawan. At parang ayaw na niyang huminga dahil ang bango bango nito.

You're in a very big trouble Pen.

Penny's ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon