Page 1

205 1 0
                                    

Hi blog, kumusta ka na? Alam ko natatake for granted kita. Nung huli kong post nangako ako na susubukan kong paglaanan ka ng oras kahit papano. Pero nabigo na naman ako. Ang hirap kasi, ang hirap maging consistent sa isang bagay kung ang dami daming bagay na kailangan kong pagtuunan rin ng pansin. Trabaho, Acads, mga kapatid ko. Alam mo naman lahat di ba? Pasensya ka na kung ngayon lang ulit ako nakadalaw sa'yo.

Pero alam mo, naisip ko na kung ano talaga ang kailangan ko. Kailangan ko ng listahan. Yung listahan talaga na sa notebook o papel dahil kahit nasa utak ko lahat ng listahan na kailangan ko sa buhay, pumapalya pa rin.

Kailangan ko magumpisa ulit. Nagka aberya na naman kasi ang laro ko, kaya kailangan irestart. Alam ko parang cheating to, na kapag may mali na irerestart, pero ganun talaga. Kailangan Day 1 ulit. Kaya ito, kailangan ko itong simulan ng tama ngayon. I need my prioroties to be sorted out dahil sa dami ng nakapatong sa balikat ko, I can't manage to have errors. Alam mo naman di ba? Alam ko naiintindihan mo. Top 5 na muna ang ipopost ko ha, pagiisipan ko pa yung iba. At saka mukang lima lang din naman ang kaya ng powers ko.

Penny's Top 5 priorities.

1. Money

2. Money

3. Acads

4. Money

5. Family

Ang daming Money noh? Sabi kasi ni Jessie J "It's not about the Money, Money, Money" ang sabi ko naman "If it's not about the Money, then what is it all about?"

"Love? Hahahaha." napapitlag si Penny sa biglang pagsulpot ni Maggie kaya bigla niyang naisara ang laptop niya.

"Wala akong pera" sinabi niya dito nang nakaismid.

Nabwisit siya lalo dahil ngayon nga lang siya nagkaron ng oras magisa may peste pang sumulpot. Palagay niya manghihingi na naman ito ng pang-load sa kanya.

"Ate bakit walang lovelife dyan sa listahan mo?" tiningnan niya ito ng masama bago sumagot.

"Makakain ba iyon? Maipapang tuition ba yon? Saka ko na lang ilalagay sa listahan ko yon kapag OO na ang sagot mo sa mga tanong ko" dumukot siya ng bente pesos at iniabot dito.

"Shoo" sabi niya bago binuksan ulit ang laptop niya.

Hah, siguro nagtataka ka kung bakit walang lovelife sa listahan ko noh?

Sa dami ng responsibilidad ko na di ko naman dapat pinoproblema, saan ko isisingit ang lovelife? At kung mahalaga ang pagmamahal, dapat hinding hindi na kami magugutom dahil punong puno ng pagmamahal si nanay sa amin. At ako ang pumupuno ng kaldero. Ang saya di ba? Okay na ako dito. Masaya na rin ako dahil may blog ako na nakakaintindi.

Hanggang dito na lang muna saka sorry na din in advance dahil isasanla ko muna itong si Toshi para may pang Tuition ako. Kating kati na ako gumraduate.

Pinatay na niya ang laptop niya at hinanda na lahat ng accessories na kasama nito. Parang kay sarap maawa sa sarili niya. Toshiba na medyo old model na nga lang ang laptop niya isasanla niya pa. Malamang din na apat na libo lang ang makukuha niya dahil sa tao niya lang isasanla. Wala naman kasing "Pawnshop" na tatanggap nito.

Nang maayos na niya lahat napaupo na lang siya at bumuntong hininga.

Lovelife? Saan ko ilulugar yon sa buhay ko?

Bumuntong hininga na naman siya. Hindi niya alam kung lungkot ba o pagod ang nararamdaman niya. Pakiramdam lang niya ang daming hangin sa katawan niya. Parang malungkot siya na di naman niya alam kung bakit. Hindi naman siya pagod dahil ang dami niyang pahinga.

Pagod siguro siya pero hindi sa dami ng gawain. Pagod na siya sa sitwasyon. Bente anyos pa lang siya pero pang trenta na ang mga responsibilidad niya. She should be living her life and enjoying it. Dapat nagaaral lang siya at hindi nagtatrabaho. Pero dahil nga sa sitwasyong hindi naman niya pinili, kailangan niyang gawin pareho.

Sa set up na kinalalagyan niya ngayon at sa takbo ng dating scene sa panahon ngayon, saan niya ilulugar ang isang taong dadagdag sa responsibilidad niya at magdadagdag demands sa kanya?

Ang relasyon ngayon parang lokohan lang e, naisip niya na sayang oras lang, sayang effort at panahon at hindi niya kayang magsayang ng kahit ano sa tatlong iyon.

Hindi siya Bitter. Hindi rin siya man hater. Sadyang tinatamad lang pumasok sa isang "Relationshit". Sa katunayan nagkaron na siya ng boyfriend dati. Akala niya perfect. Pakiramdam niya perfect. Pero yun nga, perfect din ang akala ng ex niya kaya nung nagkaroon ng problema, nanguna ito sa listahan ng mga nangiwan sa kanya.

Pagkatapos naman non nakilala niya ang taong tumulong sa kanya, dumamay sa kanya. At kaya pala ganun dahil bakla ang hudas. Akala niya pa "wow ang sensitive niya! Wow and perfect niya. Wow hindi siya jerk gaya ni number one". Kilig na kilig pa siya dahil seloso ito sa mga kaibigan niyang lalaki. Yun pala, bet na bet nito ang friends niya kaya nagseselos.

At dahil doon. Narealize niya na tatlong klase lang ang lalaki; Jerk, Gay at Perfect na hindi niya alam kung nageexist pa.

That's it, screw lovelife. I'm better off alone. Sabi niya sa sarili niya.

Penny's ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon