Page 11

147 0 0
                                    

Hindi maiwasang kabahan ni Penny sa pagdating ng Friday. Hindi niya alam bakit simpleng thought lang na kasama si Ian parang nagrarambulan na ang internal organs niya at para siyang nasusuka. In english, Nausea. haha. Alam niyo yung ganung feeling? Yung parang busog ka tapos parang tumitibok ang lalamunan? Ganun ang pakiramdam niya.

Maagang natapos ang 4-7 na lab class niya kaya iidlip na lang muna siya saglit sa apartment bago siya pumasok sa cafe mamaya.

Pagdating niya sa apartment nagulat siya sa naabutang 'uncomfortable situation'. Hehe. Yung situation kasi ay masa sofa si Fred, and boyfriend ni Jasmin, at nakaupo ang huli dito. ::)

Nagtuloy tuloy na lang siya sa loob at nilagpasan ang mga itong parang walang nakita.

"Uh, Hi..punta na ako sa kwarto guys." sabi na lang niya bago makapasok sa kwarto.

Hindi naman na bago sa kanya ang ganung tagpo, yung medyo uncomfortable situation nga. Ang bago sa kanya palagi ay ang boyfriend ni Jasmin. Haha. Hindi naman sa wala siyang concern dito kaya di niya pinigilan, alam naman kasi niyang alam na ni Jasmin kung hanggang saan lang ang limitasyon nito. Saka wala siya sa lugar para pigilan ito sa gusto.

Buti pa siya, puro kiss lang tapos may limit! e ikaw? 

ughhh. Can you just stop bringing it up? di ko na din naman mababawi yun. 

Nakikipagdebate na naman siya sa logical side ng isip niya. Hay. Hindi na din niya naituloy ang planong pagtulog dahil nabother na siya sa nakita. Pero mas nakakabother ang katotohanang nabother siya! -___- dati naman hindi.

Naalala mo kasi ang halik ni Ian.

UGH. PLEASE STOP! 

Inis na pumikit na lang siya at pilit pinakalma ang sarili. Yung parang ginagawa ni hulk na self meditation ba yun? lol. Palilipasin muna niya kahit mga 30 minutes para safe nang lumabas.

After 30 minutes lumabas na siya at dumerecho sa banyo. Maliligo na lang muna siya para pwedeng straight to bed na siya mamaya pagkagaling sa trabaho. Paglabas niya ng banyo biglang sumulpot naman si Jasmin sa kitchen area.

"So what's up?" tanong nito habang nakapangalumbaba sa kitchen counter. 

"Same old. hehe. Teka pwede magbihis muna?" paiwas niyang sagot.

Medyo kailangan niyang umiwas sa mga tanong nito dahil baka ma hot seat na naman siya. Hindi rin siya pwedeng magtagal na sa presence nito dahil sa di niya malamang dahilan, ang lakas ng kutob nito -_____- kumbaga mahirap pagsinungalingan. 

Tapos na siyang magbihis tapos nakapagayos na rin siya ng gamit pero di siya mapakali; lalabas na ba siya o hintayin na lang niyang mag 7:30 para aalis na siya?

Pero naisip niya rin na baka lalong maweirduhan si Jasmin kung isang oras siyang nagbihis. lol. Kaya napagpasyahan niyang lumabas na lang at magreview kuno. 

Paglabas niya derederecho siyang sumalampak sa sofa. Si Jasmin naman hindi nagsasalita pero ramdam niyang pinagmamasdan siya nito.

She sighed "Go on..spill it Jas." sabi niya dito pagkalipas ng ilang minuto. Mas nakakatense kasi ang silence!

"Soooo..what's up?" 

"E ano ba gusto mo malaman? And hindi ka man lang magsosorry about kanina?"

"What's to be sorry for?" nagtataka itong tumingin sa kanya. Parang ang hilarious ng nasabi niya "Teka, na bother ka dun?" 

Nang di siya sumagot kinapa pa nito ang leeg niya.

"Wala ka namang lagnat. Halaaa. teka baka nasa loob ang lagnat mo[/color]." tinabig niya ang kamay nito mula sa leeg niya.

"I'm perfectly fine." sabi niya.

"HAHAHAHAHAHAHA." nakakalokang tawa nito "Te! That's what someone who's not completely fine would say!"

Okay! Give it up Penny. Asa ka pang maiisahan mo ang bruhildang yan.

"Okay okay. Stop it." napabuga muna siya ng hangin bago nagsalita ulit "I'm just..frustrated." matagal bago ito nakasagot at tumitig muna siya.. para bang hindi kapani paniwala ang sinabi niya.

"You? :o Frustrated? Si Penny na pasan ang mundo pero kahit kelan di nafrustrate ay nafufrustrate ngayon? Waaaa. Are youuu...frustrated...uhm how do I put it? oh hell...as in sexually? hahahahaha." 

Si Jasmin? :o Blabbering? whutttt's happening with the universe?

Tinampal niya ang bibig nito "Bakit naman pumasok sa kukote mo yan? Hindi na ba ako pwedeng ma frustrate? tao din naman ako te!"

"E kasi naman napapansin kong lagalag ka mula nung magstart ang klase. Ano bang nangyayare? May bumabagabag pa sayo?" hindi niya alam pano sasagot kaya natahimik muna siya saglit.

Should I say it?

E bakit ba ayaw mong sabihin?

Kasiiiiii eee.

Si Jasmin yan! of all people sa kanya mo lang pwedeng masabi.

Oh hell. Okay!

"Pilitin mo pa ko."

"HAHAHAHAHAHAHA. Spill it out Pen...please? pretty prettyyyyy pleaaaase?"

"Joke lang. sasabihin ko na. Haha." 

Ito ang gusto niya kay Jasmin e. Mahirap maging awkward saka palagay ang loob niya dito. May mga tao kasing instant click kayo agad, kahit wala kayong masyadong common grounds.

"You know, the guy in the car incident right?" tumango ito. "...he's here :-/" napatingin siya dito nang di agad ito nagreact. At lalo siyang nagulat nang mejo seryoso ang response nito.

"Then?"

"That's it. It's what bothers me. Tapos kaklase ko pa siya, tapos ngayon groumate! And worse..He's nice to me and he doesn't remember!"

Naka O lang ang bibig nito at nakatulala sa kanya.

"Hey! Say something."

"Wala akong masabi...And you know? I can't really see where's the problem in that."

Turn naman niya ngayon para mapa nganga dito.

"Well..the problem is.."

Teka ano nga ba?

"See? wala naman. Gusto mo bang maalala ka niya?" Oo :-/ 

"He just wanna be friends di ba? o friendly ka naman ah?" Oo nga -_-

"Tekaaa." she gave Jas a very strange look :0

"Ang problema ata is hindi mo siya makalimutan?" tumango siya.

"OMGGGG! In love ka? Gaaa-----"NOOOO!"

Napaisip siya bigla sa sinabi ni Jas! Hindi pwede. Omg. omg omg.

Oh men! Hindi love to. Lilipas din, di ko lang siya maalala! Period.

Penny's ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon