Page 21

69 0 1
                                    

Day 3

HAHAHAHAHAHAHA. Sobrang nakakatawa ang mga nakalipas na pangyayari sa buhay ko. Sorry kung hindi na naman kita nauupdate. Naging busy ako sa pagtatangkang magdagdag ng lovelife sa buhay ko. So naupdate ko naman dito yung encounter with stranger na Ian pala ang pangalan. Ayun, akala ko may patutunguhan kami.

To cut the story short, it was fun pero lahat naman ng rides may katapusan. Ayun, nahilo ako, nagenjoy at nagsisitili pero ngayon oras na para umuwi.

Pero kung ikukumpara ko si Ian sa isang roller coaster, ang hirap. Kasi pwede mo bang mahalin ang roller coaster? Hay.

Oo nakakashock. Kahit ako hirap pa ring i-absorb ang katotohanang mahal ko siya. Pano ko nasabi? Kasi putragis di ko siya matiis di tulad ng mga ex ko. HAHAHAHAHA. Oo tatawa na lang ako kasi nakakabaliw na.

Eto ngayon. I'm back with mediocrity. I'm just exisiting again, not living.

Tatlong araw pa lang. Tatlong araw pa lang hirap na akong tiisin siya. Huhu. Kaya ko to. Kaya ko to. Uulit ulitin ko na lang ang 'Kaya ko to' hanggang kaya ko na talaga.

I'll update soon. :)

****

Napabuntong hininga si Penny pagkasara niya ng laptop. Hay, tatlong araw pa lang nahihirapan na siya. Namimiss na niya si Ian. Gusto na niya itong makita. Pero pipilitin niyang maging okay. Desisyon naman niya ito di ba? Saka alam niya sa sarili niya na tama lang ang ginawa niya. Yun ang tama kahit mahirap. Hayst. Alam naman niya na sooner or later matatapos din naman sila. Wala namang uusbungan, kaya magandang tigilan na niya ngayon.

Isa pang buntong hininga ulit. E ano bang magagawa niya kung pag buntong hininga lang ang possible at logical na magawa niya. Nakipagdebate na lang ulit siya sa isip niya. Kasi parang kahit ang isip niya tinamaan ng lintik.

Inisip niyang mahirap talaga dahil simula pa lang, three days pa lang di ba? Mahirap pa talaga. At saka naniniwala naman siyang habang tumatagal dumadali na, time heals nga e. So time she will have.

Inayos na niya ang mga gamit niya at naghandang pumasok sa susunod niyang klase. Pagdating niya sa klase..

AY LINTIK NA MAY SALTIK KAKLASE NIYA NGA PALA SI IAN DITO. ughhh.

Act cool Penny. Act cool.

Nasa pangalawang row ito nakaupo na saktong saktong makikita mo pagpasok ng klase. Umarte na lang siyang hindi ito nakita kahit na sobrang nagwawala ang pulso niya. Ughh. Sobrang sabaw niya naman para makalimutang kaklase niya nga pala ito sa isang subject kung saan nagsimula ang lahat. Haist.

Sana di na lang niya ito nakilala. Sana natapos na lang lahat sa isang gabing naging pabaya siya. Sana hanggang dun na lang para di na siya nakapaginvest ng feeling dito.

Pero hindi e, ano pa bang sense ng mga SANA niya e nandito na sila? Ang pwede na lang niyang gawin ay subukang iwasan at kalimutan ito.

Pero parang nanandya din ata ito na asarin siya o ewan. Hindi niya maintindihan ang ikinikilos nito. Pano ba naman kinakausap siya kahit di na nga siya responsive.

Tulad na lang ngayon, ito na naman -_____-

Lumabas ang prof nila at nagiwan lang ng activity pagkatapos sabi nito pwede na silang umalis after. Hays, e syempre kagrupo niya nga si Ian di ba?

"Hi Pen." sabi nito pero di siya sumagot, ngumiti na lang.

"How are you?" tanong nito.

"Okay naman." sumagot na siya dahil ang rude naman kung hindi. Hindi na lang siya nagtanong pabalik dito.

"Cool. In case you're wondering, I'm fine too." sarcastic na sabi nito. Bakit parang nainis ito? Ano bang gusto nitong mangyari? Aba hindi naman sila bestfriends at hindi siya expert sa plastikan.

"Good." nginitian niya ito. Hindi na rin ito nagtanong pa dahil mukang nainis na ng tuluyan.

Pero wait... hindi kaya naiinis lang ito na hindi niya ito pinagtutuunan ng pansin. May nabuhay na pagasa sa kanya na baka in some strange reason ay may nararamdaman din itong substantial sa kanya. Na baka may gusto itong patunguhan sila at namimiss rin siya nito.

Napangiti siya sa kaisipang yun. Baka nga naman. Possible naman e. Pero kung sakali gusto naman niyang maligawan, gusto naman niyang mageffort ito na magbati na sila. Haha.

****

Naiinis si Ian. Alam niyang hindi basta basta ang meron sila ni Penny at hindi man niya mapangalanan kung anong meron sila, importante ito para sa kanya. Pero para dito hindi ata dahil kay dali nitong nagpasya. Dahil lang di na ito nageenjoy goodbye na? Ang hirap tanggapin.

Hindi niya tinanggap. Inisip niya na baka kailangan lang nito ng space o time out dahil nabuburn out na ito sa nangyayari sa kanilang dalawa. Akala niya ipakita niya lang dito na okay pa rin sila ay magiging okay na.

Pero kanina nung nakita niya kung pano siya hindi nakita nito... parang sampal sa kanya. Baka nga tapos na talaga para dito.

Aminado naman siya na nung una gusto niya lang isatisfy ang curiousity niya dito. Na-challenge kasi siya at nakikita niya nga rito ang babaeng nakasalo niya sa isang gabing hindi niya makalimutan. Wala sa plano na maging ganito ka confusing ang nararamdaman niya.

What the heck! I just need a diversion. I need an option.

Sampal sa ego niya na ayaw na talaga nito. Pero nung sinubukan niyang makipagusap dito pero mukang wala itong gana, napikon siya. Akala ba niya friends? Di ba ito ang nagsabing just friends na lang? Pero bakit umaakto itong ganun.

Inis tuloy siyang umalis ng klase at saktong nakita niya sa labas si Jenny. Nginitian niya ito at hinalikan sa cheeks.

"Hi Jen."

Mukang nabigla ito sa ginawa niya pero nagblush naman at hindi umangal. Hahaha. I knew it. Inakbayan niya ito at lumakad na sila papunta sa sunod na klase.

Maybe it's really done. Well, I suppose I could resort to some distractions.

****

Nabawasan na ang pagka depressed niya kaya nakangiti siyang lumabas sa cubicle ng prof niya pagkatapos niyang maipasa ang output nila.

At paglabas na paglabas niya masamang tagpo agad ang nakita niya. Ayun si Ian, nag kiss sa cheeks ng babaeng hindi niya kilala, umakbay dito at umalis nang sabay.

Nice one Penny. Masyadong ilusyunada.

Disappointment with capital D. O anong napala niya ngayon? Another disappointment. Another false hope. Yung disappointment sanay na siya e, pero yung bigat ng kaloobang nararamdaman niya ngayon ay bago sa kanya. Yung feeling na parang may kaagaw ka sa oxygen at parang may maliliit na karayom sa likod ng mata mo. Ang saklap.

Muka tuloy siyang tangang nakatayo lang dun at nakatingin pa rin sa pwestong inalisan ng dalawa. At kasabay ng pagtindi ng sakit na nararamdaman niya ay ang bugso ng realization. Oo walang katapusang realization na ata ang dadagsa sa kanya pagdating sa paksang IAN -__-

Ito na. Dumating na ang snooze ng alarm ko. Kung yung wake up call na nauna pinili kong matulog pa ulit at magrequest ng five minutes, tapos na ngayon ang five minutes. Kailangan ko ng bumangon bago pa ako mahuli.

Naisip niyang yun na talaga yun. Kailangan na niyang tanggapin na siya at si Ian ay isang episode lang, hindi ang buong palabas. Hindi ito main character sa kwento niya dahil ayaw na nitong umabot pa sa susunod na chapter. Sayang, ang ganda pa man din ng nabuo niyang kwento para sa kanilang dalawa.

Penny's ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon