Calling: Unknown Number
+630915----
Sino kaya tong tumatawag?
Binaba muna ni Penny ang hawak niyang libro para sagutin ang tawag. Baka kasi kagrupo niya ito sa isang subject.
"Hello?" medyo matagal bago nakasagot yung nasa kabilang linya.
"Hi Pen. Kumusta? Busy ka ba? Asan ka?"
Parang gusto niyang matawa dahit parang ang weird ng caller niya. Ang dami agad tanong. Haha, naisip niya tuloy na baka isa sa mga brod niya to at nantitrip lang.
"Hi din, pwede bang malaman ko muna kung sino ka bago ko sagutin ang mga tanong mo?"
"Oh, right. Sorry. This is Ian"
Oh.
Matagal din bago siya nakapagsalita dahil nahirapan siya magisip ng sasabihin at nagdalawang isip rin kung sasagutin ba niya ang tanong nito. Pero naisipan niya ring sagutin dahil wala namang masama di ba?
"Ikaw pala Ian. Okay naman ako mejo busy lang kaya nandito ako sa library, bakit ka nga pala napatawag?"
"Ahh. Wala naman, ang haba pa kasi ng vacant ko kaya naghahanap ako ng mapupuntahan or magagawa. May kasama ka ba?"
"Oo e, marami kami kasi gumagawa kami ng groupwork"
Nagsinungaling siya dahil baka maisipan nitong pumunta sa Library at siya ang samahan at ayaw niyang mangyari yun.
"Cool. Can I join you? Maybe I can help saka para magkaron na rin ako ng mga bagong kakilala"
"Ah, eh--kasi bakaa---"
*Call ended*
Halaaaaaaaaa~
Kinakabahan si Penny. Pano kung bigla ngang pumunta si Ian don? Nagmadali siyang ayusin ang mga gamit niya tapos binalik niya yung libro sa shelf at lumabas na.
Boogsh!
"Ouch!"
"Sorry, here let me help you. Sorry tala---Penn?" napatngin siya nagsalita at lalong nagpanic ng makitang si Ian ang nakabangga sa kanya!
"Ian?!!! Ah.. I mean, Hi Ian. Hehe. Okay lang. Akin na. Salamat" Dere derecho niyang sabi na ikina kunot noo ni Ian.
"Paalis ka na?"
Shet anong sasabihin ko? bilisan mo brain!
"Ah hindi. Bababa lang ako sa basement, mas malamig kasi dun saka tapos na rin naman yung ginagawa namin."
Sinubukan niyang abutin yung mga handouts na hawak nito pero hindi binigay.
"Ako na, samahan na kita sa baba."
Tumango na lang siya at naglakad na sila pababa.
Uh..uh. Uhhhhwkwaaard.
Bakit ba natetense siya kapag nasa malapit ito? Ano kayang pabango nito? Bakit ganun ang epekto sa kanya?
Pagdating sa basement kung nasaan ang mga computers, naghanap siya ng bakanteng pwesto kaya lang wala. She sighed.Pag minamalas ka nga naman. Kaya dun na lang siya pumwesto sa bakanteng lamesa.
Nang makaupo na siya umupo rin si Ian sa tapat niya.
"Do you mind?" tanong pa nito.
"Nope. Nakaupo ka na e." she said trying not to sound sarcastic.
Hindi na niya ito pinansin. Kinuha na lang niya yung handouts mula rito at nagsimula ng magreview.
Ugh.
Napaungol siya pailalim at pumikit dahil nagsisimula na siyang mainis sa sarili niya. Hindi siya makapagconcentrate!
"Don't you know, It's rude to stare at people" sabi niya dito ng hindi tumitingin.
Kaya kasi siya nadidistract at di makapagreview dahil nakikita niya sa peripheral view niya na nakatitig ito. Tapos kapag mapapatingin siya nagiiwas ito ng tingin. Hay
"Uhm, Sorry."
Hindi na siya sumagot at nagreview na lang ulit. Pero nang hindi pa rin ito tumigil sa pagtitig binaba na niya ang marker at handout at tiningnan ito.
"Wala ka bang gagawin?"
"Sorry" ngumiti ito ng pangiwi "Maybe I should seat next to you so I won't be able to stare"
"No! Uhm, diyan ka na lang"
Kinuha na ulit niya ang handout. Hindi na lang niya ito papansinin kahit ayaw tumigil sa pagsulyap, mas okay na magkatapat lang sila at hindi magkatabi dahil baka lalong walang pumasok sa kukote niya sa bango nito.
"Have you ever dreamt something that seems so real you doubt it really happened? " napaangat siya ng tingin dahil sa tanong nito at napansin niyang titig na titig na naman ito sa kanya.
tugtug. tugtug
Kinakabahan siya. Nakakaalala ba ito?
"Wala pa naman ata" sabi na lang niya.
"You may think I'm so weird because I keep on staring at you"
Hindi na siya sumagot at tumahimik na ito, tapos maya maya nagsalita na naman.
"Do you remember the night I asked you if we have already met?"
"Yes." sa handout pa rin siya nakatingin.
"You said no."
"And I just realized now that maybe you haven't met me but I have met you... "
Napatingin siya dito.
"In my dreams."
Pinigilan niyang malaglag ang panga niya. Natumba na siguro siya kung di siya nakaupo sa lapot ng titig nito.
BINABASA MO ANG
Penny's List
RomantizmWala sa priorities ni Penny ang lovelife. Pero pano kung alukin siya ng "Perfect Deal" ng estrangherong naka hot stuff niya? Oh my. Paano na ang listahan niya?