I'm through with love
I'll never fall again
Said adieu to love
Don't ever call again
For I must have you or no one
That's why I'm through with love
Sobrang ironic ni Mary Jane Watson. Kakanta ng I'm through with love tapos lumabas lang si Peter Parker in love na ulit. Hay. Gustong matawa ni Penny sa pinapanuod niya pero wala napabuntong hininga na lang siya.
Sobrang ironic din na sakto ang eksena sa Spiderman 3 sa sitwasyon niya. Naisip niyang para pala siyang si MJ, sabi sabing ayaw na magmahal pero nahulog pa rin naman.
Arouch. Ang pait pala ng katotohanan. Parang siya nga, ayaw na magmahal pero nahulog na :-/
Oh well. Ano kayang susunod niyang papanuorin? Sabado kasi ngayon pero nasa apartment lang siya. Bakit? E kasi ayaw niyang umuwi sayang sa pamasahe wala naman siyang matatapos sa bahay. Tapos si Ian isang linggo nang may topak at ayaw naman niyang mangulit -______-
Scroll
Scroll
Scroll
Hanap...hanap...hanap.
Lechugas wala naman siyang mapiling maayos na mapapanuod. Ugh. Siguro tama na yung one week na hinayaan niyang topakin lang si Ian. Magandang makapagusap din sila para ...uhm...para..
hayay hindi niya rin alam kung para saan ba talaga.
Wohoooo miss mo lang siya e.
Ughhhh. Shut up! ano ngayon kung namimiss ko siya e isang linggo din yun!
Nagtext siya kay Ian kung pwede siyang pumunta sa apartment nito, pero 30 minutes after wala pa ring reply kaya tinry niyang tawagan pero ring lang ng ring. Napagdesisyunan na lang tuloy niya na pumunta na.
Pagtapat niya sa mismong pinto nito nagalangan siya kung kakatok o uuwi na lang. Di niya naman kasi alam kung anong sasabihin niya dito. Pero in the end nanalo pa rin ang pagkamiss niya dito at kumatok.
*Knock. Knock*
Naghintay siya na bumukas ang pinto pero after 5 minutes wala pa din. Ay nako! Saka lang niya naisip na baka wala ito sa apartment dahil baka umuwi ito ng QC. Bumuntong hininga na lang siya at nagdecide na umalis na.
Sakto namang pagkatalikod niya bumukas ang pinto at lumitaw ang bagong gising at topless na si Ian. Paglingon niya dito nagmadali siyang itulak ito papasok ng apartment at sinara agad ang pinto.
"Ano ka ba! Wag kang lalabas ng walang damit!" sabi niya agad dito ng pabiro.
BINABASA MO ANG
Penny's List
RomanceWala sa priorities ni Penny ang lovelife. Pero pano kung alukin siya ng "Perfect Deal" ng estrangherong naka hot stuff niya? Oh my. Paano na ang listahan niya?