Page 9

157 1 0
                                    

"Then you must be really crazy. Haha" Yan lang ang nasabi niya. Sinamahan pa niya ng pekeng tawa para medyo mabawasan ang tension na bumalot sa kanya. Tapos ito naman ngumiti lang sa kanya.

"Well.. " nagkibit pa ito ng balikat.

"Anong oras next class mo?" tanong na lang niya dito.

"Mamaya pa after 2 hours. Recit class ng SOSC 3." 

Sht. Magka section pa kami! Grrrrr.

Ang mga subjects kasi sa UP Los Baños, magkaiba ang lecture at recitation class. Large class ang lec at small class ang recit. Tapos magkaklase pa sila ngayon sa recit? Ugh

"Ah ganun ba, paano mauuna na ako ha. May klase na kasi ako." 

"Tara, ihahatid na kita. " tatayo na sana ito ng pigilan niya.

"Naku wag na. May dadaanan pa kasi akong friend." Ang totoo wala pa siyang klase, wala rin siyang dadaanang friend. Gusto niya lang makahinga at lumayo dito!

"Ganun ba? Sige... Ingat ha." Sabi nito at ngumiti sa kanya, pinilit na lang niyang mag smile back. 

* * * *

When he smiles, I lose my mind.

The way he looks at, melts my insides.

How could I forget the way his lips feel?

How could I ignore something this real?

Grabe! Dahil sa kanya napapatula ako. Hindi normal to. Ano bang gagawin ko? Kaklase ko pa pala siya sa recit class.

Kung iiwasan ko siya mapapagod at malamang mabibigo lang ako. Kaya naisip ko, yung amount ng energy na uubusin ko sa kakaiwas sayang lang. So should I just go with the flow? 

Penny sighed. Napaisip siya, Why is she in constant battle with her mind? Lagi na lang siyang ganun. Hindi magawa ang gusto niya dahil parang hindi tama. Tss.

Pinatay na niya ang computer ni Jasmin at lumabas na ng apartment. Makikita na naman niya si Ian. Paano ba naman niya makakalimutan to kung limang buwan niya pa itong makakasama? Hay. Tulala at lutang tuloy siya habang naglalakad papunta sa klase kung saan niya kaklase ito. Ohmy, momay -_-

"Hi Penny, san klase mo?" napapitlag siya. Bakit sulpot ng sulpot to? Lagi siyang na ca-caught off guard e!

"Ui, ikaw pala. Sa CAS 101." naglakad na ulit siya, napatigil kasi siya sa biglang pagsulpot nito. 

"Talaga? " parang batang excited na nagliwanag ang muka nito, napaiwas tuloy siya ng tingin 

"Magkaklase pala tayo. Akalain mo yun? Haha. Tara."

Hindi na siya sumagot at sumama na lang dito.

Pagdating sa classroom konti pa lang ang tao kaya kahit saan siya umupo matatabihan siya dito. She just groaned inside because she's left with no choice. 

At tama nga siya, tumabi ito sa kanya nang umupo siya sa bandang likod ng room. 

"Ano kayang gagawin ngayon?" tanong nito

"Ewan, malamang mag paintroduce lang." 

Nilabas niya ang earphones niya at nagsound trip na lang dahil baka kausapin siya nito. Buti naman at nakaramdam ito dahil nanahimik na lang. 

Unti unti na ring nagdatingan ang mga kaklase nila at mga 5 minutes after the time dumating na ang prof.

"Good afternoon X-3R. I am Mrs. Amelia Ferrer and I will be your recit prof for this sem. So ngayon dahil first day pa lang naman. Magpapakilala tayo sa isa't isa."

Ugh. I hate this part.

"Tell us your name, age, course and the first word that comes into your mind when you hear the word the person before you will give."

Hala, ano daw? 

Napatingin siya kay Ian para tingnan kung kinakabahan din ito pero nakangisi lang si koya! Mukang natutuwa pa ito sa gimmick ng prof nila. Nanalangin na lang siyang sana sa unahan mag start.

"Okay let's start at the back."

ANAK NG TINAPAAAA! hindi pa nga siya nakaka AMEN!

Napatingin siya sa gilid nita, tatlong tao lang at siya na. Tapos mauuna pa si Ian sa kanya ibig sabihin ito ang magbibigay ng word. huhu.

"The first word is Gender." sabi ng prof tapos pinatayo na yung nasa dulo.

Lalaki yung unang nagsalita, Romeo daw ang pangalan EE ata ang course niya tapos yung word niya 'Female'.

Yung sumunod sa kanya Lalaki din.

"Hi classmates, I'm Joseph Andrew Cruz asdffhhjjgkhldfs."

Hindi na niya narinig yung iba pang sinabi nung Joseph dahil heartbeat na niya ang naririnig niya at pinagpapawisan na siya ng malamig. May phobia siya sa public speaaaking. Waaaa.

"----Girlfriend."

Yun na ang narinig niya, yung word na sinabi nung Joseph.

Halaaaa, ako na next! sana po madali lang ang word ni Ian.

"Ian Emmanuel Santiago is the name. 24 years young and I'm taking up Masters in Business Ad at UPD."

Napansin niyang parang kinikilig kilig pa ang ibang kaklase niyang babae.

"Hi Iaaan!" sabi pa nung bakla nilang kaklase. Grabe talaga.

"Omg, siya ba yung Ian ng Santiago Industries? omg omg. 

"Ang swerte natin nasa elbi siya!"

Dinig niyang usapan nung dalawang babae sa unahan niya.

"Now that you know my name, the is sex" 8D Tumingin pa ito sa kanya at ngumisi.

Napasinghap din tulad niya ang ibang classmate niya pero si Mam poker face lang. 

whaaaa. HUWAAAAT? 

Muntik na ata siyang mapanganga nang tapikin nito ang balikat niya bago umupo.

"Good luck Penny!"

I hate that smug on his face! Ughhhh.

Pano yan? Siya ang unang pumasok sa isip ko? SHET! Anong sasabihin ko?

Kinakabahang pumunta na si Penny sa unahan.

"Uh..H-Hi everyone. I'm Penelope Von Shwitz, taking up Computer Sciene."

Kroo Kroo. 

Nakailang lunok na siya at kurot sa daliri niya pero wala pa rin siyang masabi.

"Awesome."

WHAT? DID I JUST SAY AWESOME?

Tumino lang ata ang isip niya nang magtawanan ang mga kaklase niya, napangiti naman yung Prof. Ramdam na ramdam niya ang pagkapahiya at pangangamatis ng muka niya!

"You heard the word guys, you may take you seat Penelope."

"Awesome huh?" nakangisi na namang sabi ni Ian sa kanya! 

Naiinis na siya! Ang gwapo nito lalo kapag nakangiti!

Penny's ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon