Isang oras nang nakatitig si Penny sa isang blankong word document. Kailangan niyang magsulat ng reaction paper tungkol sa play na "Kayo at Ako". Tungkol sa isang lalaking nagmamahal pero hindi minamahal ang kwento at masaklap dahil wala siyang masimulan kasi nadidistract siya. Hindi niya alam pano magrereact dahil parang nakakarelate siya. At syempre kapag ni-relate niya ang reaction niya sa talagang reaction niya, natatakot siyang maalala niya si....OH DO NOT GO THERE.
Pero ayun na nga. Natatakot pa lang siyang maalala ito pero naalala na nga niya, in fact kaya nga wala siyang masimulan dahil ito na lang ang naiisip niya.
Penny, NO. Please, NO.
Nakikiusap na siya sa sarili niya dahil ayaw niyang masayang ang 23 days na natiis niya ito. 23 days! 23! pero feeling niya 23 years na yun. Hay. Proud siya sa sarili niya na umabot siya ng 23rd day. At kahit na di siya naging successful na wag talagang maisip ito, at least nakakaya niyang matiis ito. Hindi kaya biro yung tatlong linggong nakikita niya ito tuwing recit class, nakakasama gumawa ng groupwork at seatmate sa lecture class!
Grabeng kalbaryo talaga. Parang wala na nga siyang maisasagot sa exam dahil wala na siyang naintdihan sa lesson, nakatuon na kasi halos lahat ng energy niya sa pag coconcentrate na wag maapektuhan ng presence nito. Hay.
"Huy wala ka na bang klase?" sabi ni Jasmin na biglang sumulpot. "Kanina ka pa nakatulala jan ah."
"Meron pero mamaya pa." monotomous na sabi niya at nakatitig pa rin sa monitor.
Napansin niyang humila ito ng upuan, itinabi sa kanya tapos umupo. Uh ohhh.
"Ano bang problema?" seryosong tanong nito.
"Huh? Anong problema? Sinong may problema?" sabi niya paglingon dito.
"Cut the bullshit Pen, alam kong hindi ka marunong umarte. HAHAHAHA."
"Sino bang umaarte?" Ito ang gusto niya sa babaeng to e, always finding a way to lighten up things.
"Hay nako. Alam kong may problema, alam kong hindi ka okay, alam ko kung bakit pero gusto ko malaman paano ka hindi naging okay."
Natouch siya sa sinabi nito. Sobrang observant talaga nito, palibhasa DevCom. Haha. Pero hindi pa siya handang mag share.
"Nakakatamad magkwento e. Magiging okay rin naman ako kaya magandang wag na pagusapan."
Sabi niya na ikina buntong hininga nito.
"Okay. Ikaw bahala, pero wag mo kakalimutang may echosera kang housemate ha." napangiti na lang siya. Syempre hindi niya makakalimutan yun.
Half truth lang ang sinabi niya. Oo tinatamad siya, pero ang mas matimbang na rason kung bakit ayaw niya magkwento ay dahil hindi niya alam paano. Saka may palagay na siyang mababatukan siya ni Jasmin pag sinabi niya kung gaano kababaw ang dahilan niya.
Hinug na lang siya nito at nagpaalam na.
"Tinago ko na yung mga kutsilyo, ni-lock ko na rin yung eskaparate na may pesticide."
"HAHAHAHAHAHA. Alis na malalate ka na."
Tinype na lang niya ang pangalan niya. At least may masimulan man lang siya.
Penelope Von Shwitz
20** - 04***
Bago pa niya maisulat ang date nagvibrate ang cellphone niya na bigay pa ni Ian. ugh sht.
May text galing kay Carlo.
Hi :)
Uhm mejo weird. Hindi naman sila close nito, nagkataon lang na may number siya nito dahil kailangan nilang macontact ang isa't isa nung nag EK sila. Kasama ulit si Ian.
BINABASA MO ANG
Penny's List
RomanceWala sa priorities ni Penny ang lovelife. Pero pano kung alukin siya ng "Perfect Deal" ng estrangherong naka hot stuff niya? Oh my. Paano na ang listahan niya?