Page 10

150 1 0
                                    

Ian is confused. Why is he being too nice with Penny when she was obviously not interested in him? He groaned inwardly. Maybe he finds her interesting because she looks very much alike the girl that night.

Ah, I should just give it up. Ang dami namang ibang babae diyan.He said to himself. He's here in the rural area to relax and not to think too much about a girl. It's not him when he worries about a girl.

* * * *

Grabe. Ang bilis talaga ng araw, lalo na kapag may ginagawa ka :D

Magiisang buwan nang tapos sa sem na to at okay naman ako, nakakaraos.

Tapos yung distraction ko hindi na masyadong nakakadistract! Yay, almost three weeks na akong nakakahinga ng maluwag kasi nagbago ng seating arrangement sa Recit class so hindi ko siya katabi. Sa lec naman nagfofocus na lang ako sa sinasabi ng prof habang yung katabi namin ang nagpapacute sa kanya. -___-

Okay din sa trabaho, wala namang problema. Tapos si nanay hindi masyadong nagtetext, ibig sabihin walang problema. So all in all back to normal ang buhay ko. Hay. Buti na lang. Mas gusto ko yung ganito. Stable, normal, hindi masaya pero hindi rin naman malungkot :)

O sige, may klase pa ako e :D

* * * *

"Hi Penny!"

"Ui Ian, hello!" ngumiti siya dito, medyo nasasanay na siya sa simpleng batian dahil di naman tumatagal.

Nagkasabay sila sa pagpasok ng pinto pero pagkatapos nun okay na, magkalayo naman na sila ng upuan.

Napatingin siya dito pagkaupo niya, mukang hindi na siya nito napapansin dahil ang dami na nitong friends. Tss. Bakit kasi nagsuplada pa siya dito nang nakikipagkaibigan ito?

Mula nang makita niya ito isang beses na nakaakbay sa isang babae, nasabi na niya sa sarili niyang mabuti nga talagang friends na lang sila. Masyado itong gwapo para sa kanya at parang too good to be true. Pero kung bakit niya naiisip na may chance na mapansin siya nito, hindi niya din alam. Sinuway niya na lang ang sarili niya. 

Bakit ako mabobother kung may jowa siya? 

Naisip niyang mabuti na lang din at hindi siya nagpadala sa mga pasimple nitong pagpapacute sa kanya dati, short-term lang din naman pala iyon. Agad itong nakahanap ng ibang papansinin. 

Boys are boys. Naisip niya. Saka ineexpect na rin naman niya iyon, halata sa tabas ng muka ni Ian na hindi ito for keeps o for anything serious. Alam na alam na niya ang ganung lalaki. 

Pero bakit parang ang bigat sa pakiramdam niya? Bakit parang ang hirap isiping gag0 ito? Hay.

Dumating na ang prof at nagdiscuss pero siya lumilipad pa rin ang isip. Di niya alam kung dahil sa antok, pagod o ano. Haha. Ang labo niya.

"Ui Penny!" pabulong na sigaw sa kanya ni Gillian, ang katabi niya?

"Huh?----Ay 2!" nagka-count off na pala para sa groupings. May groupwork na ipinapagawa sa kanila ang prof nila.

Pagkatapos ng count off diniscuss na ng prof ang gagawin nila.

"I grouped you by 4. Ang gagawin niyo is magisip ng topic related to SOSC 3. Magpapasa kayo sa'kin ngayon ng 1/4 sheet of yellow paper na may at least 3 topics. Mag aapprove ako ng isa so you can start gathering information about your topic. This activity aims to gather your opinion about that topic, so mag gu-group discussion kayo at ipapasa niyo sa'kin ang video. Along with that is your individual output na reflection paper and the data. Okay? Any question guys?"

Penny's ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon