Page 17

103 0 0
                                    

Page 17

Pagdating ni Penny sa apartment nila ni Jas nakaligo na ito at may kausap sa cellphone. Sinenyasan niya ito na dederecho na muna siya sa kwarto pero sumenyas ito ng stop kaya hinintay na lang niya ang sasabihin nito.

"Sama ko si Fred ha?" tanong nito pagkatapos.

"Sure."

"Saka si Carlo na friend niya."

"Okay." sabi niya at nginitian ito bago dumerecho sa kwarto.

"ANG POGI NUN!" natawa na lang siya sa pahabol na sigaw pa nito.

Pagkatapos mag ayos ni Penny ng gamit lumabas na siya ng kwarto para maligo sana, pero nagulat pa siya dahil nandun na si Fred at si 'Carlo', at sobrang nakakatawa dahil si Carlo pala ang super duper crush niya last sem. Hahahaha. So pogi nga talaga.

"Wow ang bilis ah."

"Malapit lang naman apartment namin dito. Si Carlo nga pala roommate ko." sabi ni Fred sa kanya. Mejo friends na kasi sila sa dalas ba naman nito sa kanila.

"Carlo si Penny nga pala roommate ko." singit naman ni Jas.

Naghello na lang siya at nagsabing wait lang bago bumalik sa kwarto. Kukuha na lang siya ng damit at sa banyo magbibihis dahil mejo awkward naman ata kung lalabas pa siya ng nakatapis. he he.

Pagkabihis niya tinext na agad niya si Ian na dumating naman agad in less than 10 minutes, which was enough time para makapagpaganda pa siya ng konti. Haha.

"Hi Ian!" bati ni Jas dito nang ibaba nito ang bintana ng sasakyan, nginitian naman niya ito.

"Sa front seat ako?"

"Malamang. haha."

"Okay." sabi niya at sumakay na.

Pagkasakay ng tatlo sa backseat ng kotse pinakilala na niya ito kay Ian.

"Nga pala , si Jas na kilala mo na tapos si Fred na boyfriend ni Jas and si Carlo na roommate ni Fred. Guys si Ian, ang may free tickets! yay.

Binati naman ito ni Ian at stinart na ang sasakyan. Siya naman kinabit na ang seatbelt at tumingin ng derecho sa unahan. Mejo iniiwasan niyang tingnan ito kasi bothered pa siya sa huling tagpo kanina bago sila maghiwalay.

"Pare thank you sa pagpayag na sumama kami ha." sabi ni Fred.

"Walang anuman, nakakatamad rin kasi sa apartment saka sayang din yung tickets kung hindi magagamit."

"Oo nga naman. Ano pala ang course mo?"

"Business Ad."

"Wow cool! So cross registered ka from Diliman?" biglang hirit ni Jasmin.

"Yup."

"Oh."

"Kayo anong courses niyo?"

"Ako DevCom tapos si Fred EE. Ikaw pala Carlo ano?"

"Comsci."

"OMG ka course kita?" biglang napalingon si Penny sa backseat. "Bakit hindi kita nakikita?"

"Higher batch ako e."

"Cool, so graduating ka na?"

"Hopefully." man of a few words pala ito. Sa isip isip ni Penny.

Uhm awkward silence. Napansin niya na biglang dumilim ang aura ni Ian at tumahimik..at ayun, hindi na ulit nagsalita sa buong byahe.

Ano kayang problema ng lalaking to?

hm, baka si Tricia -_-

Hindi na lang din siya nagsalita at nakatulog na lang dahil sa boredom at traffic.

****

"Wakey wakey sleepy head."

Finally EK at last. Paungol na dumilat ng mata si Penny at ang nakangiting muka ni Ian ang nabungaran niya.

"Nandito na tayo?"

"Yup." sabi nito sabay halik sa cheeks niya. Mukang good mood na.

"Wala ka ng topak? :)"

"Huh? Ako? Tinotopak?" nagmake face pa ito at nagexaggerated heart attack. tss

"Naku whatever! Tara na nga." bubuksan na sana niya ang pinto pero nakalock. Tiningnan niya ito ng masama pero nginisihan lang siya.

"Kiss muna." sabi nito at nagpout. Kiniss naman niya ito na dapat smack lang pero kinabig siya nito para palalimin pa ang halik.

"Okay na?" pinipigilan niyang mapangiti sa kacornyhan nilang dalawa.

"More than okay. Tara."

Pagbaba nila sumunod na sila sa tatlo na nagclaim nung tickets nila sa may counter.

"Ang tagal niyo ah." aba nagsasalita si Carlo. haha

"Nahirapan ako humanap ng malilim na pagpaparkan e." naks galing mangatwiran ng mokong. haha. Di na niya dinagdagan or ginatungan pa yung excuse dahil baka hindi na kapani paniwala.

Sobrang inaatake na naman siya ng pagkaexcite dahil yaaay, sino bang hindi matutuwa sa isang amusement park? Haha. syempre nagpicture picture na sila ni Jasmin at konting selfies. Tapos off to the rides! buti na lang wala pang masyadong tao dahil 11 pa lang.

Si Ian naman mejo iniiwasan niya dahil attemp ng attemp umakbay sa kanya at hawakan ang kamay niya, e diba nga hindi naman sila saka may ibang taong kasama so dapat friends lang. haha

"Daliii~ anong uunahin natin?" parang batang sabi niya sa mga ito.

Actually 3rd time na niyang makapunta ng EK. Nung una bata pa siya at masaya pa ang pamilya nila at nung pangalawa HS fieldtrip pero di pa rin mabawas bawasan ang excitement niya. Saka may mga bagong rides ata ngayon.

"Alam ko na! dapat yung pinakamalala para malakas agad loob natin. Haha. Taraaaa Space Shuttle!"

"Hahahahahahaha. Para kang bata Penny. Kawaiiii!" biglang sabi ni Carlo na mejo kinailang niya.

Habang naiilang naman si Penny, nagsisimula ng mabadtrip si Ian sa tinatakbo ng araw. Dapat mag enjoy SILA ni Penny e, hindi si Penny lang or siya lang dapat magenjoy sila magkasama. Ughh.

"Hahahaha. Ano tara na?"

Pagdating nila sa pila mejo maikli palang kaya patakbong pumasok na agad si Penny. Nandun na siya sa pila ng mapansing si Carlo lang ang nakasunod sa kanya, nagtaka tuloy siya at bumalik sa labas.

"Hindi kayo sasakay?" tanong niya sa mga ito.

"You know me Pen di ko kaya yan. Hahahaha." sabi ni Jasmin.

"Sasamahan ko na lang siya. Hehe." sabi naman ni Fred so si Ian naman ang tiningnan niya at nakita niyang mejo namumutla.

Natatawa na siya pero pinipigilan niya kasi baka maasar ito. hahahaha.

"U-uh I c-can't Pen. K-kayo na l-ang."

OMG TAKOT ITO? OMGGGGGG! Bakit sobrang cuuuuuuuuuute? Ngumiti na lang siya dito dahil mahirap na talagang magpigil ng tawa kaya ngiti na lang.

Lumapit siya dito dahil sa sobrang cute nito parang ang sarap halikan. Haha. Pero natigil siya nang makalapit na siya ng tuluyan. Nasa public place nga pala sila :/ hinawakan at pinisil na lang tuloy niya ang kamay nito.

Kamay lang =____=

"Sure ka?" matamlay na tanong niya dito.

"Oo. A-acrophobic ako e, takot ako sa heights. "

E bakit ka nagyayang mag EK? :-[ Gusto sana niyang itanong pero wag na lang. Siguro mamaya na lang pag silang dalawa lang.

"O-oh." Gusto mo bang wag na lang din akong sumakay? "Ok."

Bumalik na ulit siya sa pila kahit mejo nagaalangan siya. Ang hirap pala na maging masaya tapos hindi mo pwedeng ipakita sa ibang tao na masaya ka kasi baka maging dahilan pa yun para matapos ang kaligayahan mo. Oh well :-/

Penny's ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon