Page 7

170 2 0
                                    

Busy sa pagtatake down ng notes si Penny nang kalabitin siya ng katabi niya at may inabot. 

Seat Plan? uh oh.

"Seat plan kaagad? hindi na ba aayusin per section?" tanong ni Penny sa SA nang mapadaan ito malapit sa upuan niya. 

"Hindi na siguro. Wala naman pakealam si Ma'am, kailangan ko lang yan para sa attendance." 

Frustrated na napaungol si Penny. Kanina pa siya sobrang nag coconcentrate sa pag iignore kay Mr. Stranger sa tabi niya at sinabi na lang niya sa sariling magtiis dahil temporary lang naman ito. Tapos ngayon may seat plan na? Ughhhh.

Lumingon ulit siya sa paligid para maghanap ng pwedeng lipatan pero wala talaga.

"Hey, what's wrong? Hindi ka pa tapos pumirma?" sabi nito sa kanya. Kanina pa ito nagaattemp makipagusap pero hindi niya pinapansin at umaaktong focused na focused na lang sa discussion.

"ito na, wait lang." sabi niya dito nang di tumitingin.

Bakit ba ganito ang epekto ng lalaking to sa kanya? Parang sobrang active ng senses niya kapag malapit siya dito. Oo gwapo ito, pero bakit hindi naman siya nagkakaganito sa presence ng lahat ng gwapo sa paningin niya.

Saka nangangamba pa rin siya na baka naaalala na siya nito. Pero sana hindi talaga.

Busy na ulit siya sa pag nonotes nang mapansin niyang pasimple nitong inamoy ang sarili. Pinigilan niyang mapangiti sa ginawa nito.

"Do I smell bad?" 

Hell no.

"Hey Pen, I asked if I smell bad." tumingin siya dito sa nagtatakang expression.

"Why ask me?"

"Because there's this uneasy look on your face. Tapos hindi mo pa ako pinapansin. Hindi ba talaga friendly ang mga tao dito o mabaho lang ako?" ngumiti pa ito na parang nahihiya.

Ngumiti na lang siya dito bago sumagot "Hindi ka mabaho. Pasensya na nakikinig ako e" sabi niya at nilingon dito. 

Nagtama ang mga mata nila at napansin niyang blue...o green? blue green ata ang kulay ng mga mata nito. At pakiramdam niyang nauuhaw na naman sa kagwapuhan nito. 

Oh my. 

Bakit ba nakakatuyo ng lalamunan itong tingnan? Leche. 

"Transferree ka ba? " tanong niya.

"Nope. Cross registered. Taga Diliman talaga ako. " 

"Oh." wala na siyang nasabi. Naisip niyang baka bored lang ito sa diliman at gustong itry sa Los Baños. Muka ring mayaman.

"Ako nga pala si Ian. " sabi nito at ngumiti lang siya "Muka kasing wala kang balak itanong ang pangalan ko"

"Haha. Hi Ian. Nice to meet you." inilahad niya ang kamay para makipag shake hands at tinanggap naman nito.

Bad move Pen. Kailangan may shake hands pa?

Nagsisi naman siya agad sa ginawa niya ng maramdaman niya kung gaano kafirm at kainit ang mga palad nito.

Naginit agad ang pisngi niya at binawi na ang kamay.

Bad combo = Mayaman. Gwapo. Matalino = Out of her league. 

Tiningnan niya ang orasan at nakitang 30 minutes pa bago mag time. Bakit parang ang bagal bagal ng oras sa subject na iyon? Gusto na niyang umalis at makalayo kay Mr. Stranger.

Nang sa wakas dinismiss na sila ng prof, nagmadali na siyang tumayo para lumabas.

"Penny, wait"

"Why?" sabi niya dito paglingon.

Muka itong uneasy at nagdalawang isip pa bago magsalita "uhm, can I get your number?"

"Why?" nakakunot pa ang noo niya.

Nagsisi naman siya agad nang muka itong napahiya sa tanong niya. Gusto niyang mapangiti dahil hindi bagay dito ang uneasy look. Parang ang strong kasi ng features nito para mahiya. Parang demigod. 0_0 

What are you thinking Penny?!?

Nang di ito makasagot at parang hindi alam ang sasabihin, sinulat na lang niya ang number sa likod ng notebook at pinilas.

"Here" ngumiti siya ng bahagya at lumabas na pagkaabot ng papel dito. 

Napaisip siya habang naglalakad. Bakit ang taray niya kanina? Hindi naman siya likas na mataray o suplada, friendly pa nga siya. Bakit niya tinarayan si Mr. Stanger na Ian pala ang pangalan? tss. Nakikipagkaibigan lang naman.

Imbes na bumalik sa apartment tulad ng plano at magluto ng almusal, dumerecho ng computer shop si Penny.

Nakita ko na naman siya.

Kaklase ko siya.

Seatmate ko siya!

Pwede mo bang sabihin sa'kin ano ang maaaring ibig sabihin ng lahat ng ito? 

I mean sa laki ng Pilipinas dito pa siya napadpad. Okay naman sa Diliman, bakit pumunta pa siya ng Los Baños. Hay. Bakit naman ganito? Siguro challenge to sa laro ko. Sana wag ako magka error para di ko kailanganing irestart.

Naguguluhan na naman ako. Ang gwapo at ang bango kasi niya, tapos pansin pa siya ng pansin sa'kin. Sana magsuplado na lang siya para mas madali ko siyang maiwasan. Kaya lang mukang gusto niyang makipagkaibigan e. Hay.

Pero ayoko, parang ang hirap makipagkaibigan sa naka jerjer ko na.

HAAAAAAAY. Ewan. Siguro naiinis ako kasi parang ayokong kaibigan lang.

OHEM. Hindi pwede! May listahan ako. Kailangan kong isipin ulit yung top 5. Money, Money, Acads, Money, Family. Yan lang.

Penny's ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon