Page 15

120 1 3
                                    

"I bet you're getting plenty of sex already."

Nabato tuloy ng unan ni Penny si Jasmin na biglang sumulpot sa likod niya. Nakailag naman ito sa tapon niya at tumatawang pumunta sa kusina.

"HAHAHAHAHAHAHA. Peaaace Pen!"

Napangiti na lang tuloy siya. Masyado siyang masaya para mabother pa sa sinabi nito. Haha. Actually kanina pa siya mukang tangang nananonood ng TV pero wala naman doon ang atensyon niya.

Nagalarm na maya maya ang phone niya ibig sabihin kailangan na niyang simulang gawin ang exer na due on Wednesday. Matibay siya e, gagawa ng program na malapit na ang deadline. Partida wala pa siyang internet. Mehehehe. Siya nga pala, nakuha na niya ulit si Toshi nung umuwi siya last weekend. Kaya ayun, balik library ang tambayan niya.

Tumayo na siya at dumerecho sa kwarto para magbihis. Binitbit na rin niya si Toshi paglabas niya at nagpaalam kay Jasmin.

"Jas, alis muna ako ha?" actually di naman niya kailangang magpaalam pa, pero syempre importante pa din yun e.

"Okay! Have fun." sabi nito sa nangaasar na tono. "Have fun your face."

"Aba, aarte ka pa?" natawa na siya ng tuluyan dahil tinaasan pa talaga siya nito ng kilay.

"Oo na. Haha. Bye!"

Pagkatapos ng mahabang lakaran sa ilalim ng initan dahil wala siyang payong, dumerecho siya sa basement ng library kasi dun malamig. Tapos nandun din yung mga computers at mas malakas na internet connection. Pumwesto na siya sa sa bakanteng lamesang nakita niya at nagsimulang magsipag. Well, trying hard muna. haha.

Nagwawarm up pa lang siya sa kasipagan naudlot na kaagad nang biglang mag ring ang cellphone niya.

Calling: Ian S.

"Yep?" kunwari tinatamad niyang sagot. Haha. Syempre ayaw niya pahalatang kinilig siya dahil tumawag ako.

"Waaaatchaaa doin?" pa-cute voice na sabi nito kaya natawa siya.

"Nothing." natripan niyang sakyan na lang ang trip nito.

"Are you wearing nothing too?"

Ibang klase talaga ang trip nito. Suko na tuloy agad siya.

"Hahahaha. Shut up. Nandito ako sa library gumagawa ng exer."

"Pwedeng mangistorbo?"

"Ha? Wa---"

"Wag mo na palang sagutin. HAHAHAHA. I'm coming." bago pa siya makasagot ulit nababa na nito ang tawag. Grabe, talagang pag gusto nito gusto nito. Masyadong makulit :D

Nagfocus na lang ulit siya sa ginagawa niya para hindi sayang oras. Hindi tuloy niya namalayan na dumating ito. Nagulat pa siya nang bigla nitong kurutin ang tagiliran niya.

"AWW!" napalakas tuloy ang hiyaw niya kaya nagsorry siya sa mga napatingin sa kanya. Hindi naman talaga masakit, may kiliti lang kasi siya sa tagiliran. Sino bang wala? =))

"Opps sorry." sabi nito pero nakangisi naman "I've missed you :)" sabi nito sabay kiss sa cheeks niya.

"Thanks." pangasar niya.

"I know you've missed me too kahit di mo sabihin. Halata naman sa goosebumps mo." tinapunan niya ito ng masamang tingin pero nginisihan lang siya.

"Just shut up and keep still okay? I'm busy." sabi niya dito na kunyari naiinis na. Tumahimik naman ito at sinunod siya kahit mukang nangaasar pa din.

Nagbehave naman ito kaya nakapagfocus na siya sa ginagawa.

"Marsh?" sabi nito maya maya.

"Hmm?"

Penny's ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon