Page 23

55 0 0
                                    

Hindi mapakali si Ian. Sobrang na-bother siya sa narinig na paguusap ni Penny at Carlo. Pakiramdam niya gusto niyang hablutin bigla ang kwelyo ng suot ni Carlo at bigyan ito ng malakas na suntok para magising sa katotohanan.

Ngayon nakatingin pa rin siya sa dalawa habang kumakain at umiinit lang lalo ang ulo niyang makita si Penny na tumatawa kasama ang lalaking yun.

"Hey earth to Ian." pukaw sa kanya ni Jenny na kasama niyang naglulunch ngayon sa KFC.

Nabaling ulit dito ang tingin niya at saka niya lang napansin na nakita na nakatulal na pala siya.

"Sorry, ano ulit sinabi mo?"

He's out of his mind again. Penny! Penny! Penny na naman ang isinisigaw ng isip niya. He fought really hard not to think about her and he succeeded. Medyo matagal na ring hindi ito pumapasok sa isip niya lalo na kapag magkasama sila ni Jenny. Pero ngayon, parang wala na siyang pakealam kay Jenny. Si Penny na ang gusto niyang makasama.

Ano kayang isinagot nito kay Carlo? Mukang pumayag ito dahil nagtatawanan silang dalawa ngayon. Lalong tumindi ang pagkabwisit niya sa lalaking iyon.

Sinasabi na nga ba niya e. Nung unang kita niya pa lang dito at kung paano nito tingnan si Penny, alam na niyang hindi niya ito gusto. Mas lalong hindi niya makaksundo. Pagkatapos ito pa ang naging dahilan ng malaking away nila ni Penny na humantong sa hindi magandang sitwasyon.

Hindi siya papayag na mahulog ang loob dito ni Penny. Di hamak naman na mas gwapo siya dito, moreno lang ito at slightly malakas ang dating pero isang baldeng paligo pa rin ang lamang niya dito. Mas maputi siya at pakiramdam naman niya hindi moreno ang tipo ni Penny ang moreno. Mas matangkad rin siya dito, mas gwapo at mas mayaman.

"Are you finished?" tanong niya kay Jenny na mukang naguguluhan pa rin sa inaakto niya.

"Uhm yup, pero di ka pa tapos ah."

"Busog na ko. Tara na." sabi niya sabay tayo na, ni hindi na niya ito hinintay makatayo nang magsimula siyang maglakad.

I need to do something.

****

brrrrrrrrrrrrrt.

Nagvibrate ang cellphone ni Penny kaya kinuha niya ito at binuksan ng makitang si Carlo ang nagtext.

Psst. Kumain ka na? Hindi pa noh? Kumain ka na!

Napangiti siya sa text nito. Sa isang linggong nakalipas mula nung 'Ok' niya pakiramdam niya sobrang dami ng nangyari. Pero actually wala naman, siguro pakiramdam niya ganun dahil sobrang laki ng ikinagaan ng pakiramdam niya. At sobrang dami niyang nalaman tungkol kay Carlo.

Una, US pala ito. Ibig sabihin University Scholar. May GWA na 1 - 1.25. Ibig sabihin one of a kind. Hahahaha. Pangalawa, niloko pala ito ng ex nito. Pinagpalit sa iba :( at pangatlo, matagal na siyang crush nito.

Nakakawindang talaga nung malaman niya ang tatlong nabanggit. Dahil sa dami ng mga nalaman niya dito, yung tatlo ang sobrang unexpected. Well, hindi naman sa impossibleng US ito, pero ahmazing lang.

Psychic ka ba o ano? bt alm mong di pa ko kumain? haha

e kasi ganyan ka e. kain ka na ha, d kta msmahan may klase p ko. :*

k. study well!

c u l8er :)

Hindi na siya nagreply. Shemay. Kinikilig ba siya? Uhmmmmmmm. HAHAHAHAHAHAHA. Oo ata. Kinikilig siya dahil sobrang tagal ng walang nagpapakilig sa kanya or whatever. Hindi naman sa hindi siya kinilig kay Ian, pero iba kasi yun...masyadong komplikado. Yung ngayon simpleng ka-cornyhan at ka echosan ang ikinakikilig niya. Namiss niya rin yung pakiramdam na siya ang pinagtutuunan ng atensyon, kinukulit, inaalagan at yung pinaka ay yung pakiramdam na mahalaga ka.

Penny's ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon