As promised, here's an update-- a very short one tho.
IMEFH - Chapter 50
I can't.... I-- It's ... Oh my God, I can't stop the car
He tried to reach out for her hand and grab the steering wheel but before he manage to do so, there comes the loud crashhh and everything seems to be blurry from his vision. He fought back the urge of closing his eyes to look for her and all he spotted was blood... the red liquid seemed unstoppable and before everything went black, he saw her closing her eyes.
JANE'S POV
"Hey!"
Saglit kong tiningnan si Clarence "Hey." sarcastic kong panggagaya sa panghi-hey nya.
"HAHA. I mean, Hi!" anya saka naupo sa tabi ko. Nasa waiting shed kami malapit sa university gate.
I rolled my eyeballs.
"So, how are you?" tanong nito na nakatingin sa akin ng seryoso.
"I'm good?" Ewan ko ba naman kasi sa kanya, kahapon naman ay magkasama kami, kinukumusta nya pa ako.
"Good?" salubong na ang mga kilay nya.
Hay, paano ko ba sasabihin?
"It's about him." Conclusion nya.
Yeah right, it's about him. And that 'him' refers to the guy who still has my heart right now even after two years. Oo, it's been two long years. First day ngayon ng second semester at fourth year na ako. Isang taon pang pagbubuno at ganap na akong engineer. Kumusta naman kaya si Jeron? Ahhh... really Jane? After what he did? Pagkatapos ka nyang iwanan at hindi nya pagparamdam sa mga nakaraang taon?
Napailing ako. Dati, pilit kong kinu-convince ang sarili ko that he has reasons--- valid reasons pero ng malaman kong sinadya nya at kagustuhan nyang wag magparamdam sa akin ay na-realized ko ng wala lang ako sa kanya. WALA LANG. Bigla na namang nanikip ang dibdib ko. Funny right? It's funny how truth will stop you to breath properly. Hindi ko lang talaga maalis sa isip ko yung araw na nahuli ko sila Patro, Josh at Dudz na kausap via skype si Jeron. Pinaniwala ako ng tatlo na wala silang communication kay Jeron pero magkakutsaba pala sila. Hindi lang ako basta nasaktan nun, dahil nawasak ako. Hindi lang ang taong espesyal sa akin ang nanakit sa akin kundi pati na rin ang mga taong itinuring kong mga tunay na kaibigan. Wala naman akong narinig sa usapan nila, pero sapat ng dahilan para mawasak ako sa nasaksihan kong pagsisinungaling nila.
"Minsan, nakakatawa lang talagang isipin na habang nasa loob ako ng kwarto ay alam ko pa kung ano ang kukunin ko sa labas pero pagbukas ko pa lang ng pinto ay nakalimutan ko na kung ano ang kelangan kong kunin." Natatawa kong wika pagkatapos ng saglit kong pagbabalik-tanaw sa isipan ko. "Sana ganun lang rin kadali pagdating sa kanya."
"Hahaha ako nga minsan nasa loob na ako ng kotse ay wala pala akong dalang susi kaya bumaba muna ako at bumalik sa kwarto ko pero naikot ko na pati banyo ay hindi ko pa rin maalala na susi pala ang kukunin ko. Hahaha tapos kung hindi pa ako bumalik sa kotse ng wala pa ring susi ay hindi ko pa rin maalala." Tawang-tawa na pagsalaysay ni Clarence.
Tiningnan ko sya ng masama dahil tila hindi nya nakuha ang punto ko.
Natawa sya. "Joke lang, I got your point, gusto ko lang gumaan ang atmosphere, ang lalim ng hugot mo eh."
Umirap ako. "Walang kwenta ka talagang kausap."
Kunwa'y sumimangot ito. "Ganyan ka naman palagi eh, kahit ako ang nasa tabi mo ako pa rin ang walang kwenta pero yung iba dun na kinalimutan ka na---"
"Say it and i'll kill you" pigil ang tawang banta ko sa pag-iinarte nya.
Tinikom nya ang bibig nya pero ilang saglit lang ay natawa na rin. "Pabebe much eh noh?"
Hindi ako sumagot dahil sa isang picture ni Jeron sa fb newsfeed ko. It's a stolen shot with the caption #Happykid #oneofherbestshots #missingher #twoyears #pwedekayangngmakithrowbacksapusonya. Bigla ang kabog sa dibdib ko. I know, hindi ko dapat gawing big deal kahit ano pa ang gusto nyang caption at hindi ako dapat mag-assume na ako ang 'her' na yun but this picture was taken by me noong una kaming nagkasama.
"What are you looking at?" tanong ni Clarence na umakmang titingin sa cellphone ko pero pinatay ko na ang screen. We're good friends again pero hindi naman ako manhid para hindi maramdaman na may feelings pa rin si Clarence para sa akin kahit na dinadaan nya lang sa biro ang lahat sa takot na lumayo ako sa kanya. Ayaw kong maging masyadong open sa kanya when it comes to Jeron and me dahil alam kong nahihirapan syang maki-ride. Bilib ako sa guts ng isang ito eh, pagkatapos ng lahat ng mga nangyari nanatili pa rin sya sa tabi ko.
"Anong oras ba ang klase mo?" sa halip ay tanong ko rin.
"Hindi ko nga alam, naiwan ko ang schedule ko sa bahay and actually pauwi ako pero nakita kita and ..."
"Wow Rence. Umuwi ka na nga at baka ako pa ang may kasalanan kapag hindi ka maka-graduate this school year. Aba, first day of class pero hindi alam ang schedule?"
Kumamo sya sa ulo. "Eh kasi naman bakit ka kasi nakatambay dito sa dinadaanan ko? Alam mo namang nakakalimutan ko ang lahat kapag nasisilayan ka." kumindat ito.
Napangiwi ako. "Yuck. Umay na ako sa pagpapa-cute mo. Alis na." tumawa pa ako ng nakakaloko.
"Grabe this..."
"Corny."
"Hahaha oo na, aalis na ako. See you around Oink-oink."
"Eww lang talaga, ang baboy."
Muli akong napatitig sa phone ko pagkaalis ni Rence. Maaga lang naman akong pumasok sa school but I still have one hour before my next class.
Mga sampung minuto ang nakalipas ng nakatanggap ako ng text mula sa kaklase ko at pinapupunta ako sa tinatambayan nila kaya tumayo na ako pero biglang dumating ulit si Clarence, pawisan at tila hindi maipinta ang mukha.
"Why?" takang tanong ko.
Nagulat ako ng niyakap nya ako. Ang weird talaga.
"Ihahatid na kita." he offered after nyang mahimasmasan sa biglang pangyayakap sakin.
"Ang weird mo pare pero---" napatigil ako sa pagsasalita ng inakbayan nya ako at nagsimula ng humakbang.
"Sanadali naman!" napikon kong wika sa malakas na boses dahil sa inakto nya.
Tinanggal nya ang pagkakaakbay sa akin kasabay ng pagtingin nya sa gawing pilit nyang tinatakpang mapatingin ako kanina.
Natigilan ako.
Alam ko na ang dahilan ng kawirduhan ni Clarence.
The answer is now walking straight towards our direction.
BINABASA MO ANG
Intelligent Mind Equals Foolish Heart
FanfictionA Jane Oineza and Jeron Teng's story. A fan's attempt.