IMEFH - Chapter 18

1K 70 7
                                    

"You don't have to do it!" ani Jeron ng sumabay na sya samin paglabas after the department meeting.

I shrugged. "Well, I already did."

Medyo nauuna lang ng isang dipa samin ang tatlo pero maiingay kaya di naman kami marinig.

"Napilitan ka lang naman eh." he said.

Di ako sumagot. Issue pa ba kung napilitan lang ako? At least I nominated him at dahil sya ang highest vote ay sya ang magrirepresent ng Engineering Department. I'm now giving him a damn chance. Di ba pwedeng maging happy na lang sya about it? He don't know what I've risk for it. Dahil paano kung manalo sya? Pag naging officially on kami, malalaman at malalaman yun ng family ko in time at nakasalalay dun ang future ko.

"You can back out if you don't feel like doing it anyway." inis kong saad saka nagpatiuna ng maglakad.

"Anyari dun?" narinig kong tanong ni Joshua.

Di sumagot si Jeron.

"Alam mo paps wag ka ngang OA. Dapat nga magpasalamat ka kasi binigyan ka nya ng chance!" si Wilfredo.

"Hindi nya kelangang gawin yun kung di naman buo sa loob nya eh." si Jeron.

"Eh anong gusto mo? Inipit mo naman talaga sya. You even walk out. Duh.."

Clap clap clap. Ikaw na Patroclus >_< natahimik si Jeron.

"Jane, hintay." tawag ni Joshua. I stop and wait for them. Tahimik kaming naglakad at pagdating sa gate ay nagsalita si Jeron.

"Josh hatid mo muna si Jane."

Ganun? Ni ayaw nya ako ihatid dahil lang sa isang walang kwentang dahilan? Pumayag naman si Joshua pero tumanggi ako. "No need. I can manage!" Ha! He don't deserved with all of this. Kung ayaw nya na sakin di wag nya! Tae naman oh. Ambabaw nya! Homo Erectus Jeron!

He take a deep breath saka lumapit sakin. "Sige na paps, Thanks pero ako na lang maghahatid." ani Jeron.

Tiningnan ko sya ng masama. "Di mo kelangang gawin yan kung napipilitan ka lang."

Kumibit balikat sya. "I insist."

"Whatever." inirapan ko sya. Nilingon ko ang tatlo. "Sige." Paalam ko at tumango lang sila.

"Pag-usapan ang gulo ha, ambabaw ng dahilan." Ani Joshua at tinapik si Jeron.

Sumakay na din ako sa car nya.

Tahimik kami while inside the car. Nakikita ko sa gilid ng mata ko na mea-mea sya tumitingin sakin pero wala pa ding nagasalita samin. Malapit lang ang bhouse ko kaya saglit lang naman ay nandun na kami. Agad akong bumaba without saying a word. Alam kong sumusunod sya sakin pero di ko sya nilingon dahil di pa din naman sya umiimik eh.

Pagpasok ko sa room ko ay ipinatong ko lang ang bag ko sa

study table at pasalampak akong naupo sa kama. Pumasok din sya at hinayaan lang na bukas ang door. Naupo sya sa tabi ko.

Huminga sya ng malalim bago nagsalita. "I'm sorry for acting childish kanina. Ang sakit lang kasi yung deal na yun wala naman talagang kasiguraduhan eh. My chance of winning is very small kaya parang sobrang nasaktan ako ng pinagdiinan mong tumanggi."

Di ako umimik kaya nagpatuloy sya. "Sorry for walking out. Sorry for leaving you there for a very shallow reason. Ewan ko ba. Lately, kunting di mo pagpabor sakin, I feel like I'm nothing para sayo." He hold my hand and pinaharap nya ako sa kanya. Nagkatitigan kami. "I know, di kita niligawan ng formal. I haven't told you seriously that I love you. Dinaan ko lahat sa pang-iinis at pagpapapansin pero sana naramdaman mo na , You are special."

Marahan akong tumango at napangiti. "Alam ko yun."

"Thanks. Di ka pala manhid."

"Ah ganun.." Sumimangot ako at tinalikuran sya.

"Joke lang. Makinig ka muna sakin. Di pa ako tapos magdrama eh."

Natawa kami pareho. Nanatiling nakahawak ang kamay nya sa kamay ko. Muli akong humarap sa kanya.

"I will join the Mr. Intramurals dahil ikaw nagnominate sakin eh, hindi na bale kung matalo ako. Pero syempre gusto ko manalo but let us forget about the deal kasi unfair naman talaga yun sayo eh. Di ko agad naisip na dapat kung maging tayo man officially ay dahil yun ready ka na at nagmamahalan tayo and not just simply because of a deal which doesn't leave you any choice." he said.

Hmmm.. Bigla lang nagmature ah hehe.

"I disagree." sagot ko at medyo nagulat sya.

"Babe, I'm willing to wait naman eh"

Pinigil ko sya sa sasabihin nya. "I nominated you hindi dahil ginipit mo ako or what. I did it because I want to. At syempre yung deal naman di yan mangyayari without the approval of both parties. At obviously nag-approved na ako so bat ikaw ayaw mo na? Small lang ang chance kaya kelangan mo din mag effort not only for the title but also for me right? So di yun wala lang." I said.

"Seriously? Di nga? Baka galingan ko masyado para manalo kung matamis mong OO ang premyo." Matamis ang ngiti nya.

"So, di mo gagalingan kung walang deal?"

"I will still do my best pero syempre iba pa rin kasi I'm going to do it for you."

"I'm flattered." Nakatawa kong wika.

"You should be, ikaw lang minahal ko ng ganito eh."

"Di nga? Si kulay nga kahit di na kayo love mo pa din sya eh. Ex daw pero araw-araw pa din magkasama." kunwa'y inis kong wika.

"Uy dati pa yun. And past is past."

"Pero bakit di mo itinatanggi dati kahit na issue dati dito sa school na kayo pa din?"

"What's the use of pagtanggi kung di din naman maniniwala ang mga tao diba? At saka inoobserve ko lang reaction mo noon. Selos na selos ka nga eh." pang-aasar nya.

"Hindi noh." tanggi ko.

"You're not good in lying." tawa nya.

"So ikaw magaling magsinungaling? Andami mo sigurong itinatago sakin noh?"

"Grabeng accusation yan!"

Nagkatawanan kami.

______

Someone's POV

Di napansin ni Jane ang pag-iwas ng tingin ni Jeron after sabihin ni Jane na magaling siguro ito magsinungaling at maraming itinatago.

________

Jane's POV

Nagtawanan kami at muling nag-asaran as if nothing happened. Di ko na rin naisip mag-alala about sa posibleng mangyari. Ganito pala pag nagmahal, nagiging selfish ka. Di ko na iniisip na pag naging kami ay magagalit ang pamilya ko at ikakahiya nila ako at posibleng itakwil but I don't really care about it right now.

Sabi nga sa nabasa ko dati,

JUST FALL IN LOVE.

So here I am.. Just falling in LOVE.

Intelligent Mind Equals Foolish HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon