IMEFH - Chapter 21

1.1K 66 12
                                    

Jane's POV

"May problema ka ba?" Tanong ko kay Jeron. Ilang araw na syang parang tulala palagi at madalas magulat kapag kinakausap ko sya.

"I'm just tired. Maghapon ang practice eh." he answered and force a smile.

Napahinga ako ng malalim. Hinawakan ko sya sa mukha at tinitigan ko sya sa mga mata. "Ang sakit --" I started. Tinanggal ko ang kamay ko sa mukha nya at ipinatong sa dining table sa harap namin. Nasa bahay nila kami ngayon at katatapos lang namin kumain at nagligpit ng pinagkainan. Si manang ay nauna ng matulog samantalang sila Dudz, Patroclus at Joshua ay nasa living room na at nanonood. Nagpaiwan kami sa kitchen dahil feeling ko may kelangan syang sabihin. "-- ang sakit na, nandito lang ako pero parang di mo ako nakikita. Kahit hindi mo sabihin, I know, I can feel it na may problema ka at masakit makita na nahihirapan ka tapos wala akong magawa."

Huminga sya ng malalim saka mahinang tumawa. Iniyakap nya ang right hand nya sakin kaya nakahilig ang ulo ko sa dibdib nya. Naramdaman kong he kiss me in the hair. I also wrapped my two hands around him. "Baby naman. Wag ka ngang ganyan. Pagod lang talaga ako at oo aaminin ko may problema nga siguro ako but it doesn't involve you kaya ayaw ko na din na problemahin mo din. Saka ano ka ba, wag ka masyadong mag-alala sakin kasi ok lang talaga ako." he said.

"Pero diba dapat karamay mo ako?" nagtatampo kong wika.

Lalo nyang hinigpitan ang pagkakayakap sakin. "Wag na magtampo ang baby ko. Sasabihin ko na ang problema ko."

Di ako umimik at nagpatuloy sya. "Gusto kasi nila mommy bumalik na ako ng Maynila para dun na ulit mag-aral." Napahiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya. Tumawa sya ng mapakla.

"Syempre di ako pumayag. Nagkasagutan kami. Kaya galit na galit sya sakin."

"Bakit nila gustong bumalik ka na dun?"

"Di ko din alam eh."

"Gusto mo ba dun?"

"Dati oo. Gusto ko naman talaga dun eh. Syempre diba mas ok na malapit ka sa pamilya mo pero nagbago na yun kasi andyan ka. Ayaw kong iwan ka dito eh. Ayaw ko. "

"Nasabi mo ba sa kanila ang dahilan mo?"

"Yun na nga eh. Di ko sinabi pero feeling ko may nagsabi sa kanila about us. "

"And?"

"Di ko alam Jane. Di ko gets kung ano man ang rason na meron sila."

"But they mentioned about me?" Tumango sya.P**cha naman oh! weird diba? For Pete's sake. "And you said it doesn't involve me when in fact it does?!" tumaas ang boses ko.

"Dahil hindi ko alam kung paano ko sasabihin sayo! At ayaw kong makita kung ano man ang magiging reaksyon mo! At ayaw kong gawin 'to pero kelangan at.."

"At?"

"At nakapagdesisyun na ako." he answered in a low voice.

I bit my lower lip. I don't want to hear what he's going to say next.

"I've decided na tatapusin ko na lang ang first semester at susunod na ako sa gusto nila."

Teka? May narinig ba ako? May sinabi ba sya? Wala naman diba? Magigising na ba ako sa bad nightmare na 'to? Then suddenly naramdaman ko ang tuloy tuloy na ang pag-agos ng luha ko. And yes! Tama ang narinig ko. Tatapusin nya na lang ang first semester at aalis na sya. Wait. Pinahid ko ang luha ko.

"Look Jane, kahit naman pupunta na akong Maynila after the first semester ay wala namang magbabago eh. Ikaw pa rin ang mahal ko. Ikaw pa rin. Saka diba nga may deal tayo? Ipapanalo ko pa nga ang Mr. Intramurals kasi gusto ko may mapanghawakan akong titulo sayo kahit na magkakalayo tayo." Si Jeron

Intelligent Mind Equals Foolish HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon