Jane's POV
"Babae baka naman inlove ka na kay Clarence?" Mahinang bulong sakin ni Chad.
"Ano ka ba, mabait sya at ok pero si Jeron pa din ang bet ko".
Pabulong ko din na sagot.
"Asa ka pa! " Nawindang na sagot nya sakin.
Oh wait, si Clarence Lee ay yung guy na nakilala ko 10 months ago.
Yep 10 months. I met him the day na nakita kong magkasama sila Nichole at Benzj. That was the day before I lost my best friend. That was last year. Second year college na ako ngayon. Ang bilis noh? Pero heto single pa din ako.
May mga nanliligaw sa akin pero walang nagpapakatanga na maghintay ng 5 years bago ako maging gf. Hello! Di lang ako ang babae sa mundo noh, bat sila magtyatyaga sakin. Kung si Benzj nga hindi kinaya eh.
Wait. May isang lalake pala na nagtatyaga ng kunti. Si Clarence Lee. Di naman sya nanligaw sakin kahit matagal na kaming magkaibigan. Di pa. At ayaw ko din namang manligaw sya sakin kahit minsan feeling ko gusto ko na sya. Ayaw kong mangyari samin yung kagaya samin ni Benzj dati. Ang hirap mawalan ng kaibigan. But as of now, sya ang pinakaespesyal na lalake sa buhay ko. charottt haha. Maliban na lang kung ligawan ako ni Jeron Teng!
Haha asa.
"Ano nga palang sabi ni Clarence?" Tanong ni Chad.
"Susunduin nya tayo ng 5:00. Isasama nya daw tayo sa church. May fellowship yata sila." Sagot ko.
Right. Yun yung closeness na nagbabind samin ni Clarence. The faith. He is a very religious man. Minsan nga naisip ko ng magpaconvert sa religion nila kaya lang di naman ako pwedeng magdesisyon sa ganung bagay eh.
4:30 ng matapos ang last subject namin. Mga 10 minutes pa kaming nagmeeting ng groupmates ko para sa group report namin sa English 3. Badtrip nga yung Prof namin. Pauso ng report. Ginawa kaming high school! Di pa kami magkagrupo ni Chad kasi leader din sya sa grupo nila. Malas talaga naming matatalino haha. 4 lang kami bawat group at tatlong lalake ang kasama ko.
Pagkatapos ay naglakad na kami palabas ng campus. "2 weeks na simula ng pasukan pero di ko pa nakikita si Jeron". Komento ni Chad.
"Isusumbong kita kay kuya Yhuan". sabi ko.
"Sabi ko hindi ko pa nakikita . Di ko sinabing sosyotain ko sya. At saka hello! Ikaw kaya 'tong may gusto sa kanya."
"Baliw ka! Bilisan mo nga maglakad. Yun na si Clarence oh". Sabi ko na inginuso pa yung car sa gilid ng kalsada sa harap ng gate sa university.
Pero saktong paglabas namin ay nakita namin si Jeron na nakamotorsiklo. At syempre nakaangkas dun si Violet. Huminto sila at bumaba na. Tatawid na sana kami ng tinawag ako ni Jeron.
Oo. As in ako. Di ko nga alam bat kilala nya ako eh halos di naman kami nagkikita, I mean oo at may isa o dalawang subject kami na magkaklase pero di talaga kami nakakaget along.
Huminto kami at napahawak si Chad ng mahigpit sa kamay ko. Kinikilig? Pesteng babae 'to . May boyfriend na at lahat-lahat eh nakikihati pa sa mga fans ko. hahaha. Fans? Feeling ko naman.
"Oh bakit?" Tanong ko.
"May groupings daw tayo sa Eng III, can I join your group?" he asked. "Today lang kasi ako nakapasok eh", he added.
sure! wahahaha. Gusto kong sabihin kea lang kumpleto na kami sa group namin eh.
"Ah, kumpleto na kasi kami sa group namin eh. Try mo na lang sa ibang group bka may kulang pa. " Sagot ko.
BINABASA MO ANG
Intelligent Mind Equals Foolish Heart
Fiksi PenggemarA Jane Oineza and Jeron Teng's story. A fan's attempt.