IMEFH - Chapter 52

176 6 7
                                    

A/N: Yay! My first update for 2016. Happy new year everyone! JARON love team may stop its existence in the real world but they will forever stay in our hearts, right? Keep spreading the goodvibes!

I will also be celebrating my birthday tomorrow, March 1, so this is a treat from your super duper slow updater author.

IMEFH - Chapter 52

Jane's POV

Gusto kong komprontahin agad si Clarence kahapon pagkatapos kong malaman ang lahat pero hindi ako pinayagan ni Jeron.
"Give the guy a break. Nasapak ko na kanina eh." katwiran nya. "At saka wag mong hahayaang ang emosyon mo ang magsalita para sayo." with that I gave him a look saying like 'look who's talking.' But I let it go anyway. I wanted to thank Jeron for the advice tho. Na-realize ko kasi na may pinagsamahan naman kami ni Clarence at dapat kong pag-isipan ang mga sasabihin ko sa kanya.

Hindi ko mapigilang umiyak habang tinitingnan ko ang mga pictures sa album ko kung saan ay magkasama kami ni Clarence. I may never have love him romantically but Clarence was like a brother to me and a friend. A very good friend; that was a mistake maybe but...
Napailing na lang ako. Ayaw pa rin mag-sink in sa utak ko na magagawa nya yun sa akin.
"Are you sure you'll be fine?" tanong ni Jeron sa hindi ko na mabilang na pagkakataon simula ng sunduin nya ako sa boarding house.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti. "You'll keep eyes on me so I guess so", kalmado kong sagot. Ang usapan kasi namin ay nasa isang sulok lang sya with the boys kung saan ay abot ng tanaw nila habang nag-uusap kami ni Clarence. It's for my own safety. We just can't trust the guy after what he just did.

"Of course." medyo worried at halatang pilit ang mga ngiti nya. "Wag lang syang magkakamali."

"Hey babe! I don't think he'll be capable of doing anything more than that scandalous rumors."

"Sana nga babe. Sana nga..."

May pagbabanta na naman sa boses nya at hindi ko gusto iyon pero naiintindihan ko naman dahil maging ako na ang akala ay kilalang-kilala na si Clarence ay tila biglang naglaho rin lahat ng tiwala ko.

Malayo pa ay nakita ko na si Clarence sa usapan naming tagpuan. At kung kanina akala ko ay kalmado na ako, ng makita ko sya ay tila bumangon ulit lahat ng galit ko sa mga ginawa nya.
"Jane." salubong nya. He looks uneasy at pinagpapawisan sya.

"Why?" nanginginig ang boses ko. As much as I wanted to slap him right away, I also wanted to know his reasons.

"Do you really think I did it?" isang tanong rin ang ibinalik nya sa akin.

Hindi ko napigilan ang pagbagsak ng mga luha ko. "Ayaw tanggapin ng isip ko Rence pero walang-hiya! Kalat na kalat na oh! Itatanggi mo pa ba?"

Nakita ko rin ang unti-unting pagbagsak ng mga luha nya,"I'm sorry."

That sorry was a confirmation for me. Ang sorry na yun ay isang pag-amin ng ginawa nya at hindi ko na napigilan ang sarili kong sampalin sya. "May pasimba-simba ka pang nalalaman eh demonyo ka naman pala!"

Napatiim-bagang sya ng marinig ang sinabi ko. Agad nyang pinahid ang mga luha nya at nakita ko ang galit sa mga mata nya pero hindi sya nagsalita. It didn't scares me tho. Ilang ulit ko pa syang sinampal at ni isa sa mga yun ay hindi nya inilagan.

"Pinagkatiwalaan kita Rence! Ganyan ka na ba ka-obsess sa akin para wag mo ng isipin ang kahihiyan ko mapunta lang ako sayo? Well, sorry! Sorry kasi kahit kelan hindi kita mamahalin! At yun lang ang nararapat sayo dahil baliw ka! Alam mo yun, baliw ka! Manyak, walang-modo, walang respeto, at sinungaling!" napaupo ako habang sapo ang mukha ko. Punong-puno ako ng galit at wala akong pakialam kung ano ang mga sinasabi ko.

Napagod na lang ako sa panunumbat at pag-iyak ko ay wala na akong narinig pa mula kay Clarence. Nakatingin lang sya sa akin habang umiiyak.

The next thing I know ay lumapit na sa amin si Jeron at inalalayan akong tumayo."Tama na babe, iuuwi na kita. Naipaabot ko na  sa school guidance ang nangyari. Let the school do their job for this bastard."

Tumango lang ako at nagsimula ng humakbang patalikod habang nakaakbay sa akin si Jeron.

"Tama nga lang siguro Jane na hindi naging tayo." napahinto ako sa paghakbang, gayundin si Jeron, ng magsalita si Clarence.  "Dahil alam mo, ayaw ko rin naman sa mga katulad mong iisang panig lang ang gustong pakinggan. Nasampal mo na ako at nasabi mo na ang lahat ng masasakit na salita na gusto mong sabihin pero inalam mo na ba kung ano talaga ang totoo?"

Humiwalay ako kay Jeron at muling humakbang palapit sa kanya. "What's the truth then? Sabihin mo nga sa akin!" nanggigigil kong hamon.

"Importante pa ba yun? Pagkatapos mong pagsalitaan itong demonyong pasimba-simba pa?" tumawa sya ng mapakla. "Ok lang. Ipatalsik nyo na ako sa unibersidad na 'to total tanggap ko namang wala talaga akong mararating. At sorry ha? Sorry dahil wala akong kwentang tao! At sorry kung minahal kita at mahal pa rin kita pagkatapos ng lahat ng ito." muli syang tumawa ng mapakla.

"Brad, wag na tayong maglokohan pa oh. Wag ka ng magdrama. Aminin mo ng ikaw naman talaga ang nagkalat ng ganung balita." nakisali na si Jeron sa usapan.

Muling tumawa ng mapakla si Clarence. "Ako nga."

"Aamin ka rin palang gago ka eh!" bulyaw ni Jeron na akmang susuntukin si Clarence kung hindi ko lamang napigilan.

"Yan ang gusto nyong marinig diba?" seryosong bwelta ni Clarence at umalis na sa harapan namin.

Hindi ako agad nakakilos sa kinatatayuan ko. I don't get it.

"Man, he's crazy.." pabulong na wika ni Jeron. "Are you ok?"

"Pwede mo na ba akong ihatid pauwi?" bagsak ang balikat kong tanong.

__

"I heard about what happened." salubong ni Benzj na nakaabang sa pintuan ng kwarto ko.

Bahagya akong napangiti, "Ok lang beast. People will forget it, eventually." I know I sounded weak.

Benzj open his arms and without second thought, I let myself find comfort on him. "I know you more than anyone else do."

"I--uhm--"

Niyakap nya ako ng mas mahigpit, "You don't have to tell me. Whatever it is, i'm on your side."

Nang medyo mahimasmasan na ako ay saka kami pumasok sa kwarto ko, kasunod ni Jeron na tahimik lang na nagmamasid sa amin.

"Hindi mo na dapat pinaalam sa University dean." wika ni Benzj kay Jeron ng kapwa na kami nasa loob. Nakaupo ako sa kama samantalang nakaupo sila sa mga upuan na nakalagay sa magkabilang dulo ng mesa.

"Are you kidding me? Clarence has to learn his lessons!" sabat ni Jeron.

"Pinalaki mo lang ang gulo. Binigyan mo lang ng dahilan para maalala ng lahat ang isyu. Nandun na tayo sa kelangang panagutan ni Clarence ang kasinungalingang ginawa nya pero naisip mo ba kung paano naman si Jane?"

"I'm sorry, I was so mad and just don't know what to do," to my surprised, Jeron lowers his ego.

"What now?" Benzj asked while looking at no one in particular but he's obviosly directing the question for Jeron who arched his eyebrows toward him.
"I mean, the two of you guys. Your status. What if, tita and tito will find out about this?"

"Beast," pagsingit ko. "Kaya namin ito. Don't pressure us dahil mas kailangan namin nang suporta ngayon."

Napahinga si beast nang malalim. "Okay, fine. Just enjoy the moment and let's just crossed our fingers."

I just nod. I couldn't agree more. We don't know what will happen next so we might as well enjoy this moment and hope that everything will fall into their right places at the right time.

Intelligent Mind Equals Foolish HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon