" So, gusto mo talaga ng gulo? "
Taka akong napalingon at nakita ko sila Nichole at Violet na nakasunod sa akin na naglalakad sa hallway. Wala namang masyadong tao since Sunday ngayon at walang pasok dahil preparation for the first day of Intrams tom. Bukas na ang Prod at Talent night for Mr. & Ms. Intramurals at kaya nandito ako ngayon kasi gusto ni Jeron ay mapanood ko sya sa final practice.
Mas lalo akong nagulat ng hinawakan ako sa kamay ni Nichole. Kunot-noo akong napatingin sa kanya.
"Umamin ka nga, may balak kang agawin sakin si Benzj?"
"What the heck are you talking about?" I asked. Like duh. Si Benzj? Aagawin ko sa kanya? Seriously?
"Wag kang painosente! May nakakita sa inyong magkasama, dalawa lang kayo sa boarding house mo last Wednesday. Ano? Hanngang ngayon ba naman gusto mo pa din agawin kung anong meron ako?" Tuloy-tuloy nyang bulyaw na galit na galit.
Unang pumasok sa isip ko ay matawa at di ko napigilan yun. "Kelan ba kita inagawan Nichole? Ipaalala mo nga sakin kasi wala akong matandaan." Totoo naman kasi eh, kahit kelan ay di ako nakipag-agawan sa kanya. Sa ranking nung highschool? Sa pagiging Presidente sa classroom at clubs? Mygulay! Hawak ko yun simula sa umpisa at sya ang nakikipagkompetisyon! At si Benzj? Best friend ko yun!
"Tanga ka pala eh!"
I take a deep breath. "Nichole alam mo, kung may problema kayo ni Benzj, sya ang kausapin mo at wag ako! Dahil labas ako sa kung anumang problema sa relasyon nyo." mahinahon pa ako nun >_<
"Labas? Eh ikaw nga ang problema eh, nilalandi mo sya! Alam mo, maayos na kami eh. Ngayon umeepal ka na naman!"
Medyo tinalaban na ako sa sinabi nya. Si Violet ay nanatiling tahimik pero galit din ang tingin sa akin. "Watch your mouth Nichole! I'm telling you, hindi ko nilalandi si Benzj, dahil alam mo, kung gustuhin ko pwede kong gawin yun, pero maygad Nichole! Magkaibigan kami ni Benzj at kahit di tayo close, marunong ako rumespeto sa relasyon nyo!"
"Talaga? Marunong ka rumespeto? Sabihin mo nga sa akin Jane, bakit mo pinatulan si Jeron?"
"We are talking about Benzj here, walang kinalaman dito si Jeron."
"Pero ako Jane may kinalaman, dahil ako ang inagawan mo!" -si Violet na nakisali na din.
Teka. Ano raw? Inagawan ko raw sya? Matagal na silang hiwalay bago ako niligawan ni Jeron.
"Inagawan? Mas lalong wala akong inagaw sayo Violet!" Putik naman oh! Napakawalang sense naman ng mga ibinebentang nila sa akin!
"So hindi mo alam?" Violet asked.
"Talagang wala akong alam sa sinasabi mo at wala din akong pakialam!"
"At talaga palang tanga ka eh! Anong gusto mo?" Lumapit sakin si Nichole at dinuro ako.
Medyo kinabahan ako kasi baka sugurin nila ako. Dalawa sila at mukhang wala pa talagang napapadaan na mga students ngayon.
"Tanga na kung tanga! Wala akong pakialam sa inyo! Alam mo Nichole dapat nga magpasalamat ka eh, dahil pinagtitiisan ka ng best friend ko kahit masama yang ugali mo! At bakit ba ganyan na lang ang galit mo sa akin? Di mo alam kung paano ko sinakripisyo ang friendship namin ni Benzj para sayo!" gigil kong wika. Sumusobra na sya! Ako tanga? Pusa naman oh! Kasalanan ko ba kung mahal ako ng mga mahal nila?
"Siguro nga wala akong alam Jane, pero ikaw, wala ka ding alam kung bakit ganito ang galit ko sayo!" she fired back then walked out while crying. Natulala ako sa sinabi nya dahil honestly tama sya, di ko alam kung anong pinagdadaanan nya at simula pa dati ay nakikipagkumpetisyon sya sakin. At bakit sya umiyak? Mas masakit pa ang mga binitiwan nyang salita ah!
BINABASA MO ANG
Intelligent Mind Equals Foolish Heart
FanfictionA Jane Oineza and Jeron Teng's story. A fan's attempt.