IMEFH - Chapter 30

1K 66 9
                                    

A/N: Thank you po sa lahat ng nagbigay ng feedbacks at nagpm sakin sa FB :D

Here's the chapter 30 :)

________

"Bakit sabi mo sakin matagal na kayong wala at all the way ay magkaibigan lang talaga kayo?" Sa totoo lang ayaw ko talaga magalit eh, pero pinaniwala nya ako and he even told me na what's the use of denying?

Umiwas sya ng tingin. "I'm sorry, I lied. Ang totoo, matagal ko ng gustong hiwalayan si Violet dahil di na talaga kami magkasundo nun, tapos nung araw na yun na nilapitan kita to join in your group nagalit sya sakin dahil pwede naman daw sa iba pero di ako nakinig. Nung hinamon nya ako ng hiwalayan ----"

Sobrang babaw lang ng dahilan. At ang masama pa nun naging sobrang close pa kami agad at siguro dahil lang sa pride kaya di ako kinompronta ni Violet. Nakakaguilty. "Kung gusto mo syang balikan, okay lang sa akin. Wala pa naman tayong commitment eh" ang sakit sa loob ng sinabi ko, kasi oo at hindi pa kami pero mahal ko sya at masakit na pakawalan ko sya.

Huminga sya ng malalim. He held my hand and we look at each other's eyes. "Tingin mo ba gagawin ko yun?"

"Hindi ko naman alam ang nararamdaman mo eh."

"Ilang beses ko na ba sinabi sayong mahal kita?"

I looked away dahil di ko na kayang tingnan ang mga mata nya.

"Alam ko namang mahal mo ako eh, nagiguilty lang ako."

"You don't have to, wala kang kasalanan."

I looked at him again "Hindi lang naman ako ang dahilan diba? Sabi mo gusto mo na talaga syang hiwalayan bago pa yun"

It's his time to look away. "Oo."

Natahimik ako. "Pwede ko bang malaman kung bakit?"

Sandali syang natahikik. "She's seeing someone." napatiim-bagang nyang sagot.

"And that someone is?-"

"Ex boyfriend nya."

"Pero di kayo naghiwalay that time?"

Mapait syang napailing. "I only have her that time. Paano ko sya pakakawalan kung nung mga panahong yun, sya lang yung nag-iisang taong alam ang mga fears ko sa buhay." he stopped.

The truth is, ang sakit ng mga naririnig ko ngayon. Knowing na naging sobrang importante ni Violet sa buhay nya. Bakit ganun? Bakit ako wala akong alam na kahit na ano maliban sa palagi kong sinasabi na may tupak sya, na hindi sya typical lover - at ang nakita ko lang na weak side nya ay nung umiyak sya nung ayaw kong intindihin ang dahilan ng pag-alis nya? Bakit ang sakit isipin na sobra yung openness nila nung sila pa? Pero kami? Puro kalokohan lang ang bonding namin at ni hindi namin napag-uusapan ang tungkol sa mga family namin at past nya.

"Inintindi ko sya that time at nagpakamartir ako."

"What do you mean?" taka kong tanong.

"Pinayagan ko syang pagsabayin kami nung ex nya."

"What?" napatayo ako sa pagkagulat. He just nod. Muli akong naupo and he continued.

"Nakakatangang isipin na binalikan nya yung lalakeng yun habang kami pa. Pero anong magagawa ko? Hindi ko lang sya basta mahal nun, sya lang din ang kaibigan ko that time. I was so helpless then and everything at ipinipikit ko na lang ang mga mata ko kapag nakikita ko silang magkasama hanggang maging manhid na ang puso ko sa sakit."

Intelligent Mind Equals Foolish HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon