"Hi Jane!"
Paglingon ko ay nagulat ako ng makita ko si Jeron papalapit sakin. Naglalakad ako papuntang CE building.
Napataas ang kilay ko pero wala akong sinabi. Anyari sa mamang 'to at bigla na lang sasabay sakin. May pinapatunayan lang ampeg?
"Anong nakain mo at bigla mo na naman naisipang sumabay sakin?" The truth is namimis ko ang kumag na 'to. After our group report presentation kasi we haven't get the chance to talk again. 2 weeks ago na din yun. Di ko nga alam kung bakit di nya ako pinapansin kahit nasa isang classroom lang kami minsan. Tapos ngayon sasabay sakin? Palibhasa Bipolar sya eh haha.
"Di pa nga ako kumakain eh, Samahan mo kaya muna akong kumain sa labas?"
Hala! ok lang sya?" May klase ako ng 8:00 noh, 7:30 na kaya."
"Absent ka na muna. Gutom na ako eh!"
"Kasalanan ko bang di ka kumain? Alam mo ikaw, epal ka. Bahala ka sa buhay mo noh!"
Hinila nya ako. "Tara na! Minsan lang naman eh"
"Hindi nga pwede eh! Major subject ang pasok ko!" Anong feeling nya? Basta na lang ako susunod sa kanya. kahit naman crush ko sya di naman ako magpapauto na lang basta sa kanya!
"Please?..." Nakikiusap ang mukha nya. Hinila ko ang kamay ko na hawak nya kasi pinagtitinginan na din kami ng ibang students na dumadaan.
"Ang arte naman ng babaeng yan, kay Jeron pa nagpakipot?"
"Sino ba yan?"
"Boyfriend diba si Jeron ni Violet Saavedra?"
Tssskkk andami ko pang narinig na kung anu-anong opinyon. May mga positive din naman like:
"In fairness, bagay sila!"
"Maganda naman sya eh!"
Pero mas lamang pa din ang negative. Pero positive or negative man yan , ayaw ko ng issue. Kaya kahit gusto kong manapak ng mga judgemental na tao sa paligid ko ay pinigil ko ang sarili ko. But I really feel like crying. Ayaw ko ng ganito. Napansin naman yun ni Jeron. Tiningnan nya ng masama ang mga nakatanghod samin.
"Sorry... "bulong nya saka iniabot sakin ang white na panyo galing sa bulsa ng pants nya. Tinanggap ko yun kahit naaasar ako sa kanya. Aakbayan nya sana ako pero agad ko na syang binigyan ng Don't-you-dare-touching-me look.
Sinabayan nya ako maglakad. "Sorry na Jane. Di na mauulit. Akalain ko ba namang pag-uusapan agad tayo ng mga tsismosa sa school na 'to".
Naglakad na kami ulit papuntang CE building.
"Wag ka na nga sumabay sakin!" Nakasimangot pero mahina lang ang boses ko para di marinig ng mga usyuserong frog sa paligid ang sinasabi ko.
"Sorry na nga eh. Grabe naman.. andami kea dyan na gusto akong makasabay eh tapos ikaw ayaw mo!"
"Madami palang may gusto sayo eh bakit ako ang sinasabayan mo." I rolled my eyeballs (really love doing it haha).
Ang yabang nya kasi. Di naman ako nagdadrama ng hard-to-get or kung ano. Nakakabadtrip lang talaga ang kapreskuhan nya. Pilitin ba naman akong samahan sya?
"Ang init naman ng ulo mo,"
eh sino ba ang hindi iinit ang ulo sa ginawa nya.
"Ewan sayo!"
"Ang cute mo !"
"Alam ko!" hala. ang kapal ng mukha ko eh noh?
"Joke lang yun," natatawang sabi nya.
BINABASA MO ANG
Intelligent Mind Equals Foolish Heart
FanficA Jane Oineza and Jeron Teng's story. A fan's attempt.