"It's ok, I'm still on your side." mahina kong saad kay Jeron.
First Runner up lang sya Ok? Clarence won the Mr. Intramurals.
"Ok lang naman yun, nahihiya lang ako sayo. Ang yabang-yabang ko kasi." disappointed nyang sagot.
"Ok lang yun! Wag ka ngang engot dyan. Team Jeron pa din ako." nakatawa kong saad.
"Masaya ka yata dahil may dahilan ka na para di maging tayo." komento nya.
Natahimik ako. Guilty?
Yes! Guilty ako kasi totoo ang sinabi nya na masaya ako na hindi sya nanalo. Don't get me wrong- I like Jeron, no mali, I actually love him. But after naming mag-usap kanina sa phone ay tumawag ang mommy ko at galit na galit. May nakarating sa kanilang balita na may boyfriend na ako.
Syempre super tanggi ang lola nyo -__- kasi wala naman talaga eh! Oo nahug na ako ni Jeron at nakiss pero di pa kami.
"Siguraduhin mong totoo ang sinasabi mo dahil oras na malaman ng daddy mo na may ginagawa kang kalokohan, hihinto ka sa pag-aaral mo!"
Naalala kong litanya ng mom ko at sobrang natakot ako na baka nga totohanin nila yun pag nagkaboyfriend ako. So yung di pagkapanalo ni Jeron, it works for good.
"Alangan namang umiyak ako? Bakit, palibhasa ba di ka nanalo ititigil mo na ang panliligaw sakin?"
Sumimangot sya lalo. "Syempre hindi. Pero yun lang ang pag-asa ko as of now para maging gf ka kung lilipat na ako this second sem."
Natahimik ako. Eto na naman ang isyu sa pag-alis nya. Ang totoo nakapag-isip na ako about it, pero ang hirap pa din talaga isipin na aalis sya. "Tuloy talaga ang pag-alis mo?" malungkot kong tanong.
Malungkot syang tumingin sakin. "Kung may choice lang ako tingin mo iiwan pa kita? Eh ngayon ngang nandito ako at umaaligid yang si Clarence, gusto ko ng manggulpi eh!"
Natutop ko ang noo ko. "Aw!" mahina akong bumulong. "The date!" nakalimutan ko na ang deal ko kay Clarence dahil sa pagcomfort kay Jeron. Nakakaasar! Di nga ako naging insta gf naging insta date naman!
"Sorry, kung gusto mo, di ko na tutuparin yung deal namin ni Clarence. It was not my intention to agree naman eh, I was confident lang na di sya mananalo pero-"
he cut me there. "No."
Gulat akong napatingin sa kanya. "Why not? Ok lang sayo na idate ako ng iba?"
"Gusto kong maglaro ng patas. At saka ayaw kong pangunahan ka sa mga desisyon mo." he said.
"Wow! I'm impressed!" expressionless kong bulalas. On the other hand, alam ko namang di nya talaga ako pipigilan eh, Duh, pumayag nga sya dati na gawing reserba ni Violet eh! Pero syempre di ako katulad ni Violet. At mas gusto ko pigilan nya ako dahil nagsiselos sya. Weird ko noh? Kung yung iba ayaw nila ng seloso ako mas feel kong mahal ako pag sobra kung magselos ang guy! Diba? Kasi parang ayaw ka talaga nila ipamigay hahaha . Selosa din kasi ako ^_^ kaya patas lang yun.
"Don't get me wrong." he said. Napatingin ako sa kanya. "Syempre nagsiselos ako nuh. Pero hindi mo pa naman ako boyfriend kaya ayaw kong maging OA."
I pout. "Baka pag tayo na, magbago na lahat ng good na pinapakita mo sakin?"
"Of course not! Kung ano ako ngayon, ganito na talaga ako."
"So, halimbawang tayo na, ok lang sayo na idate ako ng iba?" hamon ko.
BINABASA MO ANG
Intelligent Mind Equals Foolish Heart
FanfictionA Jane Oineza and Jeron Teng's story. A fan's attempt.