IMEFH - Chapter 37

1K 55 32
                                    

ClarencePOV

LOVE is a game. It's either you win or you lose. The bad thing about this game I am in right now is knowing that the only option is losing at the end. But still, I wanted to give a good fight. Who knows?

Napangiti ako ng makita ko si Jane na papalapit. She's wearing a simple red dress - her favorite color , without any make-up on but still, she got all the charms enough to capture my heart. Marahan syang ngumiti pero di umabot sa mga mata nya ang tuwa.

Nakaramdam ako ng guilt because honestly after nya akong mabasted, I always look at her from afar when she's with Jeron at kung gaano sya kasaya. At yun ang masakit, I can't make her smile that way. At alam kong napilitan lang sya na tuparin ang deal na di nya naman napag-isipan. I feel like backing out to think na di nya 'to gusto. Damn. I silently cursed myself. Don't lose the chance, grab the opportunity to be with her and be a man!

"Alam ko ng maganda ako kaya wag ka ng matulala." saad nya saka tumawa.

"Yeah. You look great, as always." namula ako sa sarili kong papuri. Shet! High school na first time nagkacrush ang peg ko?

Lalo syang natawa. "Lakas talaga mambilog ng ulo."

"Totoo naman." nakangiti kong saad.

"Na bilog ang ulo ko?" nakasimangot nyang tanong.

"Na sobrang ganda mo."

Tumawa kami pareho pero nung nasa loob na kami ng car ay kapwa din kami natahimik. 10 months din kaming naging magkaibigan at nakakalungkot isipin na, natapos lahat yun dahil nafall ako sa kanya.

"Ang lalim ng iniisip mo Rence, saan mo ba ako dadalhin?" basag nya sa katahimikan.

"Sa Church?"

Napataas ang kilay nya samantalang ako ay nagulat sa sinabi ko. The truth is, wala akong plano kung saan kami magdidate, I just wanted to be with her pero nung magtanong sya, yun lang ang best answer dahil yun talaga ang bonding namin dati. Hindi naman sa gusto kong ipaalala sa kanya kung anong meron kami dati but it's the only perfect place for us to go right now kahit na ako, sa sarili ko ay di ako ready sa magiging reaksyon nya kapag may malaman sya.

"Really? Nice! I kinda miss to be with good guys." nakangiti nyang saad.

"Why? Have you been with some bad guys recently?" tanong ko.

"Of course not! I've been with great friends recently and a great guy - " she stops and look at me hesitantly.

I smiled.

She looked away. "I'm sorry." she apologized.

I take a deep breath. "It's ok."

Silence.

"I don't want to offend you dahil alam kong may pinagsamahan naman tayo but I hope, this will be our last time together."

Ouch! "Kayo na ni Jeron?" I asked.

Di nya ako sinagot hanggang nung nasa harap na kami ng church. Blessing in disguise na may program sa church every Friday night.

"Let's go?" nakangiti kong tanong ng ipagbukas ko sya ng pinto.

"I'm sorry kanina. Di ko dapat sinabi yun sayo." di makatinging saad nya.

Ngumiti ako ng bigla akong may maisip. "I will forget about what you said in one condition."

Intelligent Mind Equals Foolish HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon