Chapter 30

236 4 2
                                    

Chapter 30

“I need you. Don’t leave me.”

Nadurog ang puso ko sa sinabi ni Enzo. Ramdam na ramdam ko ang lungkot sa boses niya. Pakiramdam ko pinipigil niya umiyak sa harap naming lahat. Niyakap ko siya ng mahigpit. “Hindi kita iiwan. Pangako ko sayo yan.” Miski ako, hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na umiyak.

“Please stay. Wag kang umalis. Kailangan.. Kailangan kita.” Alam kong kaunti na lang, iiyak na si Enzo.

Humiwalay ako sa yakap niya at hinarap ko siya. Halos sumabog ang puso ko sa nakita kong lungkot sa mukha niya. Kahit ano ibibigay ko, wag ko lang siyang makitang ganun kalungkot. Hinawakan ko ang pisngi niya. “Shh.. Dito lang ako. Ha?” Nangingilid ang mga luha ko, pero ayokong tumuloy sa pag-iyak, para ipakita kay Enzo na magiging malakas kami pareho. Hindi ko siya iiwan sa oras na to. Kahit ipagtulakan pa ko ni Aly palabas, hinding-hindi ako aalis sa tabi ni Enzo.

“Enzo! Nababaliw ka na ba?” Tiningnan ko si Aly at alam kong galit na galit ang mga mata niya. Nawala sa isip ko na nandito siya at nakikita niya kami. Nagulat siya siguro sa eksena naming ni Enzo.“Guard!!”

Nagpanic ako, pero naramdaman ko agad ang paghawak ni Enzo sa kamay ko. Napatingin ulit ako sa kanya. “Enzo..”

Umiling siya at tumalikod na hawak-hawak pa rin ang kamay ko. May dumating na rin na guard sa tabi namin. Balak na ako hawakan pero inilapit pa ko ni Enzo sa kanya. “No need. She’s my girlfriend.”

“Enzo..” Alam naman ng lahat na si Aly ang girlfriend niya kaya kahit papano, nabigla pa rin ako na inadmit na niya sa harap ng maraming tao.

“What the hell, Enzo?!” Alam kong galit na galit na si Aly si tono ng pananalita niya. Naramdaman kong humigpit ang hawak ni Enzo sa kamay ko. Tiningnan ko siya at hindi siya tumitingin kay Aly. Naglakad na siya at napalakad na rin ako. Dinaanan lang naming sila Aly na parang hindi sila nakikita ni Enzo.

“Kevin..” Tinawag ko si Kevin nang madaanan ko siya. Naisip ko na galit siya sakin ngayong nalaman niyang may relasyon pa rin kami ni Enzo. Pero mali ang akala ko. Tumango siya. “Hihintayin ko si Yannie.” Ngumiti siya sakin, at alam ko na sa oras na yun, hindi masama ang loob niya sakin. Tumango din ako sa kanya at sumunod na kay Enzo.

Hindi niya binibitawan ang kamay ko. Hanggang sa makarating kami sa may pinakaharapan na upuang mahaba at umupo. Tinitingnan ko lang siya the whole time. Straight lang ang tingin niya sa harapan. Alam kong malungkot na malungkot siya, kaya naman unti-unti…nadudurog din ang puso ko.

Hindi ako nagsalita. Ilang minuto na ang nakalipas pero hawak niya pa rin ang kamay ko at di pa rin siya tumitingin sakin. Nang hindi ko na kayang ganun ang sitwasyon namin, nagsalita na ko. “Kumain ka na?” Pinilit kong ikalma ang pagsasalita ko. Nakatingin ako sa kanya pero hindi pa rin siya nakatingin sakin.

“Wala akong gana.” Sa wakas nagsalita na rin siya, pero sa harapan pa rin siya nakatingin.

“Babe, kumain ka, baka magkasakit ka nyan.”

Hindi siya sumagot sa sinabi ko. Hindi na ko nagsalita. Siguro nga, nahihirapan pa siya. Siguro nga, napakabigat pa rin ng nararamdaman niya.

Sa oras na yun, naisip ko ulit lahat ng tumatakbo sa utak ko kanina bago ako nagpunta ng lamay. Na ako ang may kasalanan. Na ako ang dapat sisihin. Na kung hindi dahil sakin, buhay pa sana ngayon ang lolo ni Enzo at mayroon pa rin siyang pamilya.

Pakiramdam ko parang hindi ko deserve na katabi ako ngayon ni Enzo. Pakiramdam ko, hindi ako nabibilang dito.

Bumitaw ako sa pagkakahawak niya sa kamay ko. Napayuko ako at hindi ko na pinigil ang luha ko na kanina pa gustong lumabas.

Closer To You - EnrichTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon