Chapter 18

343 3 4
                                    

Chapter 18

- Erika -

"Bye. Love you too."

Binaba ko na ang phone ko. Kakatawag lang ni Enzo. Magkikita kasi kami mamaya after work.

"Erika may naghahanap sayo."

Tumingin ako sa officemate ko. "Sino daw?"

"Hindi ko alam e. Ngayon ko lang din nakita. Nasa baba. Hihintayin ka daw."

"Okay, thanks." Tumayo na ko at dinala ko na rin yung kapeng iniinom ko. I wonder kung sino ang bumibisita sakin sa oras na to. Normally kasi, si Enzo. Pero sigurado naman akong hindi siya dahil magkausap lang kami kanina at hindi naman daw kilala nung kasama ko sa trabaho kung sino yung naghahanap sakin.

Pagbaba ko ng building, hinanap ko agad kung sino man yun. Pero wala akong makita. Nanatili na lang akong nakatayo dahil sigurado namang lalapit siya sa oras na makita niya ko.

"Miss Villena."

Nabigla ako. Pakiramdam ko nga tinayuan ako ng balahibo e. Alam ko kung sino yung nagsalita at walang iba kundi ang lolo ni Enzo.

Napatingin ako sa kanya kahit medyo parang nanginginig ang mga tuhod ko. Lagi akong kinakabahan pag nakikita ko siya.

"A..uhm..hinahanap nyo daw po ako."

He chuckled. "Oo. We need to talk." Naglakad na siya. "Come. Sa kotse tayo mag-usap."

Kung pwede lang madikit ang mga sapatos ko sa sahig, I would grab it. Ayokong sumama sa lolo ni Enzo. Ayokong marinig kung anumang sasabihin niya. Pakiramdam ko kasi hindi maganda yun, as always.

Sumunod ako sa kanya. Pinagbuksan niya pa ko ng pinto. "T-Thanks."

Pumasok na rin siya pagkatapos. Kami lang dalawa sa loob. Pinalabas niya yung driver.

"So Miss.. Hindi ko to patatagalin. Alam mo na siguro ang sasabihin ko."

I flinched. I can't do this. "Tungkol po ba to kay Enzo?" Hindi ako makatingin sa kanya. Straight lang ang mga mata ko.

Natawa siya ng bahagya. "Good question. Yes."

"Kung sasabihin niyo pong lumayo ako sa kanya, hindi ko po gagawin yun."

"Ang tapang mo pala, Miss Villena."

"Para kay Enzo."

Hindi siya sumagot pagkatapos nun. Hinihintay ko siya pero wala talaga.

"Mahal ko po si Enzo. Nangako ako sa kanya na hindi ako aalis sa tabi niya."

"That's just pathetic."

Napatingin ako sa kanya. Nakatingin lang din siya sa harap niya.

"Magkakaroon ng engagement party si Lorenzo at Aly. I'm officially inviting you."

Hindi ako sumagot.

"Bukas gaganapin. Bukas na bukas din."

Pakiramdam ko nahihirapan akong huminga sa usapan namin. Napakaintense.

At bukas na? Ibig sabihin..bukas na bukas din, malalaman na ng lahat na engaged na si Enzo. Malalaman na nila na iba na ang nagmamay-ari sa kanya. At ang masakit dun, hindi ako ang taong yun.

Hindi ako.

Pagkagaling ko sa work, umuwi na agad ako. Tinext ko na lang si Enzo na masama ang pakiramdam ko at hindi na ko makikipagkita sa kanya. Hindi ko yata siya kayang makita ngayon. Maiisip ko lang ang lolo niya at kung ano mang mangyayari bukas.

Closer To You - EnrichTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon