Chapter 5
- Erika -
Kinalimutan ko ang lahat. Ayoko na lang kasing isipin yung nangyari. Wala na naman akong magagawa. At narealize ko ding kahit papano kasalanan ko din.
Things went well. Hindi namin napag-uusapan ni Enzo. Magiging awkward lang kasi. Instead, we acted like nothing has happened.
***
"Erika, bilisan mo naman dyan!"
Nasa kwarto ako nag-aayos. Kanina pa ko tinatawag ni Enzo. Hindi ba niya naisip na matagal mag-ayos ang mga babae pag may date?
"Sandali na lang! Swear!"
Tiningnan ko sa huling pagkakataon ang sarili ko sa salamin at naglakad na palabas ng kwarto.
Almost 5 months na ko dito sa bahay ni Enzo. Every month, lagi ko sa kanyang sinasabi na aalis na ko sa bahay niya pero hindi natutuloy. Nakahanap na naman ako ng trabaho at kaya ko na kumuha ulit ng apartment.
Lagi niya kasi akong pinipigilan. Wala na daw kasing maglilinis ng bahay at magluluto para sa kanya. (That jerk!) Pero alam kong biro lang naman yun. Actually, hindi naman niya ako inuutusan pero nagkukusa talaga ko. Utang na loob ko man lang sa pagpapatira niya sakin ng libre. At talagang nakakatipid ako. Pareho kaming nakikinabang.
At sa totoo niyan, sobrang close na naming dalawa. 5 months ba namang magkasama kami sa iisang bubong. Pag hindi ba naman kami nagkasundo, ewan ko na lang.
At sa totoo nyan, mabait si Enzo. I hate to admit it, pero totoo yun. Nandyan siya palagi para sakin. Pag may problema ko sa trabaho o sa mga kaibigan ko, siya ang matino kong nakakausap. Ang galing niya din magbigay ng advice. He really is a good friend.
At isa pa, wala na siyang flings ngayon. Tinanong ko na siya kung bakit, pero sabi niya nagsawa na lang daw siya, at medyo nagiguilty na din siya. Madalas ko kasing sabihin sa kanya na masakit yun para sa mga babae, na dapat isipin niya yung feelings nila. Malaki din siguro naitulong ng mga sermon ko sa kanya. XD
Nakababa na ko ng hagdan at nakita ko si Enzo na nakaupo sa couch at seryoso lang ang mukha.
"Enzo." I called him.
Napatayo siya at napatingin siya. No. I mean, napatitig siya sakin. Yun ang tamang term.
"E-Erika.."
Lumapit ako sa kanya. "Makatitig wagas?" I laughed. "Tara na, malelate na tayo. Sensya na ang tagal."
Nakatitig pa rin siya sakin. "You look beautiful tonight."
Nung sinabi niya yun, bumilis ang tibok ng puso ko at parang namula ako. Pero dineadma ko na lang. "Syempre naman! Kailangan maayos ako pag kaharap ko kadate ko. Kaw talaga! Parang namang hindi ka sanay sa ganito."
I linked my arms to his. "Let's go."
Nakatingin pa rin siya sakin. "Enzo.."
At parang bumalik siya sa ulirat. Inalis na nya ang tingin niya sakin.
"Weird mo." I told him. Naglakad na kami palabas ng bahay.
"Mana sayo." I looked at him and he's grinning. "Pero what if wag ka na tumuloy?"
Tumingin ako ng diretso sa dinaraanan namin. Malapit na kami sa kotse niya. "H-Huh? Okay ka lang? Ayoko nga."
"Gusto mo talaga siya no?" Tumingin ulit ako sa kanya at seryoso na naman ang mukha niya.
Nakarating na kami sa kotse niya kaya hindi na ko sumagot. Hindi ko naman kasi alam ang isasagot ko sa tanong niya.
Sumakay na kami at pinaandar na niya ang kotse. Tahimik lang kami sa biyahe.
BINABASA MO ANG
Closer To You - Enrich
Fanfiction"Fate is like a strange, unpopular restaurant filled with odd little waiters who bring you things you never asked for and don't always like.” - Lemony Snicket Enchong Dee as Enzo Garcia Erich Gonzales as Erika Villena This is my second Enrich fan-fi...