Chapter 6

429 2 2
                                    

Chapter 6

- Erika -

Almost five months na ang relationship namin ni Enzo. Wala namang nagbago sa pakikitungo namin sa isa't isa, kundi naging sweet na siya sakin at pinapakita niya naman at nararamdaman kong mahal niya ko. Lagi pa rin kaming nag-aasaran tulad ng dati. Parang lang kaming barkada. Nakakatuwa nga yung relasyon namin e. Pati mga kaibigan namin, nagtataka saming dalawa. Kapag kasi nag-uusap kami, parang kaming laging nag-iinisan. Natatawa na lang kami sa mga sinasabi nila. Hindi naman kasi namin maiwasan. Parang everyday routine na namin yung ganun. Naiinis ako pag binubuwisit niya ko kada araw, pero pag hindi naman, parang bigla kong namimiss.

Sa 5 months na yun, nagkaron din kami ng fights pero hindi kami umabot sa paghihiwalay. Kapag may di pagkakaintindihan, inaayos namin. Nagpapakamature kami pareho sa pag-iisip. Ganun naman dapat sa isang relasyon diba? Kailangan kumikilos kayo pareho. Hindi pwedeng yung isa lang lagi ang umaayos. Hindi pwedeng kapag isang matinding away lang, susuko na kayong dalawa. Dapat lagi niyong binibigyan ng chance ang isa't isa, pati ang relasyon niyo. If you love each other, yan ang dapat gawin. Unless na lang kung pinagpapatuloy niyo na lang ang relasyon niyo kahit wala nang natitirang pagmamahal.

Kami ni Enzo, we're not in a perfect relationship. Ang dami naming flaws, pero tinatanggap namin yun, at kung dapat baguhin, ginagawan namin ng paraan. It's what made our relationship stronger.

It's not an ideal relationship, either. Pero wala na kong mahihiling pa. I could not think of anyone na makakasama ko sa isang relasyon kung hindi si Enzo. Yung nararamdaman ko sa kanya, ibang-iba sa past relationships ko. He's the first guy na pinahihintulutan kong halikan ako. I even let him hold my hand in public. Hindi ko nagawa yun sa iba. Sa kanya lang. Kay Enzo lang.

***

"O eto na po yung kape nyo, sir."

Kinuha na niya ang laptop niya at inilagay sa table sa tabi ng kama niya. "Tagal mo." At pagkatapos nun ay bumalik na siya sa pagtatype sa laptop niya.

Tumabi ako sa kanya at tumingin sa kanya. "Kapal mo din no?" Siya na lang ang nag-uutos pero mukang siya pa ang galit!

He looked at me and smirked. "Sungit mo naman babe. Nilalambing lang naman kita a." He pouted.

Pinigil ko ang tawa ko. "Hoy Enzo wag ka ngang gumaganyan. Ang sagwa. Hindi bagay sayo."

He laughed. "If I know, kinikilig ka na dyan."

Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. "Diba? Kinikilig ka na no?" He smiled widely.

"You're really a jerk, huh?" I laughed. "I love you babe, pero I swear hindi ako kinikilig sa mga ginagawa mo."

Hindi naman talaga. Totoo yun. Hindi ko maexpress e. Yung kilig siguro sa una lang yun simula nang maging kami ni Enzo. Pero nung tumagal, it became more than that. It's more of happiness. Ganun na kalalim yung nararamdaman ko para sa kanya.

"Napakapakipot mo talaga babe kahit kelan." He kissed my cheek.

"Yeah, right." I laughed. Iniba ko na yung topic. "Babe di ka pa ba matutulog? Kanina ka pa dyan. Maaga pa pasok mo bukas."

Bumalik siya sa ginagawa niya. "Wow. Naks naman, naconcern din sakin girlfriend ko."

Pinalo ko siya ng mahina sa braso. "Hoy Enzo, hindi porket nagtatanong concern na." I giggled. "Pero really, tama na muna yan. Hindi ba sumasakit ang ulo mo? Kanina ka pang tanghali dyan. 10pm na o."

Patuloy pa rin siya sa pagtatype. "Wala e. Kailangan na to bukas."

"Hmm..okay." I nodded. "Ah Enzo, may sasabihin nga pala ko."

Closer To You - EnrichTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon