Chapter 32
Parang gumuho ang mundo ko nang sabihin ng head namin na tanggal na ko sa trabaho. Ni wala siyang sinabing dahilan kung bakit nangyari sakin yun. Grabe. Pangalawang beses na ako nafire. Nung una, dahil sa panghaharass sakin ni Sir Brylle na bf ng anak ng may-ari ng kompanya, na sa huli, sa galit sakin ni Maam Krissa, na naikot ang ulo ng bf niya, ako ang natanggal sa trabaho.
Pwedeng-pwede ako magsampa ng kaso sa pagkakafire ko. Wala naman kasi siyang binigay na dahuilan. Ni di man lang ako binigyan ng sweldo para sa buwan na to. Habang nasa kotse ako papauwi, umiisip na ko ng paraan kung pano ba magsampa ng kaso. Wala naman akong idea sa mga ganun.
Isip lang ng isip. Hanggang sa narealize ko na sa sobrang yaman ng kompanya, matatalo din ako sa huli. At saka saan ako kukuha ng pera pambayad ng abogado? E walang-wala nga ako ngayon. Pano ba pag public attornies? Haay! Mababaliw na ko kakaisip!
Sasabihin ko ba kay Enzo? Parang hindi ko yata kaya. Makakadagdag lang ako sa mga problema niya. Ayoko na sumali sa depression niya. "Aaaaah!" Hindi ko na mapigilang sumigaw. Ang bigat kasi ng loob ko, at saka gulung-gulo ang utak ko. Mag-isa naman ako sa kotse.
Ano ba namang buhay to..
Pag-uwi ko sa bahay, nagbihis na ko agad at saka tumambay na lang ako sa sala. To think na 2pm pa lang. Ang aga-aga pa. 7pm pa makakauwi niyan si Enzo.
Sa ngayon, ayoko muna mag-isip. Bahala na. Bahala na bukas. Maghahanap ako ulit ng trabaho.
"Babe, dito mo na lang ako ibaba. May bibilin lang ako." Ihahatid ako ni Enzo sa opisina. Hindi naman ako nagsabi sa kanya na nafire ako. At wala din akong balak na bumaba sa harap nun. Makita pa ko ng boss ko. Este dating boss ko. Ayoko din siyang makita at masisira ang araw ko panigurado.
"Samahan na kita sa loob."
"Ehh." Ngumiti ako ng pilit. "Babe, wag na. Malelate ka nyan e. Baka matagalan ako. Marami akong bibilin."
"Okay lang na malate a-."
Hinalikan ko siya sa pisngi ng mabilis. "Una ka na. See you later."
"Sige na nga." Ngumiti rin siya sakin. "Sunduin kita mamaya. Maaga akong mag-aout."
"A e.." Lagot. "Uhm.. Enzo, wag na. Kaya ko naman e. Dapat nga di mo na ko hinatid, tutal may kotse naman ako."
"E kasi po, namimiss ko ihatid ang gf ko. Gusto ko rin siyang sunduin mamaya. Kaya sana pumayag siya."
Napangiti ako dun kahit hirap na hirap na ko mag-isip ng idadahilan. "E kasi po, pagod ang bf ko. Ayoko na dumagdag sa pagod niya."
"Babe. Tinatanggal mo nga ang pagod ko e."
Pano pa ko matatanggi niyan? "Hmm.. Oo na nga." Ngiting-ngiti si Enzo. "Dito mo na lang ako hintayin."
Napakunot ang noo niya. "Huh? May bibilin ka ulit mamaya dito?"
"O-oo.."
"Bakit di mo na lang bilin lahat ngayon para di ka na daddan ulit mamaya?"
"I-ikaw babe marami ka masyado tanong. Sige na, malelate ka na." Kiniss ko siya ulit and this time sa lips na. "I love you. Ingat ka."
"I love you too. See you later."
Hinintay ko na makaalis si Enzo. After 30 mins, nun na ko sumakay ng bus.
Ang hirap talaga magsinungaling kay Enzo. Nakakakonsensya sobra. Pero kahit anong mangyari, di ko talaga sasabihin. Siguro sasabihin ko na lang sa kanya pag may trabaho na ulit ako.
In the end, lahat ng kompanyang inapplyan ko, puro sinasabing tatawagan na lang ako. One week na maghintay, at pag wala pa nun, ibig sabihin hindi ako tanggap.
BINABASA MO ANG
Closer To You - Enrich
Fanfiction"Fate is like a strange, unpopular restaurant filled with odd little waiters who bring you things you never asked for and don't always like.” - Lemony Snicket Enchong Dee as Enzo Garcia Erich Gonzales as Erika Villena This is my second Enrich fan-fi...