Chapter 35

214 2 0
                                    

Chapter 35

These past few days, parang hindi maganda ang aura sa bahay. Pag umaalis at umuuwi si Enzo, napapansin kong hindi na siya makangiti ng maayos. Parang pinipilit niya. Minsan ramdam ko ding may malalim siyang iniisip. Pero ayoko na kasing tanungin siya ng tanungin kasi baka mas lalong bumigat kung ano mang problema niya. Saka siguro naman sasabihin niya sakin kung may dinadala siya. Ganun naman siya dati. Wala siyang itinatago sakin. Miski ako, ayokong naglilihim sa kanya. Hindi katulad ngayon.

Tulad ng dati, mas pinipili naming maghiwalay ng kwarto ni Enzo hanggat maaari. Pero madalas kasing hindi talaga ako makatulog, lalo na kung alam ko namang nasa kabilang kwarto lang siya. Mas nakakatulog kasi ako ng maayos pag katabi ko siya. Sa apartment, si Superman ang kayakap ko sa gabi at nakakatulog naman ako ng mahimbing. Pero syempre iba pag si Enzo. Parang siya ang comfort zone ko.

One night, umulan ng malakas at may kasabay pang malakas na kulog at kidlat. Sa tinitirhan ko dati, kapag ganitong panahon, tatawag ako sa kanya tapos mag-uusap kami over the phone habang nasa ilalim ako ng kumot. Papalakasin niya ang loob ko at lolokohin ako madalas na "Ang laki-laki mo na takot ka pa". E kung takot talaga ko e. Hindi ko na maalis sa sarili ko yun. Bata pa lang ako ganun na ko. Bibiruin nya lang ako ng bibiruin hanggang sa darating ako sa point na inis na inis na ko, and then bigla na niya kong lalambingin. Minsan kinakantahan niya ko. Kahit madalas wala sa tono at pumipiyok na, hindi siya titigil. At ako naman, tatawa lang ng tatawa. Hanggang hindi ko mamamalayan na nakatulog na pala ako.

Mula nang lumipat ako ulit dito sa bahay niya, ngayon lang ulit lumakas ng ganito ang ulan. Past midnight na at di pa ko nakakatulog. Nainis pa ko kasi sumabay pa ang malakas na ulan, e takot nga ako dun. Sinubukan kong magtago sa kumot at halos mapipi na ang mga tenga ko dahil talagang inipit ko pareho ng unan para lang di ko marinig. Pero di talaga effective. Nang di na ko nakatagal, dinala ko ang unan at kumot ko at lumabas ng kwarto. Kumatok ako ng kumatok sa pintuan ng kwarto ni Enzo. Siguro tulog na tulog na siya, pero wala na kasi akong pakialam. Takot na takot na ko. Bahala na kung magagalit siya pag nagising siya.

"Enz..Enzo.." Medyo nanginginig na nga ang boses ko dahil nilalamig na rin ako. Badtrip na ulan. Katok ako ng katok pero di niya ko pinagbubuksan. Himbing na himbing yata ang tulog niya. Wala na kong magagawa. Sumuko na ko at pabalik na sana sa kwarto ko na katapat lang ng kwarto niya, hanggang sa narinig kong bumukas ang pinto.

"Erika."

Napalingon ako sa kanya at nanginginig-nginig."E-Enzo.."

"Bakit di ka pa tulog?!" Parang siyang galit nung nakita niya ko. Sabi na nga ba magagalit siya dahil nagising ko siya e. Pero kahit na ganun, nilapitan niya ko agad at hinawakan ang mga braso ko at hinimas-himas ang mga ito. "Shh.." Nakita kong nag-aalala siya sakin. Inalalayan niya ko papasok ng kwarto niya. "Anong oras na kasi di ka pa natutulog."

Hindi na ko makasagot dahil sa lamig. Nginig na nginig ang mga labi ko.

Iniupo niya ko sa kama niya at saka niya ko iniwan agad para patayin ang aircon. Humiga na ko sa kama at binalot na ang saril ko sa kumot at saka yumakap sa unan na dala ko. Hindi pa rin mawala ang panginginig ko. Wala naman akong lagnat pero nanginginig pa rin ako. Ang lakas pa ng kulog at kidlat. Napapapikit na lang ako dahil sa takot.

Naramdaman kong tumabi sakin si Enzo. "Sa susunod bibili na talaga ko ng heater." Sa loob-loob ko, gusto ko tumawa sa sinabi niya kasi parang siyang inis na inis. Yun nga lang lamig na lamig ako at parang ayaw bumukas ng bibig ko.

"Babe. Okay ka lang ba?" Humiga na si Enzo at naramdaman ko ang paglapit niya sakin. Nakatalikod lang ako sa kanya at nakapikit sa takot ko sa kulog at kidlat. "Humarap ka nga sakin."

Sinunod ko naman siya. Humarap ako kahit nanginginig. Nakita ko talaga ang itsura niya na parang galit pero at the same time naaawa. "Bakit ba di ka pa natutulog? Hatinggabi na."

"D-di k-ko rin alam.. P-pasensya k-ka n-na.." Ang hirap magsalita!

"Tsk, tsk." Hinawakan niya ang pisngi ko. Kumunot ang noo niya. "Ang lamig mo. Tara nga dito."

Lumapit ako sa kanya at yumakap. Niyakap niya din ako at hinimas-himas ang likod ko. "Bukas na bukas din dito ka na matutulog sa ayaw mo at sa gusto."

Gusto ko sanang magdisagree kaso bigla na namang kumulog ng malakas. Napayakap na lang ako ng mahigpit kay Enzo.

"Shh.. Tulog na." Niyakap niya din ako ng mahigpit. Naramdaman ko ding hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko. Hindi ko mapigilang ngumiti.

Paggising ko, hindi ko na katabi si Enzo sa kama. Tiningnan ko ang orasan at nakita kong maaga pa naman. Tumayo ako agad, naghilamos, nagtoothbrush, at saka bumaba. Pagpunta ko ng kusina, nandun na si Enzo at naghahanda na ng breakfast. "Babe.." Napansin ko ring nakaformal suit na siya.

Napalingon siya sakin. "Uy gising ka na pala. Kain ka na."

"Enzo.. Hindi mo na ko dapat pinaghanda. At saka sorry, napasarap ang tulog ko. Dapat ako ang gumagawa niyan."

Lumapit siya sakin at binigyan ako ng coffee. Hinalikan niya ang noo ko. "Yun na nga. Masarap ang tulog mo kaya hindi na kita ginising. Naglalaway ka pa nga e." Natatawa siya.

Pinalo ko siya ng mahina sa dibdib niya. "Uy hindi a!"

Natatawa pa rin siya. "Dapat pala nakuhanan kita ng picture para may ebidensya." Inismiran ko siya. "Ano ka ba babe. Ilang beses na kitang nakakatabi. Pasensya na ngayon ko lang nasabi." Tawa siya ng tawa.

"Kainis ka." Natatawa rin naman ako kahit papano pero pinipilit ko pa ring pigilan.

"I love you too." Ngiting-ngiti si Enzo. Napangiti na rin ako. "Sige na, mauna na ko babe. Kumain ka na." Naglakad na siya papuntang pintuan.

Sinundan ko siya ng tingin. "Ingat ka."

Pagkakain ko, naligo na ko agad at nag-ayos para pumasok. Nagtaxi ako papuntang shop. Nang magbabayad na ko sa driver, napansin kong naiwan ko pala ang phone ko sa bahay. Nawala sa isip ko. Tsk.

From: Enzo

Sunduin kita mamayang lunch dyan sa office. Sabay tayo maglunch, okay? Love you.

- to be continued -

by Leah. June 26, 2013.

Closer To You - EnrichTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon