Chapter 10
- Erika -
Weekend at sinamahan ako ni Enzo magshopping. Or I mean, napilitan lang siya. Wala daw kasi siyang magawa sa bahay niya. Talaga namang wala siyang magagawa dun dahil mag-isa lang siya. Kung bakit ba naman ang laki-laki ng bahay niya e isa lang naman siyang nakatira dun. If I were him, magcocondo na lang ako. Meron naman siya e. Hindi ko rin alam sa lalakeng to kung bakit hindi na lang siya tumuloy dun, e mas malapit sa work niya pati sa coffee shop na pagmamay-ari niya.
"Babe ang tagal naman niyan. Nagugutom na ko."
Kasalukuyan akong naghahanap ng isusuot para sa girls' night out namin nila Yannie bukas. Etong si Enzo, kanina pa reklamo ng reklamo.
"Umuwi ka na nga lang Enzo. Sasama-sama ka sakin puro ka naman reklamo dyan." Sabi ko sa kanya habang naghahagilap ako ng damit.
"Bakit ba kasi ang tagal nyo mamiling mga babae?" Lumapit siya sakin. Nagulat ako na tumitingin na rin siya ng damit sa kinukuhanan ko. May kinuha siyang isa saka ipinakita sakin. "O eto pwede na."
Seriously? Wala ba siyang taste? Ang pangit ng napili niya. Napakaplain. Kinuha ko sa kanya at ibinalik sa pinanggalingan. "Ang plain plain nyan ayoko nyan."
Kumuha ulit siya at ipinakita sakin. "O eto."
Kinuha ko ulit at ibinalik. "Over naman sa design. Yoko nyan." Umismid ako. Nakakainis na siya.
Napasuklay siya sa buhok niya. "Ay ang tagal."
Tinalikuran ko siya. "Ewan ko sayo. Umuwi ka na Enzo. Nakakainis ka na. Maghanap ka ng matinong kakausap sayo." Sa kabila naman ako naghanap ng damit.
"Parang namang maiiwan ko siya." Mahina lang pagkakasabi niya pero narinig ko.
Hinarap ko siya. "Yun naman pala e. E wag ka nang maingay dyan. Umupo ka na lang dun sa tabi. O kaya naman manuod ka ng sine o kahit ano. Ayun ang timezone. Maglaro ka. Enjoy yourself!"
"Ayoko nga. Baka may kung sino pang pumorma sayo." Tumingin siya sa may bandang men's wear, katabi lang ng ladies' wear. "Tingnan mo nga yun, kanina pa tingin ng tingin sayo e nakita namang kasama boyfriend mo."
Tiningnan ko yung tinitingnan niya. Nakatingin nga sakin. Nung nagtama mga mata namin, biglang umalis. Problema nun?
Hinarap ko ulit si Enzo pagkatapos. Yung itsura nya parang nalugi. Natawa ko ng bahagya. "Baka naman akala kapatid kita."
Nanlaki mata niya. "Kapatid?! Erika!"
"O binibiro lang naman kita. Masyado kang seryoso dyan." I giggled.
Lumapit ako sa kanya at hinalikan ang pisngi niya. "Sige na gala ka muna sa labas. Text na lang kita okay?"
"Ayoko."
"Enzo.."
"Basta. Ayoko." He kissed the tip of my nose.
"Fine. Pero pag narinig pa kita dyang nag-aalburuto, iiwan kita dito."
"Yes maam!" Sumaludo pa siya. I laughed.
Binalik ko na ang atensyon ko sa ginagawa ko. After 10 minutes nakahanap na rin ako. Pinapalitan ko na lang sa saleslady. Hihintayin na lang namin. Umupo kami ni Enzo sa may upuang mahaba sa tabi ng fitting room. Bigla nya kong inakbayan tapos parang inaamoy-amoy niya yung buhok ko.
"H-Huy E-Enzo. Tumigil ka nga. D-daming tao o." Parang akong namumula sa hiya.
Tinigil niya ang ginagawa niya tapos inalis na niya pagkakaakbay sakin. "Oh. I'm sorry."
BINABASA MO ANG
Closer To You - Enrich
Fanfiction"Fate is like a strange, unpopular restaurant filled with odd little waiters who bring you things you never asked for and don't always like.” - Lemony Snicket Enchong Dee as Enzo Garcia Erich Gonzales as Erika Villena This is my second Enrich fan-fi...