Chapter 21

322 2 0
                                    

Chapter 21

- Erika -

"Good morning babe."

I'm on my way to work. Araw-araw, tumatawag si Enzo sakin tuwing umaga bago ko pumasok. Kahit 9am ang pasok nya at ako naman, 8am, gumigising siya ng maaga para makausap ako.

"Good morning." I told him. "Papunta na kong office."

"I see." I could tell he's smiling. "Nagbreakfast ka?" Lagi nya yang tinatanong. Ayaw na ayaw niyang umaalis ako na hindi nag-aagahan. Ako lang tong pasaway. Wala kasi talaga kong gana kapag umaga.

"A e.."

"Erika."

"Babe naman.. Wala talaga akong gana." I frowned. Araw-araw na lang din kasing iyan lagi ang pinagtatalunan namin.

"Kung may kasabay ka, makakakain ka na?" He's teasing me, I know.

Naisip ko siyang bolahin. "Hmm.. Oo naman." I'm smiling widely. At saka totoo naman na kapag may kasabay ako, nakakakain ako ng mabuti.

"Hmm..we'll see about that." I could tell he's grinning. "I'll see you later, babe." Then he hung up.

At talagang pinagbabaan ako? Nainis ako ng kaunti. Ayoko sa lahat yung binababaan nya ko. Tapos hindi man lang siya sweet ngayon. Hindi maipinta ang mukha ko nang naglakad ako paakyat ng building.

Pagdating ko, may mga nakapansin agad na hindi maganda ang mood ko. Umupo ako sa upuan ko at inayos ang table ko. Marami na namang papers. At hindi ko naman maiwasang makita ang picture namin ni Enzo na nakapatong sa table ko. Agad-agad kong binaba.

"Erika, bakit naman ganyan ang itsura mo? Ganda-ganda ng umaga o."

Umupo na ko. "A e..wala lang." Hindi naman kasi ako mapagkwento tungkol samin ni Enzo. Alangan namang sabihin kong pinag-awayan namin yung di ko pagkain ng agahan. Sabihin pa nakababaw ko. Which is totoo naman.

"O eto. Kainin mo." Inabutan nya ko ng cheesecake and coffee.

Nagtaka ko bigla. Hindi naman ako binibigyan nito ng kahit ano e. Matagal na kaming magkasama sa trabaho pero never pa nya kong inalok ng almusal. Ever.

"Thanks..but no thanks. Wala talaga kong gana. Pero wow ha. Anong nakain mo te?" Ngiting-ngiti ako sa kanya.

She laughed. "Kami ang dapat magthank you sayo."

Nagtaka ko. "H-Ha?"

Hinila niya ko patayo. At tinuro niya yung iba naming officemates sa unit namin. Lahat sila may cheesecake and coffee sa table nila.

I looked at her. "Nagpakain ba si boss?"

She chuckled. "Boss ka dyan. Baka boyfriend mo."

Whaaaaat? "Boyfriend ko?!"

Tumango siya. "Oo. Si Enzo. Pinadeliver niya daw dito yan sabi nung nagdala."

My heart skipped a beat. Natuwa ako. Napangiti ako sa kanya. Umupo agad ako sa table ko at kinuha agad ang phone ko para tawagan si Enzo. May text pala siya sakin.

From: Enzo

Enjoy your breakfast:) I love you.

I smiled and texted him.

To: Enzo

Hindi mo na kailangang gawin to..but thanks. See you later. :) I love you more.

I couldn't stop smiling. Umpisa pa lang ng araw ko pero pakiramdam ko kumpleto na.

Closer To You - EnrichTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon