Final Chapter

261 6 1
                                    

Final Chapter

Tuwang-tuwa ako nang nakita ko si Enzo na natutulog sa kama ko. Hindi ko maipaliwanag ang saya at naiiyak ako. Siguro kaya naiiyak ang tao sa saya, kasi hindi na niya maexplain kung bakit ganun na lang siya kasaya. Words aren't enough para maintindihan ng iba ang nararamdaman ko ngayon.

Unti-unti akong lumapit kay Enzo at tumabi sa kanya sa kama. I looked at him...traced every part of his face. Napakaswerte ko nga siguro talaga sa lalakeng to. Sa dami ng pwedeng mahalin, ako pa. Ako, na kababata niya. Ako, na lagi namang unang naggigive-up saming dalawa kapag may problema. Ako, na sakit ng ulo. Ako, na lagi siyang sinusungitan. Ako..na kahit kailan never na humiling na ibigay sakin ang taong katulad ni Enzo, na mamahalin ako ng ganito at mamahalin ko din ng sobra..pero eto siya sa harap ko.

"Enzo.." Tears of joy fell from my eyes. Inalis ko ang pagkakayakap ni Enzo kay Superman at inilagay ko na lang yun sa likod ko. Ginawa kong substitute ang sarili ko para ako naman ang kayakap ni Enzo. Yumakap ako sa kanya at umiyak sa dibdib niya. I can't stop myself from crying dahil sa pagkaoverwhelm ko na mahal ako ni Enzo at hindi niya ko iiwan. Pumunta siya dito sa apartment kasi akala niya siguro nandito ako. Na makikita niya ako dito at magkakausap kami. Binigyan niya rin ako ng space para makapag-isip. Kung alam lang niya na dahil sa space na yun na namagitan samin mula kagabi, lalo kong narealize sa sarili ko kung gaano ko siya kamahal.

Ilang sandali lang, naramdaman kong gumalaw si Enzo. Iyak pa rin ako ng iyak sa kanya. Naramdaman ko na din na unti-unti niya kong ihinaharap sa kanya. Nagulat siya na at the same time natuwa..pero nang napansin niyang umiiyak ako, alam kong nag-alala siya. "Erika.."

"Enzo.. Enzo I'm sorry."

Pinunasan niya ang luha ko at niyakap ulit agad ako. "Sorry babe.. sorry.."

Niyakap ko siya ng mahigpit. "Hindi na ko aalis ulit. Sorry.. Mahal na mahal kita Enzo.."

"Shh.. Mahal na mahal din kita. Sobra."

Hindi na kami nagsalita mula noon. Alam kong alam na namin sa isa't isa kung anong gusto naming sabihin. Sapat nang yakap-yakap ko siya at yakap niya ako. Hindi na kailangan ng explanation. Maybe that's love after all. Kahit ano pang mangyari, love will always be on top. Mangingibabaw lagi yung pagmamahal namin sa isa't isa.

In just a month, we planned na ganapin ang kasal namin ni Enzo sa beach. Mabilis lang na preparation kasi etong si Enzo, hindi na daw makapaghintay na pakasalan ako. Syempre ako din naman excited na. Sino ba naman ang di maexcite na ikasal sa taong mahal na mahal mo? Haay. I'm the luckiest girl in the world.

Naisipan ni Enzo na ayain ako magpicnic ng gabi sa may seashore under the moonlight, the night before our wedding. Very romantic, I guess. Natatawa nga ako sa kanya kasi ang dami niyang dalang pagkain. Malapit lang naman dito yung hotel na tinutuluyan namin.

Nakahiga ako sa braso ni Enzo at hinhimas-himas niya ang buhok ko. Kain naman ako ng kain ng snacks na dala niya. Pinagtatawanan nga ako kasi daw nakahiga pero kain ng kain. Buti daw hindi ako nabubulunan. "Sige lang kain ng kain." Natatawa siya sa sinasabi niya. "May mga prutas pa dyan sa basket. Pag kulang pa kumuha ka lang."

"Grabe naman to. Anong akala mo sakin, unggoy?"

Natawa siya sakin. "Hindi naman babe. E kasi..dalawa na kayo."

D-dalawa??? Ibig sabihin..

Tumingala ako agad sa kanya at tumingin naman siya sakin. Natatawa talaga siya at kinurot ang pisngi ko. "Ang cute cute ni mommy!"

Namula ang pisngi ko. "H-ha? P-pano mo nalaman?"

"E kasi, kung gusto mong itago, sana hindi mo itinapon sa basurahan. Dapat sa dagat." Tawa siya ng tawa.

"Nakakainis. Dapat bukas ko sasabihin sa reception." Niyakap ko siya. "Nakakainis ka." Pero hindi ko na din mapigilan ang ngiti ko.

"Wag ka na mainis. Kung alam mo lang kung gano ako sumaya."

Niyakap ko pa siya ng mahigpit. "Masaya din ako. Masayang-masaya. Sana maging mabuti tayong mga magulang."

"Oo naman. Kaw pa." Hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko.

"Hmm.." Ang sarap ng pakiramdam ko.

"Erika."

Tumingala ako sa kanya. "Enzo."

He kissed me quick and tell those words that I love to hear. "I love you."

Ngumiti ako sa kanya at niyakap ko ulit siya. "I love you more."

And that night, we fell asleep in each other's arms under the moonlight. 

- the end -

Author's Note:

Maraming maraming salamat po for reading this story. And sa pagbabasa din ng ongoing stories for Enrich. Wag kayong mag-alala wala akong balak tumigil kahit madalas na kong mabagal mag-update. :D Pasensya na talaga at inaabot ng matagal. Pipilitin ko talaga. :)

Salamat din dahil lagi tayong nakasuporta sa Enrich kahit kanino pa sila itambal. Wag lang tayong mawawalan ng pag-asa. :) Babalik at babalik din sila. :) Enrich to infinity and beyond! :) 

by Leah. June 30, 2013.

Closer To You - EnrichTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon