Chapter 17

323 1 2
                                    

Chapter 17

[Music: Last Kiss, Taylor Swift]

- Erika -

“Nasaan ka?”

Enzo called me. Nasa bahay ako nila Yannie dahil birthday ng isa naming kaibigan na doon ginanap ang celebration. Ang ingay-ingay sa loob kaya lumabas muna ko sandali.

“Babe, sensya na di na ko nakatext ha? Tumuloy na kasi ako dito pagkagaling ko sa work.”

“Isang simpleng text lang Erika. Kung nasaan ka. Hindi pa tatagal ng isang minuto yun.”

“I’m sorry. Promise hindi na mauulit.”

“Lagi mo yang sinasabi pero lagi mo pa ring ginagawa.”

“Enzo, look. I’m sorry, okay? At saka bakit ba galit na galit ka? Don’t tell me, pag-aawayan natin tong napakaliit na bagay na to. I said I’m sorry. And I mean it, and you know that.” I’m getting pissed.

“Nag-aalala lang naman ako.”

“Enzo. Alam ko yun. And I’m really sorry. Pero please naman ayoko nang gawin tong malaking issue. Enzo if it makes you happy, uuwi na ko.”

“No.”

Seriously? “Enzo I don’t get you. Ano ba talaga?”

“Hindi ko sinabing umuwi ka. Ang sinabi ko lang sana nagtext ka man lang.”

“Okay. Wait.”

I put the call on hold and typed, “I’m here at Yannie’s.” Sinend ko agad kay Enzo, at bumalik sa usapan namin pagkatapos.

“Ano Enzo? Nareceive mo na?” I waited for his reply.

“Erika.” Nagbuntung-hininga siya. Rinig na rinig ko sa kabilang linya. Hindi na siya nagsalita pagkatapos nun. Natahimik ako, hanggang narinig kong inend na niya yung call.

Tiningnan ko ang phone ko para siguraduhing tapos na talaga ang usapan namin. Tiningnan ko yung wallpaper ko. Picture naming dalawa na kuha nung nagbeach kami last time. I’m smiling and he’s kissing my cheek.

Bumigat ang pakiramdam ko. Panibagong away na naman namin ni Enzo. Madalas naman kami mag-away dati, pero these past few days, parang ibang-iba na. Kung kailan dapat mas matatag kami, dahil sa mga nangyayari. Naging baligtad lahat.

Mahal na mahal ko siya. Hindi naman nagbabago yun. Pero sa tuwing naiisip ko si Aly at ang lolo niya, nacoconfuse ako lagi. At naiinis ako sa sarili ko kung bakit naguguluhan ko, imbis na dapat magfocus ako sa relationship namin ni Enzo para hindi nila kami maapektuhan.

Saka yung mood swings ko, alam kong nagsimula yun mula nung lagi akong tinetext ng lolo niya. Yes. Every single day. At ayoko nang sabihin pa o maalala yung mga sinasabi niya sakin. Gusto ko na lang kalimutan.

Ayokong idamay si Enzo sa mga nararamdaman ko, pero hindi ko mapigilan. Pag nakikita ko siya, naaalala ko yung lolo niya at yung mga masasakit na salitang sinasabi niya sakin.

I love him. Pero bakit pakiramdam ko hindi sapat yung pagmamahal na yun para maalagaan ko yung relasyon namin? Ang dami kasing hadlang. Ang hirap pala pag may mga tutol sa pagmamahalan niyo. Ang hirap kumilos. Ang hirap magpanggap na walang nangyayari.

But I’m still here. Because I just can’t let him go. I can’t let Enzo leave me. Because I love him so much.

Pero eto na naman at nag-aaway kami. Or I mean ako naman ang nagsimula ng lahat ng to. I should see him. Now.

Bumalik ako sa loob ng bahay at hinanap sila Yannie. Nang nakita ko sila, lumapit agad ako. “Yan, I have to go.”

Kumunot ang noo niya. “O bakit? Kakarating mo lang aalis ka na?”

Closer To You - EnrichTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon