Chapter 16

335 4 3
                                    

A/N: I Believe ang napili kong OST sa chapter na to. Favorite ko talaga My Sassy Girl ever since. :) I hope you enjoy this chapter. Thank you sa lahat ng nagbabasa. Walang hanggang pasasalamat. :) #Enrich <3

---

Chapter 16

- Erika -

"Enzo.."

Hindi niya ko tinitingnan. Hawak lang niya ang kamay ko at nakatingin sa lolo niya.

Di ko alam kung anong gagawin. Tumingin na ko sa lolo niya. Ang lalim ng tingin niya sakin. If looks could kill, I'm already dead by now.

Inilipat ko din ang tingin ko kay Aly. Nagkatinginan kami. Parang siyang gulat. Pero kahit ganun, mukha namang inexpect niya na din na darating kami sa point na to. Ngumiti siya sakin, pero alam ko namang pinilit niya lang yun.

"H-hello po." Kinakabahan ako. Kaharap ko ngayon ang mga hadlang samin ni Enzo. Parang akong napako sa kinatatayuan ko.

"Enzo, alam ba niya?"

Napatingin ako sa lolo niya. Tiningnan ko rin si Enzo. Straight lang siya na nakatingin sa kaniya.

"Yes, Lo. Alam na niya."

Tumingin ulit sakin ang lolo niya. "Good."

Hindi ko alam kung anong ibig sabihin nya dun.

"So Enzo, may pupuntahan tayo. Ako na ang sumundo dito kay Aly. Dinaanan ka na namin dito."

Napabuntung-hininga si Enzo. "Lo, I'm with my girlfriend."

"At andito ang fiance mo." Galit ang mga mata ng lolo niya.

"Lo, please. Wag dito. Wag sa harap ni Erika."

"Why not? Akala ko ba alam niya?"

"Lo.."

Tumingin sakin ang lolo ni Enzo. "Erika, is it okay?"

I flinched. Naramdaman yun ni Enzo. Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko.

"A..uhm.." Parang malalaglag ang puso ko sa kaba. Ang talim ng tingin sakin ng lolo niya.

"Babe let's go." Inaya niya na ko palabas.

"Enzo.." Tumingin ako sa lolo niya. Halatang naiinis siya. Tumingin din ako kay Aly. Nakita kong malungkot siya.

"Erika I said let's go!" Napatingin ako kay Enzo. Yung mga mata niyang nakatingin sakin parang galit na galit. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Umalis siya agad pagkatapos. Iniwan niya ko dun.

Binalik ko ang tingin ko kila Aly. "I'm..I'm sorry." Saka ako sumunod kay Enzo.

Ang bilis niya maglakad. Padabog niya pang sinara yung pinto. Nagdire-diretso siya sa kotse. Sumakay na siya at hindi man lang niya ko pinagbuksan tulad ng lagi niyang ginagawa.

Sumakay ako na tuliro. Parang akong namental block sa mga nangyari. Sa loob ng ilang minuto, sabay ko pang nakaharap ang lolo niya at si Aly.

Pagkalagay ko ng seatbelt, pinaandar agad ni Enzo yung sasakyan. Tiningnan ko siya, inis na inis pa rin siya. Hindi niya man lang ako kinakausap sa buong biyahe.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Halu-halo kasi. Kaba, gulat..takot. Balisang-balisa ako.

---

Lumagpas si Enzo sa kanto papunta sa apartment ko. Napatingin ako sa kaniya.

This time hindi na siya inis. Pero walang reaksyon ang mukha niya. "Sa bahay ko tayo uuwi."

Hindi na ko nagsalita. Kahit naman yata tumanggi ako, wala akong magagawa.

Closer To You - EnrichTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon