Chapter 8

402 1 4
                                    

Chapter 8

- Erika -

Nagkayayaan kami nila Yannie na magbeach dahil nga ang tagal na rin naming hindi nagkikita-kita. Sinama ko si Enzo, at sinama rin nila kung sino man gusto nilang isama.

Hindi ako sanay lumangoy. Nakakahiya mang aminin pero yun talaga ang totoo. Kanina pa ko kinukulit ni Enzo pero hindi talaga ko pumapayag na lumusong sa malalim. Hanggang sa mababaw lang ako.

"Ayoko!!"

"Alam mo ang arte-arte mo! Sinabi nang madali lang! Akong bahala sayo!"

"E ayoko nga sinabi!"

Lumapit siya sakin at hinila ang kamay ko.

"Enzo ano ba?! Nakakainis ka na ha! Bitawan mo nga ako!"

Patuloy pa rin siya sa paghila sakin!

"Enzo! Would you please stop it?! Isang hila mo pa iiwanan na kita!"

Huminto siya at humarap sakin.

"Hindi mo magagawa yan." Seryoso siyang nakatingin sakin.

I frowned. "At pano ka naman nakakasigurado ha?"

"Simple lang." Hinalikan nya ang pisngi ko saka ako hinarap na ngiting ngiti. "Kasi mahal mo ko."

I rolled my eyes. "Enzo wag mo kong daanin sa ganyan. Hindi na ko natutuwa."

He chuckled. "Kasi naman babe, tuturuan na nga kita ikaw pa maarte diyan. Tara na kasi."

"Pero kasi.." Napakamot ako sa batok ko.

"Wag kang matakot. Kasama mo naman ako e. Champion swimmer yata to nung college!" He grinned.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. "Yabang."

Pero teka, champion swimmer?!

Tumingin ako sa kanya na medyo gulat sa sinabi niya. "Te-teka, anong champion swimmer ka dyan?"

Ngumiti lang siya ng nakakaloko.

"At bakit ngayon ko lang nalaman yan ha?"

He smirked. "E ngayon alam mo na." Kinurot niya magkabilang pisngi ko.

Nakakahiya. Si Enzo, pinanlalaban pa sa swimming, samantalang ako, ni hindi marunong lumangoy! Nakakahiya talaga!

Pero natatakot naman talaga kasi ako sa tubig. Takot ko lang malunod. Bata pa lang ako, yun na pinakaiiwas-iwasan ko.

Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko. "Babe tara na."

Umiling ako. "Ayoko, Enzo."

"Erika." Naiinis na yan panigurado.

Umiling pa rin ako. Kahit anong pilit niya, pakiramdam ko hindi ko pa rin talaga kaya.

Huminga siya ng malalim. "Haay babe.."

"I'm sorry." Yumuko ako.

"Don't you trust me?"

Inangat ko ang ulo ko. "No, babe. I do trust you. Pero ewan ko ba.. Basta."

"Babe.. Kailangan mo kasi to e. Pano kung isang araw-"

"Enzo, simple lang yun." Siningitan ko siya sa pagsasalita niya. "Ade hindi ako lulusong." I smiled widely.

He smiled. "Kahit kelan galing mo talagang magdahilan no?"

"Syempre!" Niyakap ko ang bewang niya.

"Babe."

"Babe." Ngiting-ngiti akong inulit ang sinabi niya.

He rubbed his nose to mine. "Alam mo isang araw pagsisisihan mo ding yang pag-ayaw ayaw mo na yan."

Closer To You - EnrichTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon