Author's Note
Namumuro na ba ko sa author's note? Haha. Gusto ko lang magpaliwanag. :) Lalo na sa silent readers. Kasi sa web lang makikita yung cast. Sa phone hindi.
Si Maja Salvador si Yannie, then si Xian Lim si Kevin. So ayan. :) First chapter pa lang nitong Closer To You, sila na talaga yun. :)
P.S. Missing Enrich. :)
---
Chapter 14
- Enzo -
Ilang linggo na mula nang nakipaghiwalay sakin si Erika.
Sa lahat ng bagay, naiisip ko siya. Gustung-gusto ko siyang puntahan sa bahay nila para makausap siya, pero di ko naman magawa. Iniisip ko kasing baka galit siya sakin at baka gusto niya pa ng space. Ibibigay ko sa kanya yun.
Hindi ko na sinasagot ang mga tawag ni Lolo. Hindi ako nagpapakita sa kanya. Hindi ako nakikipagkita kay Aly. Si Erika lang ang iniisip ko.
Nagkasalubong kami isang araw. Kung nakakamatay lang ang tingin, malamang namatay na si Erika. Tinitigan ko lang kasi siya nun. Miss na miss ko na siya. Gusto ko na siyang yakapin nun kung alam niya lang. Gusto kong hawakan ang kamay niya. Gusto kong marinig ang boses niya. Gusto kong marinig siyang tawagin ako.
I just want to hold her hand. Kahit mahawakan ko lang ang kamay niya, sapat na.
---
Nasa coffee shop lang ako at nakaupo sa table malapit sa cashier. Balisang balisa pa rin ako hanggang ngayon. Kanina ko pa tinitingnan ang pictures ni Erika sa phone ko. Este oras-oras yata. Picture nya wallpaper ko. Ang ganda ng ngiti niya dun. Sana makita ko ulit yun.
"Babe.." Hindi ko napigilan ang sarili ko. Nasabi ko pa tuloy. Miss na miss ko na kasi talaga siya.
"Babe.." Nagulat ako nang may nagsalita. Tumalikod ako at nakita kong si Kevin pala.
Laki ng ngiti niya.
"Hoy kung wala kang gagawing maganda umalis ka na sa shop ko."
Umupo siya sa tabi ko. "Bro, napakainit naman ng ulo mo. Chill!"
"I don't have time for your stupid jokes."
"Tsk tsk. Enzo, ilang linggo ka nang ganyan! Why don't you just go to her and tell her that you want her back? End of story."
Binaba ko ang phone ko at uminom ng kape. "Parang namang madali yun. Galit siya sakin."
"Pano kung hindi na siya galit? Pano kung hinihintay ka lang niya? Sa dami ng babae mong pinagdaanan, hindi ka pa nasanay?!"
Tumingin ako sa kanya. "My Erika's different."
"Ooh. My Erika." He smiled widely. "Teka pare mukang nakakalimutan mo. She's not yours anymore, by the way."
I looked away. "Alam ko."
Tinapik niya ang balikat ko. "Pare gusto mo ba talaga siyang makausap?"
Hinarap ko siya. "Oo naman. Sobra."
"Bakit di mo kausapin yung kaibigan niya? Yung si.. Ano kasi pangalan nun? Yami? Yami ba yun?"
Hinarap ko siya. "Yannie."
"A..Yannie." Natawa siya. "Sorry I'm not good with names." He cleared his throat. "So ayun nga Enzo. Kausapin mo. Magmakaawa ka na tulungan ka. Baka yun na lang ang alas mo."
Napaisip ako. May point din siya.
Tinawagan ko agad si Yannie. Pumayag naman siya. Nalulungkot din daw kasi siya na naghiwalay kami. Akala daw kasi niya kami na ang magkakatuluyan. At nakikita niyang malungkot at matamlay lagi si Erika mula nang naghiwalay kami.
BINABASA MO ANG
Closer To You - Enrich
Fanfiction"Fate is like a strange, unpopular restaurant filled with odd little waiters who bring you things you never asked for and don't always like.” - Lemony Snicket Enchong Dee as Enzo Garcia Erich Gonzales as Erika Villena This is my second Enrich fan-fi...