Chapter 26
- Erika -
He kissed me with so much love and I kissed him passionately in return. Ang alam ko lang, ngayon na lang ulit ako naging ganito kasaya. At hindi ko to pinagsisisihan. Kung hindi siguro ako bumaba ng taxi, nasa bahay ako ngayon at pinapatay ang sarili kakaiyak. At masaya ako sa desisyon ko na bumalik kay Enzo.
"I've missed you.." Sabi niya nung bumitaw siya. Pinatong niya ang noo niya sa noo ko.
"Enzo.." I kissed him again. Hindi ko binubuksan ang mga mata ko. I want to feel this moment. "Wag mo na ulit gagawin yun. Wag ka na ulit mawawala bigla. Wag mo na ulit ako iiwan."
He rubbed his nose against mine. "Hinding-hindi na."
"Good." Binuksan ko na ang mga mata ko. Nakatingin pala siya sakin. Ngumiti ako sa kanya. Ang saya-saya ko. At ramdam ko ding masaya siya.
"I love you."
Ang tagal ko ding hindi narinig yun. Sobrang gaan sa pakiramdam na marinig mula sa kaniya na mahal niya ko.
"I love you Enzo."
Ngumiti siya at niyakap niya ulit ako. "Ang tagal kong hinintay to. Erika..I'm so glad you're here."
Hinarap ko siya habang nakayakap pa rin ako sa kanya. "I am, too."
Ngumiti siya. "Please stay. Just for tonight."
I frowned at him. "Malamang. Saan pa ko sasakay sa oras na to? Delikado na kaya." Pinipigilan ko ang tawa ko.
Pinisil niya ang ilong ko. "Nagdahilan ka pa. Gusto mo rin naman ako makasama." Lawak ng ngiti niya.
"Don't be so sure." I teased him.
"Sure or not, hindi rin naman kita papauwiin talaga." Tinitigan nya ko at pakiramdam ko matutunaw ako. Sobrang tagal kong hindi to naramdaman. Wala nang mas sasaya pa sa araw na to. Hinawakan niya ang pisngi ko. "I've really missed you."
"B-babe.." My voice broke. Naiiyak na naman ako. Sa saya. Hindi ko kasi inakalang magagawa pa namin tong dalawa. Akala ko matatapos na ang lahat samin ni Enzo.
Pinunasan niya ang luha ko. "Shh..tama na. Ayoko sinabing nakikita kang umiiyak e."
"E masaya naman ako kaya ako umiiyak. Masaya ko na nandito ka na ulit. Na yakap kita ngayon. Na okay na ulit tayo."
He smiled. "Ako rin." Nilapit niya ulit ang mukha niya sakin. "I love you." Hinalikan niya ko agad. "I love you.." He kissed me quick for how many times, and he said 'I love you' in between those kisses.
Sobrang namiss ko siya...
Naputol ang ginagawa niya nang tumunog bigla ang phone niya. "Istorbo." Natawa kami pareho. Kinuha niya ang phone niya at tiningnan kung sinong tumatawag. Napangiti siya. Sino kaya yun?
Sinagot na niya at inakbayan niya ko. Nilagay na niya sa tapat ng tainga niya yung phone niya at nilapit niya ko sa kanya para magkadikit pa rin kami. Niyakap ko siya at idinikit ko ang pisngi ko sa dibdib niya. Haay. Ang sarap ng ganitong feeling.
"Kevin."
Si Kevin pala ang tumawag sa kanya. Napatingala ako sa kanya habang yakap ko siya. Baka sabihin niya kay Kevin na kasama niya ko. Ayoko. Kailangan naming maging maingat. Kahit na sa mga kaibigan namin, kailangan naming pagtakpan ang relasyon namin.. Sa tingin ko yun ang tamang gawin sa ngayon.
Pag may nakaalam kahit isa, butas agad yun. Papasa-pasa na hanggang marami nang makaalam. Hanggang umabot kay Aly. Ayoko. Ayokong mahirapan kami. Ayokong magkahiwalay kami. Ayoko. Ayoko na.
BINABASA MO ANG
Closer To You - Enrich
Fanfiction"Fate is like a strange, unpopular restaurant filled with odd little waiters who bring you things you never asked for and don't always like.” - Lemony Snicket Enchong Dee as Enzo Garcia Erich Gonzales as Erika Villena This is my second Enrich fan-fi...