Chapter 11: Goodbye, Enzo.

387 4 2
                                    

Chapter 11: Goodbye, Enzo.

- Erika -

Something's really wrong.

Ilang araw na kong naguguluhan kay Enzo. Parang siyang laging balisa. Laging pagod. Laging mainit ang ulo. At ang pinakamalala dyan, parang wala na siyang panahon para sakin.

Hindi naman sa napakamakasarili kong girlfriend, at gusto kong ibuhos nya sakin ang oras niya, pero hindi naman kasi dating ganun. At saka ang nakapagtataka, bigla-bigla.

Kahit sino naman sa isang relasyon, magtataka rin. Wala naman sigurong mali sakin kung anu-ano na lang ang pumapasok sa isip ko. Nabibigla lang kasi ako sa mga ikinikilos niya.

At isa pa, ayokong isipin na.. A..ayoko. Di ako handa. Or I mean, hindi ko kaya. Ayokong mangyari. Wag naman sana. Hindi naman siguro. Hindi.

Sinabi niya saking hindi niya ko iiwan. Nangako siya.

Pero..promises can be broken. No. Wag sakin. Wag naman samin ni Enzo. Hindi kaya ng sistema ko.

Wala naman akong ginawa sigurong hindi nya magugustuhan. Alam ko naman yun. Pero what if..nagsasawa na siya sakin?

Eto na ba yun? Hanggang dito na lang ba kami?

---

Tinawagan ko si Enzo. Gusto ko sana siya ayain sa labas mamayang dinner. Gusto ko sana linawin yung mga nangyayari samin. Baka may explanation sa lahat ng to. Kailangan sa isang relasyon may tiwala, at ibibigay ko sa kanya yun. Kung ano man ang dahilan niya, iintindihin ko, pero sana..wag dahil sa mga naisip kong baka ayaw na niya sakin.

Isipin ko pa lang, sumisikip na ang dibdib ko.

Ang bilis niyang sinagot ang phone niya. "Hi." Parang walang gana yung boses niya.

"Babe? Musta ka?" Pinilit kong maging masaya yung tono ng pananalita ko. "Busy ka ba ngayon? Tara kain tayo mamaya sa labas. Treat ko."

Ang tagal niyang sumagot. Narinig ko na lang siya sa kabilang linya na nagbuntong-hininga. "Okay."

"A..a sige. So sunduin mo na lang ako dito?" Di ko alam kung bakit ko tinatanong to pero sa tingin ko kailangan sa oras nato. Lagi naman niya talaga kasi akong sinusundo.

"Sige."

Napakatipid niya. Ang cold niya sakin. Ano bang nagawa ko? I swear hindi ko alam. Nahihirapan akong ganito kami.

"Uhm.." Parang nauubusan ako ng sasabihin dahil sa maiikling sagot niya. "Mga 7pm na lang? A..a..I'll see you later."

Di siya sumasagot.

Ako na lang ulit ang nagsalita. "Babe ingat ka. Love you."

Hindi na siya nagsalita pagkatapos nun. Nanginginig kong pinatay ang phone ko. Parang mangingilid na ang luha ko pero pinigilan ko.

Bakit Enzo? Bakit? What have I done? I didn't deserve this.

---

By 5:30pm, nag-out na ko. Gusto ko kasing mas maaga ako kaysa kay Enzo. Gusto ko madatnan niya ko agad sa parking lot, kesa siya pa ang maghihintay sakin. Ngayon pa, na parang ang gulu-gulo ng lahat.

Nag6pm at wala pa siya. Inisip ko baka nun pa lang siya pupunta. Naghintay ako.

7pm. Hindi pa rin siya dumarating. Medyo nag-alala ko. Tinawagan ko siya, pero di niya sinasagot. Baka natraffic. Naisip ko na lang baka nasa bag niya phone niya kaya di niya masyado marinig.

8pm. Wala pa rin. Nilalamok na ko, pero hindi ako umalis.

Patuloy ko siyang tinatawagan, pero hindi siya sumasagot.

Closer To You - EnrichTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon