Chapter 19

337 4 1
                                    

Chapter 19

- Erika -

Pakiramdam ko ang haba ng byahe. Iyak lang ako ng iyak sa kotse habang nagdadrive. Napakaswerte ko na at hindi ako naaksidente.

Pagdating ko ng bahay, ibinaba ko na lang ang bag ko at umupo sa sala. Dun na ko umiyak ng umiyak. Hindi ko na yata kayang umakyat pa sa kwarto ko. Kahit medyo nagiging hindi na komportable yung dress na suot ko, hindi ko na kayang magpalit ng damit.

I curled up in the sofa. Nakahawak lang ako sa dibdib ko dahil hirap na hirap ako huminga dahil sa pag-iyak.

Mas malala to kesa nung nagbreak kami dati ni Enzo. Dati kasi, gulung-gulo kami pareho sa isa't isa kaya kami nagkahiwalay, pero ngayon, masaya naman kami kanina bago dumating ang oras na yun.

At ang sakit-sakit.

Ang hilig ko talagang sinasaktan ang sarili ko. Ngayon ko narealize kung gaano ko kamasokista.

At ngayon ko napagtanto na kung mahirap ang sitwasyon namin ni Enzo dahil sa lolo niya at kay Aly, mas mahirap pala na hindi ko na siya makakasama kahit kailan. Hindi ko na maririnig yung mga pang-iinis niya sakin, na babawian niya ng mga sweet na salita pagkatapos. Hindi ko na mararanasan yung lagi niya kong susunduin at ihahatid sa bahay kahit pagod na pagod siya dahil gusto niya kong makita. Hindi ko na siya mayayakap.

Wala nang mag-aalaga sakin pag may sakit ako. Wala nang magpapaganda ng mood ko. Wala na lahat. Pakiramdam ko tuloy, walang-wala na rin ako.

Napakatanga ko para gawin yun pero alam ko namang para kay Enzo yun. Ayokong magsisi. Pero why do I feel like this? Gusto kong balikan siya at bawiin lahat ng sinabi ko.

Ngayon pa lang miss na miss ko na siya. Paano na lang ako sa mga susunod na araw? Hindi ko maimagine ang isang araw na lilipas na wala si Enzo sa buhay ko.

Ang hirap. Hindi tumitigil ang mga luha ko.

Nagulat na lang ako nang may kumatok sa pinto. Ayoko sanang pagbuksan, pero naisip ko baka yung nagpapaupa ng apartment. Pinunasan ko agad ang mga luha ko pero magang-maga pa rin ang mga mata ko.

Binuksan ko ang pinto, at laking gulat ko nang malaman kung sino ang tumambad sakin.

Walang iba kundi si Enzo.

Suot pa rin niya yung formal suit na suot niya kanina sa party. Nakangiti siya sakin.

Nanlaki ang mga mata ko nung nakita ang reaksyon niya. Anong ginagawa niya dito? At bakit siya nakangiti?

"Babe.." Nakangiti talaga siya.

"En-Enzo.." My voice was still rough dahil sa pag-iyak ko kanina.

Nilagpasan niya ko at pumasok ng bahay. "O bakit hindi ka pa natutulog? Gabing-gabi na a."

Sinundan ko siya ng tingin. "A-Anong ginagawa mo d-dito?"

Umupo siya sa sofa. "May beer ka ba dyan? Tara babe! Inom tayo!"

I frowned. "What are you doing?!"

Tumingin lang siya sakin. Nakaupo siya habang ako, nakatayo sa harap niya, pero medyo malayo pa ko sa pwesto niya.

"Because you're here."

Those three words hit me. Tumulo na naman ang mga luha ko.

"En-Enzo ano bang ginagawa mo? Wag mo naman tong gawin sakin.. Go home. Please..go home."

Lalo akong nahihirapan na pakawalan siya. Pero may parte sakin na hayaan siyang nandito. I want him to go but I also want him to stay here. With me.

Closer To You - EnrichTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon