Chapter 36

196 2 0
                                    

Chapter 36

Pag-uwi ko ng bahay, nagulat ako nang madatnan ko si Enzo na nakaupo na naman sa may sala at nanunuod ng tv. "Babe.. Ang aga mo na naman."

Tumingin siya sakin. Mas ikinagulat ko ang seryosong tingin nya sakin. "San ka galing?"

"H-ha?"

"Ang sabi ko, saan ka galing?!" Pinagtaasan nya ko ng boses. Nabigla talaga ko. Kitang-kita sa mga mata niya na parang galit siya sakin.

"Enzo.."

"Ang dali-daling sagutin ng tanong ko Erika." Iniwas na niya ang tingin niya. Ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko nga mahuhulog na e. Lumapit ako ng unti-unti sa kanya. "Babe.."

"For the last time. Saan ka galing?" Hindi pa rin siya tumitingin sakin. Tumabi ako sa kanya pero medyo nag-iwan ako ng space.

Gusto kong sabihin. Gustung-gusto kong sabihin. Pero hindi ko alam sa bibig ko. Parang umuurong ang dila ko na sabihin ang katotohanan. Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Hindi ako makatingin kay Enzo.

"Natanggal ako sa trabaho. Dahil kay Aly. Sinubukan kong mag-apply sa iba pero hindi ako matanggap. Yun pala lahat ng yun may connections sa kompanya nila Aly. Kaya mas pinili kong magcashier na lang sa coffee shop. Sa coffee shop ni Marcus."

Yan ang dapat kong sinabi kay Enzo, pero hindi ko nagawang sabihin. Iba ang lumabas sa bibig ko. Hindi ko sinasadya. Pero ganito pala pag biglaan na ganito ang pangyayari.

"S-sa work ko. Syempre naman. Hinahatid mo pa nga ako dun diba?" Tumingin ako ng unti-unti kay Enzo at nakita kong wala na siyang reaksyon.

Tumayo siya at iniwan ako sa sala. Umakyat siya papuntang kwarto niya at malakas na isinara ang pinto. Nabigla ako sa lakas ng pagkakasara niya. Ang bilis ng tibok ng puso ko hanggang ngayon. Ang tanga-tanga ko. Dapat sinabi ko na. Pero kasi.. hindi naman ganun kadali yun.

Pagpasok ko ng kwarto ko, kinuha ko agad ang phone ko na naiwan ko kanina at nakita kong puro missed calls na galing kay Enzo. Nabasa ko din ang nag-iisang text niya na sabay daw kaming maglunch at susunduin niya ko. Sh*t. Ibig sabihin, pumunta siya sa office at nalaman niyang wala ako dun at matagal nang natanggal sa trabaho.

Gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil sa sobrang inis. Inis na inis ako sa sarili ko. Galit ngayon sakin si Enzo. He trusted me. Ilang beses na ba niyang napaalala na ako ang pinaka-pinagkakatiwalaan niya, pero binali ko ang tiwalang yun. Pero ano ang ginawa ko? Nagsinungaling ako sa kanya. Ilang araw ko siyang niloko. Ilang araw ko siyang pinagmukang tanga habang ihinahatid niya ko sa office pero hindi naman pala ako dun talaga pumapasok.

Naiiyak ako sa inis at sa lungkot. Naghalu-halo na ang nararamdaman ko. Nagkulong lang ako sa kwarto at nag-iisip tungkol sa mga kasinungalingang ginawa ko. Oo at nag-aalala lang naman ako sa kalagayan niya kaya ko sa kanya tinago, pero in the end, alam kong mali pa rin na pinaglihiman ko siya.

Mali pala. Hindi ko lang siya pinaglihiman. Nagsinungaling ako sa kanya at pinagmuka ko siyang tanga.

Nang  medyo kumalma na ko, bumaba ako at nagluto ng hapunan. 9pm na at di pa kami kumakain. Okay lang sakin na di kumain kasi sanay naman ako, pero si Enzo hindi. Siguro gutom na gutom na siya pero ayaw niyang lumabas ng kwarto niya dahil ayaw nyang makita ang sinungaling niyang girlfriend. Siguro galit na galit talaga siya sakin dahil di niya ko kayang harapin.

Pero kahit na ganun, nilakasan ko pa rin ang loob ko at kumatok ako sa pintuan niya. "Enzo.." Hindi siya sumasagot. "Enzo.." Kumatok ako ng kumatok. Naiiyak na kong kumakatok pero hindi ako tumigil hanggang hindi niya ko pinagbubuksan. "Kausapin mo naman ako o." Hindi ako titigil. "Enzo.."

After a few seconds ng pagkatok ko ng pagkatok, binuksan na niya ang pintuan ng kwarto niya. Walang reaksyon ang mukha niya nang pinagbuksan niya ko, pero nung nakita niyang umiiyak ako, nagulat siya.

Ayoko nang magtagal pa to. Sasabihin ko na ang kailangang sabihin kesa naman ikasira namin tong dalawa. Mas mahirap yun at hindi ko kakayanin. Mawala na ang lahat sakin wag lang siya. Wag lang ang lalaking mahal ko.

"Enzo I'm s-sorry. Alam kong mali ako and I'm sorry." Nakatingin lang siya sakin at di siya nagsasalita. "Kung galit ka, bibigyan kita ng space. Kahit masakit sakin hahayaan kita." Iyak ako ng iyak. "Sorry nagsinungaling ako."

"Muka akong tanga kakahatid sayo. Yun pala-"

"I know it was a stupid thing to do. I'm sorry." Hindi ko na siya hinintay tapusin kung ano ang sasabihin niya. Gusto ko na kasing sabihin ang lahat. "Kasalanan ko. Patawarin mo ko. Pero ginawa ko lang naman yun kasi ayokong makadagdag pa sa mga problema mo."

"Kung natanggal ka sa trabaho, bakit kailangan mong itago sakin yun?"

"Kasi natakot ako.."

"S-san?" Takang-taka siya sa mga sinasabi ko.

"Si Aly. Hindi ko alam pero sa tingin ko siya ang dahilan kung bakit ako natanggal. Di ako makapasok sa mga kompanya na inapplyan ko kasi kamerge pala nila yung mga kompanyang yun. Ayokong pagbintangan siya pero nung kelan lang, nakausap niya ko at nasabi niyang never ako matatangap kaya naisip kong siya ang may gawa ng lahat ng yun."

"Nagkausap kayo ni Aly?!"

"Oo, pero nadaanan lang ako nun ng kotse niya. Kahit kelan hindi ko ginustong kausapin siya. Pero.. pero Enzo hindi yun yung point. Nagsinungaling ako sayo kahit pagbabali-baligtarin pa natin ang mga pangyayari. Pinagkatiwalaan mo ko pero nakuha ko pa ring magsinungaling sayo. And I'm sorry, Enzo. I'm sorry. Ayoko lang naman kasi na makadagdag pa sa mga dinadala mo. Masyado ka nang stressed sa work. Alam kong mag-aalala ka at baka dahil dun puntahan mo si Aly at baka madamay yung kompanya niyo dahil sa nangyari. Ang laki-laki na ng hirap mo para maisalba ang kompanyang pinaghirapang itayo ng lolo mo. Ayokong masayang lahat ng yun. Ayokong dahil lang sakin, babagsak ka. Ayoko Enzo." Pinilit kong magsalita ng maayos kahit umiiyak.

Lumabas na ng tuluyan si Enzo at isinara ang pintuan ng kwarto niya. "Saan ka nagtatrabaho ngayon?"

"Uhm.." Pinunasan ko ang mga luha ko. "Sa..sa coffee shop. Cashier ako dun."

"Saan yun?"

"Malapit lang sa office. Nagtataxi ako pagkahatid mo sakin."

Nagbuntung-hininga siya. Nakatingin siya sakin at nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako pababa ng hagdan. "E-Enzo.."

"Kumain na tayo."

- to be continued -

by Leah. June 26, 2013.

Closer To You - EnrichTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon