Chapter 7: Happy Birthday, Erika. :)

415 1 0
                                    

Nanunuod akong ASAP tapos bigla kong naisip isulat to habang birthday prod ni Erich. :) Belated happy birthday, Erich Gonzales. :)

---

Chapter 7: Happy Birthday, Erika. :)

- Erika -

Umalis na ko sa bahay ni Enzo at lumipat sa apartment. Medyo nalulungkot ako, pero sigurado naman ako sa naging desisyon ko.

It's my birthday today. Pinadalan ako ni Mom ng malaking pera to celebrate my birthday. Sayang naman kung gagamitin ko lang sa kung anong luho ko, so might as well gawin ko nang kapaki-pakinabang. Namiss ko din mga kaibigan ko kaya mas mabuting gastusin ko na lang to sa kanila.

May contact pa rin naman ako kay Mom, kahit never na ko umuwi samin. At kung uuwi man ako, si Mom lang ang magiging dahilan nun.

Dito ko nagcelebrate sa bar na madalas naming pinupuntahan nila Yannie. Binigyan kasi ako ng malaking discount, tutal naman madalas kami tumambay dito.

Tumabi sakin si Yannie. "Erika, bakit ba ganyan ang itsura mo? Birthday na birthday mo pero parang November 1 ang aura mo te!"

"Si Enzo kasi, hindi pa dumarating. Madami pang tinatapos sa opisina."

"Tsk tsk. Ano ba yang boyfriend mo, mas mahal pa yata ang trabaho niya kesa sayo!"

Sinamaan ko siya ng tingin.

"A e sabi ko nga, mas mahal ka nun." Abot-tenga ang ngiti niya.

I couldn't smile. Nandito na lahat ng mga kaibigan ko, pero parang may kulang pa rin dahil wala pa si Enzo. Gusto ko pa naman siya ipakilala sa mga kaibigan ko. Malapit na silang umuwi. Birthday na birthday ko pa naman pero hindi maganda ang mood ko.

***

10pm na and at last, dumating na din siya. Yung iba kong mga kaibigan, umuwi na. Sila Yannie na lang at yung iba ang natira.

"Babe.." He was about to kiss my cheek pero inilayo ko sa kanya.

I could not look at him. I am so mad.

"Babe, I'm sor-"

"Wag ka nang mag-explain. Sige, kumain ka na. Help yourself."

Tinalikuran ko siya at pumunta sa upuan nila Yannie.

"Ooooh I smell war." Sabi ni Yannie.

Inirapan ko lang siya. "Don't start, Yan. Wala ako sa mood."

"Erika.."

I looked at her. "Look Yan, I'm sorry. Pero nawala na talaga ko sa mood."

She tapped my shoulder. "I know. Pero diba dapat naisip mo ding pagod si Enzo pero dumaan pa rin siya dito?"

"Alam ko naman yun. Pero naiinis talaga kasi ako. Di ko mapigilan."

"Haay Erika. Bahala ka nga. Tingnan mo si Enzo o. Nakaupo lang dun. Lungkot na lungkot."

"Hayaan mo siya."

"Don't be so stubborn."

Humarap ako sa kanya. "Pero Yan.."

Hindi siya nakatingin sakin, at nakatingin siya sa malayo. "Ayun boyfriend mo. Puntahan mo na."

Hindi ko rin napigilan. Sinundan ko ang tingin ni Yannie at nakita kong nasa isang sulok lang si Enzo at umiinom ng soda. Mag-isa lang siya sa couch. At halatang-halatang malungkot siya.

I could not resist that face. Tumayo na ko. Hindi na ko nagpaalam kay Yannie.

We're having a fight for the nth time. At tulad ng dati, hanggang simula lang naman ako. Hindi ko rin naman siya matitiis.

Closer To You - EnrichTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon