6th: The Internet is for Porn

6.6K 67 3
                                    

6th: The Internet is for Porn

NARINDI ako sa ingay na dumagundong sa buong campus. Alam kong sa gym iyon nanggaling kung saan namamayagpag ang malalakas na tilian. Naalala ko na sports fest pala ngayon. Paniguradong tagisan ng mga departamento sa basketball ang kaganapan doon.

Dahil mamaya pa naman ulit ang klase ko ay naisipan ko munang umakyat sa gym. Sayang naman ang nangyayari sa unibersidad na ito kung hindi ko mae-experience.

Buti at may bakante pang mauupuan sa loob. May pumapasok at lumalabas kasi. Laban ngayon ng College of Nursing at ng Business Administration. Agad na namataan ko si Michael na naglalaro at tiyak na nasa koponan siya ng nursing. Ang hot niya habang nasa court suot ang jerseys. Nang mag-break saglit ay iwinagayway ko ang mga kamay ko upang makuha ang atensyon niya. At sa wakas ay napabaling siya sa direksyon ko. Ngumiti siya at kumaway. Napasinghap ako nang nag-flying kiss siya.

Kikiligin ba ako? Dapat ba akong kiligin? Napakagat ako sa ibabang labi ko at napahawak sa dibdib ko. Nag-iinit ang mukha ko. Nagba-blush yata ako. Shet. Kinikilig ako!

Napuna ko ang biglang pagsama ng timpla sa mukha ni Michael. Sinundan ko ang tinitignan niya. Hindi ko napansing kasali rin pala si Spencer! Kahit ako nga naman mabubwisit sa inaasta niya. Nagyayabang ang kolokoy. Well, kasi mas mataas ang puntos ng CBA na kinabibilangan niya. Rumampa pa siya sa court na nakataas ang mga kamay, at nag-flying kiss pa na ikinahiyaw ng mga babaeng nanonood.

"I love you, Spencer!" sigaw pa ng babaeng nasa harap ko. Isa pa ito. Lalo na ito, ang OA na ng pagkaharot. Halos mangisay pa sa puwesto niya habang tumitili.

Punyeta. Nakakairita. Mahalin niyo pa kaya 'yan kapag nadiskubre niyo ang sikreto niyan? Hindi kayo papasukan niyan, gagawin lang kayong audience sa pagbabate niya.

Napansin kong nag-retouch pa ang babae sa harap ko nang mamukhaan ko siya. Si Hina. 'Ba naman? Nasabi pa niya iyon, eh alam na nga niya ang sakit ni Spencer.

Bigla siyang napalingon. Nakita yata ako sa repleksyon ng salamin ng make-up niya. "Hey, Ami."

Napilitan akong ngitian siya.

Umisod siya at tinapik niya ang espasyo sa tabi niya na gusto niyang tumabi ako sa kanya na ginawa ko naman. Close na kasi kami ng babaeng ito kaya kung minsang magkikita, nagkukwentuhan kami at ang tanging madalas na bukambibig niya ay ang experiences niya sa sex—–bukod kay Spencer. Oo, fuck girl siya, slut, hoe, whore, etc., at may hustisya naman dahil siya iyong tipo nang kinalilibugan ng kalalakihan. Maganda, sexy, matangkad, makinis, fashionable pa at palaayos, at mapanukso ang aura. Hindi gaya ko, ordinaryo lang ang ganda at katawan. Sakto lang ang height at kulay, walang pang-ayos maski buhok hindi man lang ma-rebond. Luma pa ang mga damit ko kaya kasuklam-suklam akong tignan.

"Akala ko ba nandidiri ka kay Spencer? Bakit mahal mo pa?" pang-iintriga ko. Una ko nang nalaman ang pangalan niyong lalaki noong ilibre niya ako—–este, nagpalibre ako sa kanya sa canteen. Since, hindi naman ako palakwento at obligasyon ko lang yata ang makinig ng mga walang kabuluhang bagay, hindi ko na nabanggit kay Hina ang iba pa naming pagtatagpo ni Spencer at sa pagkakaalam niya ay dahil sa kanya kaya nakilala ko ito.

"Well..." Napakibit-balikat na lang siya.

Well ano? Tatanggapin mo ba kung ano siya? Martyr ka ba? O sadyang tanga ka? Marami nang nakakita sa marumi niyang katawan. Admit it, including me. Paulit-ulit ka lang magtitiis at masasaktan. Well, bagay sila. Pervert plus slut equals successful benefits.

Napailing-iling na lang ako.

Noong sumunod na laro, nakabawi ang koponan nila Michael. Pero natatambakan muli sila ng team ni Spencer. May nangyari pang nang isyu-shoot na ni Spencer ang bola ay sinubukan itong i-block ni Michael pero aksidenteng natumba ang huli. Nanlilisik ang mga mata ni Michael at nagtatagis ang panga. Pagtayo niya ay inambaan niya si Spencer na pinipigilan niya lang ang mamuo ang away habang laro. Tila gustong-gusto na niyang sapakin ito.

ExhibitionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon