21st: Help Me

2.7K 49 3
                                    

21st: Help Me

MAGKAHAWAK kamay kami ni Michael na bumalik sa campus na parehong may ngiti sa mga labi. Medyo naiilang pa nga lang ako sa kanya at sa nakakakita sa amin. Ni hindi ako makatingin sa kanya ng diretso at may bahagyang hiya pa dahil first time kong magka-boyfriend at sana siya na rin ang last. Forever na sana ito.

Oo. Walang ligawang naganap at nagtapatan lang ng nararamdaman, kami na. Tama nga ang kasabihan ng iba na hindi ang panliligaw ang pinatatagal kundi ang relasyon. At isa kami ni Michael sa magpapatunay niyon. At saka sapat na siguro ang samahan namin bilang magkaibigan para makilala ang isa 't-isa.

'Yung status namin na nag-level up. From magkaibigan to magka-ibigan. Na noong una, hanggang ilusyon lang ako, ngayon in reality na.

Sabi pa ni Michael, ipapakilala niya raw ako sa family niya anytime soon kahit hindi pa ganoon kalalim ang nararamdaman niya para sa akin. Pero sigurado na raw siya sa nararamdaman niyang ako na nga. Na ako na talaga para sa kanya.

Nandito pa lang ang relasyon namin, may napag-uusapan na kaming mga plano sa aming dalawa. Kaya heto 't nag-uumapaw sa kilig ang puso ko. At titiyakin kong magiging isa akong mabuting girlfriend at hindi ko na papakawalan pa ang taong mahal ko na noong una ay pinapangarap ko lang.

Hindi namin inaasahan na makakasalubong namin si Spencer—–na napatingin din sa amin—–habang nagwawalis sa gilid ng daan. Hindi na ako nagtataka. Kaya siguro wala siya sa library kanina, ito ang itinalaga sa kanya.

Sa guwapo niyang iyan, naging tagawalis na lang? Napapala kasi ng mga violators.

Buti na lang ay hindi kami nahuli ni Michael ng taga-discipline office kundi magiging alila rin kami ng university na ito.

Kahit patuloy na nagwawalis si Spencer ay nagawa pa rin niyang sundan kami ng tingin.

Bumaba ang tingin niya sa magkahawak na kamay namin ni Michael. Tila may kung anong lumarawan sa mga mata niya, pero hindi ko matukoy kung ano iyon.

Lumipat ang kamay ni Michael sa balikat ko at hinalikan ako sa sentido.

Noon na natigilan si Spencer. Tila nanigas siya sa kinatatayuan niya. Nagulat lang siguro siya at hindi makapaniwala at marahil naman ay naiintindihan na nito kung ano na ang meron sa amin ni Michael. Na may relasyon na kami.

"I love you, Ami," ani Michael.

Bumaling ako sa kanya na may ngiti at ang hindi pa nawawalang kiliti sa puso ko ay nag-uusbungan na naman sa loob ko. "I love you, too."

Bumalik muna kami sa kanya-kanya naming klase at noong uwian na ay hinatid niya ako sa work ko.

Parang walang kapagod-pagod na nagawa ko ng mabuti ang trabaho ko. Napaka-energetic ko ngayon at kahit may mga nag-iinarteng customer ay ni hindi ko ininda. Kahit na sinusungitan ako ng boss ko ay wala akong pakialam. Siguro masyado lang naging maganda ang araw na ito para ma-bad vibes. Tila nakalimutan ko na rin ang mga masasamang pinagdaanan ko at napunan iyon ng magagandang kaganapan sa araw na ito.

Lalong naging maganda ang mood ko nang mahawakan ko na ang sobreng naglalaman ng sweldo ko ngayong cut off. Sinamyo ko ang envelope. Haayyy... Ang sarap ng amoy ng pera. May pang-down na ako sa renta.

Pagkalabas ko ay naabutan ko si Michael sa tapat ng restaurant. Mabilis na nilapitan niya ako at agad na umakbay sa akin.

"Ihatid na kita pauwi," alok niya.

Nawala ang ngiti ko. "Hindi pwede," tanggi ko agad. Nasa bahay pa ako ni Spencer. Hindi pa niya pwedeng malaman. At kung sakaling mawala na ako sa teritoryo nito ay nag-aalangan pa rin akong sabihin kay Michael na minsan akong tumuloy sa tirahan nito. Baka ura-uradang makipaghiwalay siya sa akin.

ExhibitionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon