22nd: One More to Go

2.7K 42 5
                                    

22nd: One More to Go

PAULIT-ULIT akong inis na napapabuntong-hininga. Gigil na gigil akong pinipindot ang mouse. Hindi ako makapokus sa nire-research ko sa internet. Ang ingay kasi ng katabi ko, hindi naman yata gumagamit ng computer at prenteng nakasandal lang sa upuan na nakikipagtsikahan sa cellphone.

Naaalibadbaran ako. Ang lakas ng boses niya at dinig na dinig ko ang pinag-uusapan nila na tungkol lang naman sa kalandian. Ang sarap sabunutan.

Nang hindi ko na matiis ay nilinga ko siya.

Tinaas ko ang isang kilay ko. "Ate, hindi ito call center. Library 'to kaya silence, please."

Nakita ko pa ang pag-irap nito bago ko binalik ang atensyon sa computer. Isalaksak ko sa bunganga niya 'yung mouse, eh. Pero buti na lang at nanahimik na siya kundi mapapahiya siya rito sa library.

Inintindi ko muli ang binabasa ko. Ilang araw na akong dumidiretso sa internet section ng library kada matatapos ang klase ko 't magkakaroon ng bakanteng oras para magsaliksik tungkol sa kaso ni Spencer. Sa pagiging exhibitionist niya. Napag-aralan na namin sa isang major subject ko ang tungkol sa mental illness na iyon na kabahagi ng uri ng mga paraphillia. Pero dahil hindi lahat ng detalye ay naituro kailangan ko pang mapag-aralan ng husto ang tungkol sa sexual disorder na exhibitionism. Kanya-kanyang kusang pagtuklas na lang kung nais ng mga mag-aaral ang mas may malaman pa ukol sa anumang naturang paksa. At ito na nga ang ginagawa ko. Aalamin ko kung bakit naging exhibitionist si Spencer at paano ito malulunasan.

Imbis na sa iPhone na lang ako nagre-research, ginawa ko na lang dito sa library. Libre lang kasi rito ang internet kahit limitado ang oras. Ilalaan ko muna kasi ang pera ko sa down payment ng renta hangga 't hindi pa ako nakakahanap ng matitirhan. Hanggang ngayon ay wala pa akong nakikitang swak sa gusto ko. Kung hindi mahal, hindi ko naman gusto ang kwarto. May magugulong kapitbahay o room mate o kaya naman ay parang anumang oras magigiba ang pader o ang bubong.

Naalala ko ang napag-usapan namin ni Spencer noong nakaraang gabi matapos niyang itira sa mukha ko ang katas niya. Kailangan pa talaga ng sample bago siya manghingi ng tulong.

Aniya, nag-umpisa ang pagiging exhibitionist niya nang nagsisimula nang magbukas ang isip niya sa kamunduhan. Pagtagal ay hindi na siya nasa-satisfied sa simpleng pagma-masterbate lang at sinubukan niyang makipag-sex sa babae sa edad na labing-tatlong taong gulang, na-devirginize siya. Since sa kagwapuhan niya, hindi imposibleng makauto siya ng sinumang babaeng gustuhin niyang ikama. Sa makailang beses na pakikipagtalik niya, sa pag-aakalang hindi siya nakukontento sa iisang babae sa matagal na panahon—–hindi lang sa iba-ibang babaeng solong pakikipagsiping, sinubukan niya rin ang threesome at group sex—–na siya lang ang nag-iisang lalaki—–pero hindi pa rin naaabot ang ligaya niyang nais matamo. Hanggang sa maglabin-limang taong gulang siya nang madiskubre niyang mas nasasarapan siyang mag-masterbate lang sa harap ng isang babae, lalo na kung hindi niya kakilala. Nagagawa niya iyon sa mga publikong lugar kapag natitiyak niyang hindi siya mapapahamak.

"I CANT stop pleasuring myself anywhere in front of anyone," nanginginig na sabi ni Spencer habang nakayuko siya 't nakatukod ang mga siko sa tuhod niya at paulit-ulit na mariing sinusuklay ng kamay niya ang buhok niya.

Pareho kaming nakaupo sa sofa at inaaluan ko siya sa mga hinaing niya.

Nangingiyak na bumaling siya sa akin. "Help me. I dont wanna be like this anymore." Pagkasabi niyon ay noon na siya napahagulgol.

Hinagod-hagod at tinapik-tapik ko ang likod niya. Akalain mo 'yon? Marunong din palang umiyak ang pilyo at manyak na taong ito? Pero hindi ko siya masisisi. Tiyak na may masalimuot na pinagdaanan siya dahilan ng pagkakaroon niya ng sexual illness.

ExhibitionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon