27th: You Said

2.3K 32 0
                                    

27th: You Said...

"BAKIT nandito ka pa, Spencer?" pabulong na sikmat ni Ami sa kanya. Gigil na nagpapadyak pa ito sa inis. Nag-aayos ito ng mga table at nang madaanan siya ay natigilan ito para lang talaga sitahin siya. Kanina pa siya tapos kumain pero hindi pa siya umuuwi.

"Why?" inosenteng tanong ni Spencer.

She didn't respond to his question instead she rudely said, "Umalis ka na, magsasara na kami."

"I'll wait for you," aniya, matamis na ngumiti.

"'Wag na!" desididong tugon niya. "Umuwi ka na."

"Ihahatid kita," alok niya.

"Hindi na kailangan."

Mataman niyang pinakatitigan si Ami.

Tinaasan siya nito ng kilay. "Ano? Alis na! Umuwi ka na."

Bumuntong-hininga siya bilang pagsuko. Napilitan siyang tumayo't tumalima.

Pagkabukas niya ng pinto ng kotse niya sa garahe ng restaurant ay naalala niyang nakalimutan niya ang phone niya kaya nang pabalik na siya sa loob ay makakasabay niya sa pagpasok si Michael.

As usual, halatang ayaw nitong makita siya. Huminto ito sa paglalakad at nanlilisik ang mata nitong tinapunan siya ng tingin kasabay ng pagtiim bagang nito. "Pupuntahan mo ba si Ami?"

Natigil din siya sa paglalakad. "No." He does not know what else to say. Marahil ay kararating lang nito't hindi napansin na galing na siya sa loob.

Nakipagtagisan siya ng titig dito. Kaya man niyang sindakin ito ay ang inaalala niya si Ami.

Humusto ang masamang tingin nito. "Anong tinatayo mo diyan? Sa iba ka na kumain. At 'wag ka na ulit pupunta rito."

Nagtaas-noo siya. "Why? Do you own this place?"

Hinablot nito ang kwelyo niya. Kahit kailan talaga maikli ang pisi nito pagdating sa kanya. Umusok agad ang ilong nito.

He slightly smirked. "Remember, I can buy you, your friends, and this entire restaurant... and even Ami. I can take her away from you anytime I want."

Bigla siyang inundayan nito ng suntok na halos nagpawala ng kanyang balanse.

Sinapo niya ang nananakit na panga.

"Umalis ka rito, bago pa magdilim ang paningin ko," pagbabanta ni Michael na nakaduro ang daliri sa kanya.

Hindi na siya pumalag pa. Pasalamat ito dahil ayaw na niyang lumaki pa ang gulong ito. Tuluyan na siyang umalis sa lugar na iyon.

NAPABILIS ang pataas-babang hawak ni Spencer sa pagkalalaki. Nagririgodon ang kanyang paghinga nang nararamdaman na niya ang pamumuo ng matinding sensasyong anumang oras ay sasabog sa bawat himaymay ng kanyang kalamnan.

Garalgal na napaungol siya. "Ami..." wala sa sariling usal niya dahilan ng kanyang paghinto sa ginagawa kasabay ng pagdilat ng mata dahil sa pagkasorpresa.

Ito ang unang pagkakataong nagsambit siya ng ngalan ng babae habang pinapaligaya ang sarili. Wala sa kanyang ulirat ang dalaga na maging dahilan ng kanyang libog at ni hindi sumagi sa isip niya bago niya banggitin ang pangalan nito.

Ilang segudo siyang natigalan sa kanyang pagkakatihaya sa kama bago niya bitiwan ang ari.

Mabilis na dumaan sa kanyang isip ang tagpo nila ni Ami. Hanggang sa magdahan-dahang bumabalik sa kanyang ala-ala ang mga pagkakataong hanggang sa mainit nilang sandali. Ang bawat detalye na iyon kung kailan tinatamasa nito ang bawat haplos niya't paglinamnam dito. Ngunit hindi ito nagdulot nang muling pag-alab ng nararamdaman bagkus ay nakaramdam siya ng kirot sa dibdib nang humalo sa isip niya na hindi na niya ito makakasama. Ang mas nakakalunos pa ay si Michael na ang kapiling nito na ang humahadlang upang mapalapit sa dalaga.

Napatayo siya't agad na itinaas ang salawal. Napahilamos siya sa mukha. Ilang beses siyang napasinghal hanggang sa hindi na niya kinaya ang gulo ng isip. Pinagsusuntok niya ang pader habang patuloy na nagsisisigaw. Hindi iniinda ang pamumula na nagiging gasgas hanggang sa tuluyang magdugo ang mga kamao. Nang magsawa siya ay napahagulgol siya. Ano ba ang ginagawa niya sa sarili niya? Ano ba ang nararamdaman niya? Nakakatwa na ang siste ng pag-iisip niya.

NAHINTO si Spencer sa pag-aayos ng binalik niyang walis at dustpan sa campus facilities nang saglit lang sana siyang lilinga nang tumambad sa kanyang paningin ang isang mamahaling phone. Napaangat siya ng tingin sa taong naglahad niyon sa kanya—si Ami.

Blangko ang mukha nitong diretsong nakatingin sa kanya. "'Wag ka nang lalapit sa 'kin."

Saglit siyang natigilan. Hindi niya pinansin ang inabot nitong phone na tiyak ay ang naiwan niya sa restaurant. "Why not?" kunot-noong tanong niya. Tila may biglang dumaang hindi kaaya-ayang pakiramdam sa kanyang kalooban.

"Hindi tayo close," mataray na sagot nito.

Napabuga siya ng hangin at napailing. Hindi niya alam kung matatawa siya. "We're not close? You lived in my house. Don't you have different reason?"

"'Wag ka namang manumbat."

"Hindi ako nanunumbat. Minsan 'wag ka namang mamilosopo," litanya niya.

Napabuntong-hininga ito. "May boyfriend na 'ko, Spencer... T-thank you, kasi pinatuloy mo 'ko sa bahay mo. H-hindi ko alam kung paano ako makakabawi. Well, actually siguro nakabawi na 'ko dahil sa pagtulong ko sa bahay mo. Hindi naman kawalan sa kahit sino sa atin ang hindi na natin paglalapit."

"Is that a valid reason? Because you have a boyfriend? Can't I be your friend?" pagpupumilit niya pa rin.

"Gusto mo bang i-elaborate ko pa? Hindi lang kung sino ang boyfriend ko. Mainit ang dugo ni Michael sa 'yo. Ex-girlfriend niya ang girl—"

"Okay, stop," pagputol niya rito na tiyak ang tinutukoy ay si Hina. "She's not my girlfriend—"

"Ikaw ang dahilan ng paghihiwalay nila!"

Hindi na siya nakipag-argumento pa. Matiim na tinitigan na lang niya ito.

Napansin niya ang paglipat ng tingin nito sa kamay niya. Hindi pa naghihilom ang mga sugat niyon. Pasimple niyang iniiwas sa paningin nito ang kamay niya. Pero hinihintay niyang magtanong ito kahit ang isasagot niya lang ay ayos lang siya.

Nang hindi na ito nagsalita, umiwas siya ng tingin dito. "Sana magkaayos kayo."

"Basta 'wag ka nang lumapit kahit kailan," deklara nito.

Muli siyang tumingin dito at hindi niya naiwasang tuluyang malungkot sa magiging set up nila. "You said you'll help me."

Kinuha nito ang kamay niya at inilapag doon ang phone bago siya tinalikuran.

Sinundan niya ito ng tingin habang tumatakbo nang palayo. Hanggang tingin na lang ang magagawa niya at baka pa huli na iyon.

ExhibitionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon