7th: iPhone worths P1500

5.3K 59 0
                                    

7th: iPhone worths P1500

"GRAB your dick and double-click...for porn, porn, porn!" pagkanta ko sa awit ng napanood kong rehearsal ng Avenue Q ng Mass Comm students.

"So, you 're surfing in the internet because for porn?"

Marahas na napabaling ako sa pinanggalingan ng boses. "Hindi!" singhal ko, hindi bilang sagot sa tanong niya kundi dahil sa ayaw kong makita ang pagmumukha niya. Si Spencer na hindi pa nagpapalit ng jersey at pawisin pa rin. Si Spencer na nakakasuklam talaga kahit kailan.

"Hindi raw?" nakangising tanong niya.

"Umalis ka nga rito," pagtataboy ko sa kanya.

"Why? Is this your terri--"

"Ami, sorry nga pala sa-—"

Nahinto si Spencer sa pang-aalaska niya nang lumabas si Michael mula sa laboratory na naka-school uniform na at nahinto rin sa sasabihin niya nang makita ang mokong.

Nagtagisan ng tingin ang dalawa. Nagsisimula na naman ang tensyon sa kanila.

Hindi ito love triangle. Huwag tayong mag-assume. Wala pa namang namamagitan sa amin ni Michael lalo na ni Spencer.

Hinawakan ko ang braso ni Michael upang mapahinahon siya. Baka kasi lalong magkapikunan ang dalawa at umabot sa sapakan. Hindi ko sila maaawat. Bahala sila. Baka masaktan din ako. Tatakbo na lang ako kapag nagkataon. Ayokong magka-violation.

Napatingin sa akin si Michael saka siya bumuntong hininga at ibinaba ang tingin.

Hinawakan naman bigla ni Spencer ang braso ko at hinila ako.

"Ano ba?!" Pilit kong binawi ang braso ko pero hindi pa rin siya bumitiw. Heto na naman siya.

Hindi ko pinakawalan si Michael. Hindi ko hinayaang magpatianod ako kay Spencer samantalang si Michael ay wala man lang ginagawa at hindi natitinag sa kinatatayuan niya. Tinanggal ni Spencer ang kamay ko kay Michael at tuluyan na akong nakaladkad. Kaladkarin talaga. Nabibwisit na naman ako.

Wala akong magawa kundi humingi ng tulong kay Michael pero hindi ko masabi. Hanggang sa pagmamakaawang tingin na lang ako.

Pero hindi niya ako naipagtanggol. Ni hindi man lang niya ako natapunan ng tingin. Bakit kaya ganoon ang inakto niya? Wala na ba siyang pakialam sa akin? Wala ba akong halaga sa kanya? So, saglit lang ang pagsasamahan naming dalawa? Kunsabagay ay hindi pa naman ganoon kalalim ang pagkakalilanlan namin sa isa't-isa. Wala talagang permanente sa mundo. Wala nga talagang forever.

Hindi ko alam kung bakit inaakyat ako ni Spencer. Hindi ko alam kung saan niya ako maaaring dalhin.

Patuloy akong nagpumiglas. "Ano ba, Spencer?! Bitiwan mo na ako." Sinuntok-suntok ko siya sa braso niya hanggang sa napikon na ako nang tuluyan, kinagat ko siya sa kamay niya para lang tanggalin niya iyon sa akin. Nahinto kami sa terrace ng 3rd floor lobby.

"Ahh!!!" daing niya.

"Buti nga sa 'yo."

Napuna ko ang pagtagis ng mga ngipin niya. "I told you to give me the video!"

Tinalikuran ko lang siya pero hinila niya ang shoulder bag ko na hindi ko binitiwan. Naghilahan kami niyon. Nabuksan niya ang bag ko at kinalkal iyon, nang wala siyang nakita roon ay bumitiw na siya pero bulsa ko naman ang napagdiskitahan niya at nakuha niya ang iPhone ko.

Agad kong sinubukang bawiin iyon at iyon naman ang pinaghilahan namin hanggang sa pareho kaming napabitiw at nahulog iyon sa 2nd floor lobby. Dumami ang phone ko pagkabagsak niyon sa sahig. Nagkahiwa-hiwalay. Nagkawatak-watak. Nagkalasog-lasog. Ang iPhone4 kong pinag-ipunan ko sa halagang P1,500.

Humahangos akong napatakbo pababa at inalo ang pinakamamahal kong phone. Wala na siya. Ganoon lang kadaling mawala ang pinagsamahan namin. Ang phone kong hindi ko pinangarap pero dumating sa buhay ko. Seryoso ako. Naluluha ako. Wala na akong phone. Hindi ko pala siya forever na makakasama.

"S-sorry."

Galit na binalingan ko si Spencer na lumapit sa akin. "Sorry?! Excuse me. Hindi lang basta nabagsak ang phone ko. Nasira ang phone ko. Hindi lang nasira na pwede pang ayusin. Nasira ang phone ko at hindi na mababalik sa dati. Hindi ko na ito magagamit." Sa pinagsasabi kong iyon ay lalong bumuhos ang mga luha ko.

"Uhh. Cut the drama. It's just a fake iPhone."

"Hindi lang ito basta phone. Palibhasa kasi mayaman ka. Mabibili mo lahat ng gusto mo. Gano'n lang 'yon kadali sa 'yo. Kahit ilang mamahaling phone pa ang pwede mong bilhin. Eh, 'yang cellphone na 'yan. 'Yan ang unang bagay na naipundar ko sa pagtatrabaho. Kasi 'yung mga magulang ko hindi ako mabilhan ng mga bagay na gusto ko dahil mahirap lang kami. Kahit pekeng iPhone lang 'yan, may pakinabang sa akin 'yan. Marami nang nagagawa 'yan para sa akin. Hindi tulad mo, wala kang kwentang tao, salot ka pa."

Pinunasan ko ang mga luha ko at hindi na ako nag-abalang kunin ang nasirang phone ko. Iniwan kong nakakalat sa lobby iyon at si Spencer na wala nang nasabi pa.

WALANG naging reaksyon si Spencer sa sinabing iyon ng babae. What's her name again? Ami. Iyong itinawag dito niyong boyfriend ni Vina. Tina? Dina? Fina? Gina? Whatever.

Ewan niya ba. He is affected from what she has said. Yes. It's just a fucking fake iPhone that worth only a single thousand. And yes, he knows it's big deal for her because she's an indigent girl who's working for her life at ang ganoong halaga ay katumbas na ng ilang buwang pangkain ng pamilya nito.

But, well. He feels better now because the device which recorded him while masturbating in a public cheap vehicle is now ruined. And he doesn't need to be bothered for his privacy. Babayaran niya na lang ang babaeng iyon at papalitan niya pa ng totoong mamahaling updated na iPhone7.

"Bakit ka nagkakalat?!" biglang dumagundong ang sigaw ng matandang babae na sumulpot sa harap ni Spencer na nakaduro pa sa sa kanya. Maybe she's a professor obviously because of her ID and her dress up. "Akin na ang I.D. mo."

"Huh?" His forehead wrinkled.

"May violation ka. Loitering at may sanction kang 100 hours school service."

Napanganga siya. "What the—? No way!"

ExhibitionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon