12th: Ghost
Ami's POV
NAPASABUNOT ako sa buhok ko pagkagising ko. Grabe! Sobrang sakit ng ulo ko. Parang pinupukpok. Parang binibiyak. Ganito ba iyong hangover? Puta, hindi na ulit ako iinom sa susunod. Leche kasing pag-ibig iyan, eh. Umasa-asa pa ako, alam ko na ngang may girlfriend iyong tao. Sa lahat pa ng magugustuhan, si Michael pa.
Minasahe ko ang sentido ko pero hindi naibsan ang sakit niyon. Pilit akong tumayo upang kumuha ng tubig sa kusina. Iinom na lang ako ng pain killer.
"Late kang umuwi, ah."
Natigilan ako nang marinig ang nagsalita. Hindi ko napansin iyong tatay ko na nakaupo sa hapagkainan habang hinihintay ang kakaining tanghaliang niluluto ng mama ko.
Wow. Bago 'to, ah. Totoo bang kinakausap ako ng tatay ko ngayon? Concern ba siya?
"May trabaho nga ako, 'di ba?" cold kong pagdadahilan saka kumuha ako ng tubig na maiinom.
"Lasing kang dumating dito. Lalaki pa ang naghatid sa 'yo."
Oo nga, 'no. Buti nakauwi pa ako. Si Spencer ba ang naghatid sa akin? Paano kaya niya nalaman ang bahay namin? Baka dahil sa lasing ako ay hindi ko na maalala kung paano niya ako naiuwi rito. Ang naalala ko lang ay habang umiinom ako mag-isa samantalang siya ay pinanonood ako matapos ay umuwi kami sakay ng bus. Hindi niya ako iniwan at inaalalayan pa ako. Nice naman. Buti nagmagandang loob ang gunggong na madala ako rito. Or teka, baka hindi ko alam ay napagsamantalahan na niya ako. Humanda siya sa akin pagdating ko ng school.
Imbis na tumugon kay papa ay pinili kong bumalik ng kwarto ko.
Kinalabog ng tatay ko ang mesa at saka hinila ako sa braso para iharap sa kanya. "Lumalandi ka na ba?!" Dumagundong ang sigaw niya. Heto na naman siya 't kahit hindi lasing ay laging nagagalit. Pero sa sinabi niya ay nagulat ako. Ayos siya mang-akusa, ah. Nagpakalasing lang, lumalandi agad?
"Paki mo?"
"Pakawala ka na bang babae ka? Pinag-aaral ka namin, ah!" Dinuro niya ako.
Inalis ko ang kamay niya sa braso ko. "Talaga?" Tila hindi ko na mapigilang magsalita. May epekto pa rin ba ang alak kinabukasan? Sa hangover? Or dahil sa napikon na ako sa taong ito kaya parang malakas na ang loob ko. "Pinaaral niyo 'ko? May iniabot ka bang pera para sa tuition ko? O kaya kahit sa baon ko man lang? Saka si mama lang naman 'yung nagtatrabaho rito, ah."
"Bastos ka, ah." Dinakma niya ang panga ko pero nagpumiglas ako.
Tinabig ko ang braso niya.
Parehong nagtagis ang mga panga namin habang masamang nakatingin sa isa 't-isa. Hindi ko na hahayaang maghari-harian siya rito sa bahay. Hindi ko na hahayaang diktahan niya kami sa lahat ng bagay. Hindi ko na hahayaang magpakasasa siya sa paghihirap namin ni mama. Subukan pa niyang magsiga-sigaan dito, hindi na niya iyon magagawa pa ulit.
"Ikaw ang bastos! Hindi ba kawalang-h'yaan ang sinasaktan mo si mama? Huwag kang magmalaki na akala mo ang laki ng iniambag mo rito sa pamilyang 'to. Kahit kailan hindi ka nagkaroon ng matinong trabaho mula pa noon para may maibigay rito. Kain-tulog ka lang naman dito, eh."
"Ano ba? Tama na 'yan!" awat ni mama at pumagitan sa amin.
"Isa ka pa!" Dinuro ko si mama sa galit ko rin sa kanya. Sawang-sawa na ako sa ganito. Sa pagpapaka-martyr niya. "Hinahayaan mo lang siyang gawin ang gusto niya. Hinahayaan siyang saktan ka niya. Nagtatrabaho ka na nga para may pangkain tayo tapos pag-uwi mo pinagsisilbihan mo 'tong gagong 'to? Binibigay ang luho niya at ginagawa ka niyang punching bag pero tinitiis mo lang? Bakit hindi mo siya palayasin dito sa bahay? Hindi naman sa kanya ang bahay na 'to. Kaya naman natin mabuhay kahit wala siya. Hindi naman siya kawalan, eh. Kahit tatay ko pa siya, 'di bali na kung ganyan siya. Wala na ngang kuwenta, peste pa rito."
BINABASA MO ANG
Exhibition
General FictionWhat if you encounter an exhibitionist? How would you react if a stranger pleasuring himself in front of you in a public place? [Tagalog story] Copyright © 2019 by MaristMolleda All Rights Reserved Copying, usage, transmission, or reproduction of th...